Chapter 32

1K 52 1
                                    


Arabella's Pov

Nasa kotse parin kami ang akward! Hindi ko alam bakit. Pagmulat ko nga kanina lumayo sa'kin si Kabut–Ruru hindi ko alam bakit tapos gulat pa ang mukha, tapos parang feel ko may humalik sa'kin.

Hinalikan niya ba ako?

Ang assuming mo hindi ka naman siguro nakashabu ano?

Bakit ba iniisip ko iyong shabu? Saan ba galing iyon?

Ah! Alam ko na! 'yong nakita ko sa fb, Oo! Fb. Utak mo may shabu daw sabi ng nasa fb. Ano ba 'yong shabu? Wala akong load ih hehe. wala nga ba?

Sa telepono, may tumatawag~ sa telepono, sagutin natin~

Hala! Asan 'yong cellphone ko? Hinanap ko yong cellphone ko may tumatawag baka nanghihinge ng tulong ganun naman sila pag tatawagin ako nanghihingi sila ng tulong hmp!

Rinig kong nagbungisngis 'yong katabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan lang ako kaya inis kong hinahanap ang selpon at sinagot ang tawag.

"Ano kailangan mo!?" Inis kong tanong.

"Hala? Bakit ka naiinis? Ano ginawa ko sayo? " Tanong ng nasa kabilang linya.

Kaya kumunot ang noo ko. "Sino ikaw?" Tanong ko.

"Nakalimutan muna agad ako? Ako lang naman 'yong may makapal na mukha haha cha–" Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Ikaw ba 'yong may makapal na mukha? Ah siguro ikaw 'yong umutang ng bente pessos sa'kin ano? Para sa load? Hoy! Bayaran mo! Kailangan ko 'yon! Para sa load ko!" Sigaw ko sa telepono.

*Tot-tot-tot*

Ay pvta!? Pag may utang kakalimutan? Pero pag inuutangan hindi kina kalimutan? Wow! Lakas ng loob! Mga king'na! Binato ko 'yong cellphone ko sa labas ng bintana–charot! Bakit ko ibabato? Wala nga akong pambili ih.

Inis kong pinasok 'yong cp sa bag at sinamaan si Ruru dahil tinatawanan ako, pinandilatan ko siya ng mata.

Maya't maya nakarating na kami sa village namin bumaba na ako at nag thank you at tumakbo papuntang bahay.

Pagkapunta ko nasa sala sila Iyah, "Iyah!" Tawag ko kaya napatingin sila sa'kin.

Hala kayo na pala si Iyah?

Sinawalang bahala ko nalang at lumapit sakanila. Nanonood pala sila ng conjury.

"Ano iyan? Horror?" Tanong ko kahit alam ko naman.

"Oum. Kakasimula palang! Manood ka!" Yaya ni Maye sa'kin pero umiling ako.

Takot ako sa madre please ayoko.

Gusto mag madre, pero takot sa madre. Nice Ara.

"Ayoko uupo nalang ako." Sabi ko at ngumuso bago umupo sa sofa.

"Saan kayo pumunta?" Tanong ni Maye.

Napangiti naman ako. "Sa Samgyup," Sagot ko habang nakangiti.

Nagulat naman ako ng niyugyog ako ni Iyah. "Bakit hindi ka nangyaya!? Bakit!? Bakit???" Naiiyak niyang tanong at binitawan ako bago siya tumakbo sa kusina pero pinunasan niya ang luha.

Hala?

"Hala! Bakit hindi nangsama!? H-hindi mo ba kami k-kaibigan??" Naiiyak ding sabi ni Maye at Alisa.

Hala!?

"Hah?" Takang tanong ko.

"Guys," Tawag ni Lincoln kaya napatingin kami sakaniya at pumunta narin si Iyah sa sofa kaso lumayo siya sa'kin.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon