Chapter 36

969 43 2
                                    


Arabella's Pov

Pagkatapos ng Laro namin sinapak ko si Jp siya pala 'yong tumawa non, siraulo ampt. Ayon nasapak ko pati si Ruru nasapak ko aba! Kasalanan nila 'yon. Kaya ayan may eye bag na sila aba deserve nila iyan, si Roger hindi pa nagigising naguilty tuloy ako ng sinapak siya, may eye bag din siya sa mata.

Patawarin mo ako, mare.

Nandoon si Roger sa Clinic dinala nila nag panic pa nga sila ng hindi magising si Roger.

Mga timang.

Nandito ako sa Clinic binabantayan si Roger syempre ano pa nga ba, ako may kasalanan kaya ako mag babantay. Nakita ko na gumagalaw ang kamay ni Roger kaya tumayo ako at lumapit sa sakaniya.

“Roger?” Tawag ko namulat naman niya ang mata niya at napatingin siya sa'kin. “Kamusta?” Tanong ko kumunot naman ang noo niya na ikinataka ko.

“Sino ikaw?” Tanong niya.

Sinapak lang nag ka-amnesia na?

Hinampas ko naman siya kaya napaaray siya. “Ayan naalala mo na ako?” Tanong ko umiling siya akmang hahampasin ko ulit siya ng pinigilan niya ako.

“Biro lang! Ang sakit ng hampas mo, babae kaba!?” Inis niyang tanong at hinimas iyong hinampas ko.

“Buti naalala muna ako.” Sabi ko at ngumisi.

Ngumiwi naman siya. “Creepy mo.” Ani niya at umupo.

“Ayos kana ba?” Tanong ko tumango siya.

“Maayos ang katawan ko pero iyong mukha ko hindi.” Sagot niya kaya napangiwi ako.

“Hindi lang naman ikaw may eye bag.” Ani ko at ngumiti ng malawak.

“Tang'na ang creepy mo ngumiti! Layo demonyo!” Natatakot niyang sigaw at lumayo pa sa'kin.

Gag0 ampvta.

Tumawa ako ng bahagya dahil sa reaction niya.

“Wuaaahh!!! Demonyooo!!” Sigaw niya kaya tumawa pa ako. “Heelllpppp mee!!” Sigaw niya at tumakbo palabas ng clinic kaya hinabol ko siya.

Aba! Iniwan ako.

“Sandali!” Sigaw kong sabi at tumawa pa ng bahagya.

Tumatakbo lang si Roger papunta sa Room kaya hinabol ko siya at nasa room na kami pumunta pa siya sa puwesto nila Jp kaya tumawa ako ng bahagya pa dahil sa reaction niya.

Natatawa talaga ako kahit hindi ko alam.

“T-tulungan niyo ako! B-baliw iyan!” Nauutal na sabi ni Roger at tinuro pa ako tumawa ako at lumalapit kay Roger pero pumunta siya sa direksyon nila Ruru ganon din sila Jp.

Nagtaka naman ako sakanila. “Bakit kayo nag kukumpulan diyan, Roger? Hoy! May sasabihin ako Roger.” Sabi ko at ngumiting ng malawak.

“Nakakatakot siya, Roger.” Rinig kong sabi ni James.

“P0ta ano ba ginawa mo diyan?” Tanong naman ni Jp kay Roger.

“Tang1na hindi ko alam tumatawa nalang iyan sa clinic.” Sagot ni Roger.

Napaisip naman ako. “Roger come here.” Nakangiti kong sabi at nakalahad ang dalawang kamay pero umiling-iling lang siya at sumiksik kayla Ruru kaya natawa ako ng bahagya.

Sakit ng tyan ko pvta.

Napatigil lang ako ng tinawag ako ni Ruru na...

“Bakulaw.” Sabi ni Ruru na ikinatigil ko kakatawa, kakatrip. “Enough that bullshit.” Irita niyang sabi at tinulak-tulak sila Roger.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon