Chapter 41

920 51 3
                                    


Arabella's Pov

“Galingan mo, kaya mo iyan.” Sabi ni Clayde sa 'kin.

“Paano ba?” Tanong ko.

“Itaas mo.” Sabi niya kaya ginawa ko naman. “Tapos Baba.” Dagdag niya kaya ginawa ko.

“Marunong naman ako.” Ani ko sakaniya.

“Edi kaya mo.” Ani niya at iniwan ako.

Nandito ako sa labas hawak ko malaking camera as in malaki siya at nakapatong ang haba ng camera sa balikat ko, nahihirapan kase ako pag itataas kailangan i-angat pa tapos pag baba ayos lang naman.

Iba kase ang camera ko, at hindi ganito ang camera ko.

“Kaya mo?” Tanong ni Kevin sa'kin at tumango naman ako.

“Bigat nga ih,” Sabi ko sakaniya.

“Nakapag-drawing ako nang Isang oras.” Ani ni Kevin kaya binaba ko ng dahan-dahan ang camera at tinignan ang kaniyang gawa sa papel.

“Ang ganda... ” papuri ko sa gawa niya.

Gumuhit siya ng isang tao sa bawat box parang comics. Tapos may mga sinabisabi pa ito dito sa nakasulat.

Napakunot ang noo ko. “Ano daw? Bakit ganito ang sulat?” Taka kong tanong.

‘뭐하는거야, 키레우스?’

Ganiyan ang nakasulat sa isang box at nakaturo ito sa babae.

“mwohaneungeoya, kile-useu?” Ani niya na ikinakunot ng noo ko.

“Huh?” Taka kong tanong.

Ngumisi siya at umiling-iling. “Ang tagalog niyan ay ‘Ano ginagawa mo, keireus?’ ayon ‘yon.” Ani niya at ngumiti ng malawak.

“Bakit keireus? Pwede naman ang iba?” Taka kong tanong.

“Syempre.” Sabi niya at tumawa ng mahina.

Baliw.

“Saan mo pala natutunan iyang salita?” tanong ko sakaniya.

“Ayon ba? Korean iyon at isa akong koreano.” Ani niya at ngumiti ng malawak.

“Kaya pala ... ” mahina kong sabi.

Gusto ko din matutunan

Tumingin ako sa comics at dahil korean hindi ko maintindihan.

‘나는 런던에 갈 것이고 당신을 여기에 두고 갈 것입니다. 하지만 어떤 일이 있어도 당신을 사랑할 테니 죽지 마세요.’

Ayan naman ang sabi ng lalaki.

“Huh? Ano sabi ng lalaki? Itong keireus.” Taka kong tanong.

“Ano sabi?” Tanong ni Kevin.

“naneun leondeon-e gal geos-igo dangsin-eul yeogie dugo gal geos-ibnida. hajiman jugji ma, museun il-i iss-eodo neol salanghalge.”  Ani ko at nahihirapan pa.

“ahh ... Sabi, I will go to London and I will leave you here. But don't die, I'll love you no matter what.” Ani niya at nakangiti ng malawak.

“Mamamatay iyong babae?” Tanong ko.

“Yep, and that's true story.” Ani niya na nagpagulat sa'kin.

“Y-you mean ... Totoo talaga 'to?” Gulat kong tanong.

“Oo, gagawa pa ako 'yong maganda pa hindi comics... ” ani niya at sumandal sa railings na nasa harap ng journalism club.

“Bakit mamamatay 'yong babae?” Tanong ko.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon