💦 Episode 17💦

26.8K 698 36
                                    


Nakatitig lang si Tauruz sakin, ni wala siyang ginawa dahil siguro naniniwala din siyang ako ang kumuha ng bracelet. Padabog akong umalis at pumasok ng room atsaka ako bumalik at malakas na ibinagsak ang laptop sa harap nilang lahat.

At nagpapasalamat ako sa taong naglagay ng USB sa room ko.

Pinlay ko ang CCTV footage at di pa tapos ay agad kong sinampal ng sobrang lakas si Shone, namutla siya sa pinakita ko dahil kitang kita sa CCTV kung sino ang pumasok doon sa room ni madam at bitbit ang bracelet.

“Sa susunod ayusin mo ang paggawa ng plano! At kung may plano kapang patayin ako Shone go on! Mas gusto ko yung ikaw mismo ang gagawa n’on para makaganti din ako sayo dahil ipapakita ko sayo kung pano ko ingungudngod ‘yang pagmumukha mo!”

“How dare you! N-No its not me ! No tita”

“Ano ito Shone? How dare you?!” napailing iling siya at tinuro ako.

“No its not true, edited ‘yan it’s not me!”

Umalis ako doon sa harap nila at pumasok ng room, napapahid ako sa mga luha ko at nanginginig ang kamay ko habang inaayos ang mga gamit namin ni Raz. Basta nalang may humawak sakin at hinila niya ako para yakapin.

“I’m glad that you found the USB...Shh”

Napaiyak ako sa sinabi niya, I never expect that.

“I-Ikaw ba naglagay ng USB rito?” Pinahiran niya ang mga luha ko at napatitig sakin.

“Yeah, umuwi ako kanina and I saw her. Stop crying, di ka aalis dito kundi siya. Hinding-hindi na siya makakaapak pa dito, everything will be fine.”

“Thank you Trez. Akala ko maniniwala ka do’n sa sinasabi nila” ngumiti siya sakin at niyakap ako ulit.

“Of course not. I made a promises to you right? I will protect you no matter what, just trust me Yssa tutulungan kita”
Napatango ako sa kaniya ngunit napaatras ako nang bigla nalang may humila sa kaniya.

“Anong problema mo Ruz?!”

“Ikaw ang problema ko! Don’t touch her!”

Kwenilyuhan niya nalang ito bigla at nataranta ako ng aambagan niya ito ng suntok.

Nataranta ako nang bigla nalang niya sinuntok si Trez, tumilapon siya sa sahig at mabilis pa sa alas kwatrong hinigit niya ulit ito at kwenilyuhan.

“T-Tama na!” Sigaw ko ng makitang may sugat yung labi ni Trez.

“Damn you! I warned you!”

“Warn me whenever you want pero hindi mo parin mababago ang katotohanang akin na si Yssa!” Ganting sigaw niya rito kahit na Sobrang lapit lang nila sa isa’t-isa.

“S-Stop! Bitawan mo siya ano ba!” Pigil ko sa kaniya ngunit tinitigan niya lang din ako ng masama at namumula ang mata niya sa galit.

Agad niyang ibinalik kay Trez yung paningin niya ngunit di niya parin ito binitawan.

“Ano?! Sasaktan saktan mo siya pagkatapos ay magagalit ka? You know what, I can’t imagine na magkambal tayo! You caused her so much pain Ruz at kahit magwala kapa hindi mapapa sayo si Yssa!”

Gusto kong sabihin na itigil na nila ang ginagawa nila ngunit umurong ang dila ko lalo na nang makita ko kung paano nagliyab ang galit niya dahil sa sinabi ni Trez.

And I guess, kung ano man ang sinabi ni Trez ay ‘yon ang katotohanan… kalayaan ang kailangan ko kasama ang anak ko, ‘yon lang dahil kahit kailan hindi ko pinangarap na magkita pa kami ulit.

“Then what do you want to say? Na sayo siya ganun?! I don’t care kung ano man ang meron kayo Trez! Tang*na salita lang ang meron ka because I owned her! Everything on her! She’s mine!”

Galit na sigaw niya dito natuod nalang ako sa kinatatayuan ko. Di ko alam kung dapat ba akong matuwa sa mga pinagsasabi ng gagong ito. Para kasing nang iinsulto pa siya na salita lang ang pinanghahawakan ni Trez.

At ano naman ang sa kaniya? Katawan ko? Anong everything na sinasabi niya? Pati ba buhay ko pagmamay ari niya kaya kung maka abuso siya sa katawan ko ay okay lang? Napakademonyo niya kung ganun!

“Balikan mo lahat ng pinanggagawa mong katarantaduhan bago mo sabihin ‘yan Ruz! Don’t you feel any shame?”

Tinulak niya ito at nagsukatan sila ng tingin.

“Shut up! You know me brother. You know me and you know what kind of person I am, kaya kong sirain ang lahat kung pati ako ay sisirain mo! At kahit ano man ang meron kayo wala akong pakialam! Maghanap ka ng ibang kaaway huwag ako dahil baka makakalimutan kong magkadugo tayo!”

Nanghina ang mga tuhod ko sa mga ginagawa nilang dalawa sa loob mismo ng kwarto namin ni Taraz. Natigilan ako ng marinig ko ang tawa ni Trez.

“Oh, Don’t worry dear brother kung paano mo ako ituturing ganon din ang gagawin ko, remember we’re twins”

Sabi niya na tila nang iinsulto.

“Kung gaano ka kasama ganon din ako, akala mo ba palalampasin ko lahat ng kagaguhang ginawa mo kay Yssa at sa pamangkin ko? No! You don't deserve them! Huwag mo akong takutin dahil hindi mo ako madadala sa mga ganyan mo!”

“Try me, you bastard! Dahil kahit saang impyerno susundan kita!”

Huling salita niya at basta nalang niya ako hinigit, nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkahawak niya sakin. Mabilis ding nakipag-agawan si Trez sa kaniya at nasasaktan na ang braso ko.

“Wala kang karapatang hilahin siya Ruz! Can’t you see? Ayaw ni Yssa sayo! “

“Tama na! Ano ba bitawan niyo nga ako! Bitaw!”
Wala mi isang gumalaw kundi kapwa lang sila nagsukatan ng tingin.

“Anong kaguluhan ito?” Natigilan silang dalawa ng pumasok ang ina nila kasama si Taraz.

“Ma, daddy, uncle. Kakain na tayo” dinig kong sabi ni Taraz
Mabilis kong hinila yung braso ko mula sa kanilang dalawa pero hanggang ngayon wala paring tigil ang masamang tinginan nila.

“Umayos kayong dalawa! Nonsense!” Madiin na sabi niya at agad kong hinila ang anak ko at dumeretso sa kusina.

“Mama? Bakit po hawak ka ni dad and uncle?” Inosenteng tanong kaya napatitig ako sa kanya.

“Don’t mind it, wala ‘yon, kumain kana kailangan mo na magpahinga dahil uuwi tayo kay Tito Rome”

Buo na ang desisyon ko. Aalis ako sa bahay na ito, wala akong pakialam kung sino man sa kanila ang pipigil sakin.

“Really? Pero how about daddy? Sasama din siya?”

“No, tayo lang huwag ka na muna magsalita okay? Come on, kumain kana”

Dumating sina Trez at si madam Teresa sa hapag at hindi nila kasama ang demonyong Tauruz na iyon, tahimik lang akong kumakain at wala na akong pakialam pa kung sila man ang may ari ng bahay na ito. Una’t sapol puro pang aalipin lang naman ang naranasan ko dito.

“Excuse us” pinatayo ko na si Raz at himalang hindi kumontra ang ina nila.

Ginawa ko na ang dapat kong gawin at iyon ay ang mag impake.

“Yssa” napalingon ako at nakita ko si Trez papalapit sa puwesto ko.

“You don’t have to do this, kaya kitang protektahan dito lalo na at unti unti nang lumalabas ang tunay na kulay ni Shone.”

“No, Trez I have to go gustong-gusto ko nang umalis dito… thank you sa lahat ng tulong mo at sa pagiging mabuti mo sakin”

Napatitig siya sakin at hindi nagsalita, nakita ko ang sugat sa gilid ng labi niya.

“Sana naman umilag ka.”

“Wala ito. Don’t mind me, gusto mo bang ihatid kita?”

“Huwag na, magpapasundo kami kay Rome, tatawagan ko lang”

Napatitig ulit siya sakin at hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin.

“Yssa, gusto ko paring tulungan ka, just tell me kung itutuloy pa ba natin ang lahat”

Napatitig din ako sa kaniya at hindi ako makapagsalita, gusto ko nalang lumayo at ang gusto ko talaga ay ang kapayapaan na ni minsan hindi ko naramdaman sa buhay ko.

“If necessary Trez, pero wala akong ibang gusto kundi malagay kami sa tahimik ni Raz” garalgal kong sabi at hindi ko mapigilang mapaiyak.

Pagod na ako sa kaguluhan tulad nito.

“Shh. I made a promised to you right? I will protect you no matter what, kahit pa sa kapatid ko at kay Mom...even with Shone”

“S-Salamat” hinila niya ako at niyakap at hindi ko mapigilang mapayakap din sa kaniya, ayoko na sana siyang madamay pa. Pero di ko alam kung kailan ito matatapos.

Tinawagan ko si Rome ngunit hindi ko siya makontak, ang sabi niya sakin noong nakaraan ay lumipat siya ng bahay at hindi ko alam kung saan.

“I have a rest house near at Tagaytay, kung gusto mo talagang umalis ngayon doon na muna kayo ihahatid ko kayo doon”

Pumayag na din ako at lumabas na kami ng kwarto. Nadatnan namin yung ina niya sa sala at napatitig siya sa akin.

“What’s the meaning of this?”

“Mom, kailangan naming umalis dito kung bawat araw nalang ay magnanakaw ang tingin mo kay Yssa”

Napakunot noo siya at napatawa.

“Let me say, hindi nga siya ang nagnakaw pero hindi parin ako hihingi ng tawad sa kaniya. At pinagtataka ko lang bakit sa dinami-rami ng babae bakit siya pa Trez? Hindi siya nababagay sa pamilyang ito!”



SBTBS> jayewel

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon