💦Episode 4💦

34.1K 825 16
                                    


“Sir, he have no right for doing this! Ako ang ina, at hindi ko kinidnap ang sinasabi niyang anak niya! Paano mangyayari iyon? Pinagbubuntis ko palang ang anak ko bago ako umalis “

“So you’re saying ma’am, na anak niya ho ang bata?”

“Anak niya man ang anak ko wala siyang karapatang sampahan ako ng kaso dahil aksidente lang ang lahat ng iyon!” I said between my cries.

“Umalis na kayo!” Galit na angil ni Rome.

Ngunit kinabahan ako nang dinukot niya ang phone niya sa pocket niya. Napatingin ako sa mga kasama niya, at ngayon ko lang napagtanto na hindi sila pulis.

“It’s confirmed sir.”

Agad kong hinigit si Rome papasok pero akmang isasara ko na ang pinto nang hinarangan nila iyon..

“Bitawan mo ako! R-Rome please ilayo mo si Raz!” umiiyak kong sabi ngunit akmang tatakbo na siya nang agad siyang hinila ng isa pang lalake at tinakpan ang bibig niya gamit ang isang panyo.

“Rome! Mga hayop kayo bitawan niyo ako!” Basta nalang kasi siya nawalan ng malay.

Nagpumiglas ako sa hawak nila pero hindi ko kaya ang lakas nila. Basta nalang nanindig ang balahibo ko ng makilala ang taong pumasok ng pinto. He’s wearing a dark aura at papalapit siya sa direksyon ko.

“How dare you for hiding my son? You ruined everything on me and now it’s my turn! Where is he?"

Hinawakan niya ang baba ko at sinamaan ko siya ng tingin.

“Hindi mo makukuha sakin ang anak ko! I don’t ruined you! Si Shone ang sumira sayo! Hayop ka, ikaw ang sumira sa sarili mo hindi ako”

Mas lalo niyang pinisil ang baba ko at ramdam ko ang sakit sa pagpiga niya.

“Damn it! Stop denying it! I know that it is your plan! Shone told me everything on how you being desperate on me! You fucking planned it! You putted that drugs in my drink para sirain kami ng fiance ko!”

Galit na galit siya at napaiyak nalang ako...Shone! I hate her! Napakahayop niya para ako ang ituro na ako ang nagplano ng lahat.

Napakawalanghiya niya! Siya ang desperada at hindi ako!

“H-Hindi totoo ‘yan! Siya ang desperadang sirain kayo! Inutusan niya lang ako! Siya __”

“Shut up! You’re a liar! Where’s my son?”

“Wala siya dito! Bitawan niyo ako! Wala dito ang anak ko__” ngunit natigilan ako nang makita ko si Raz na tumatakbo papalapit sa puwesto ko.

“Mama!” niyakap niya ako at napaiyak ako at niyakap siya pabalik. Nanghihina ako at mas lalong napaiyak ng lumapit siya kay Raz at kinuha niya ito.

“Who are you? Why did you make my mama cry? Bad kayo!”

Nakita ko siyang lumuhod sa harap ni Raz. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.

“Of course not…I’m your dad, come with me, I bought you many toys”
Sabi niya kay Raz. Pero hindi niya mauuto nang ganoon nalang ang anak ko! Diyan siya nagkakamali!

“No! My papa is working on abroad hindi pa siya nakauwi.” Nagpumiglas ako sa mga tao niya at nakita kong napatitig siya sakin bago tiningnan ulit si Raz.

“Then I’m back...I’m your papa…it’s me” napalingon si Raz sa akin na may pagtatanong sa mga mata niya.

“Mama, is it true?”
Napailing ako ngunit bigla nalang bumulong sakin ang lalaking nakahawak sakin.

“Tell him the truth ma’am, kung ayaw mong mawala sayo ang anak mo”

Bigla nalang ako nakaramdam ng kakaibang takot ng sabihin niya 'yon. Nais kong sabihing hindi siya ang ama niya ngunit natatakot ako na baka ilayo niya nalang bigla ang anak ko.

“Y-Yes…s-siya ang papa mo” nanginginig ang boses ko nang sabihin ko ‘yon. Parang tinutusok ang dibdib ko nang makita kong niyakap niya ang ama niya.

“I miss you po. Please, don’t leave us again…I feel sad papa”

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, parang sinasaksak ako ng punyal sa dibdib. Raz always asking me about his father, and everything I told him was a lie.

Gusto ko siyang lapitan at ilayo ngunit wala na akong lakas pa para gawin ‘yon. Napatulo nalang ang mga luha ko nang yakapin niya pabalik ang anak ko.

“Yes, daddy won’t leave you again...”
Nang kumalas siya ay muli niya itong hinawakan sa magkabilang balikat.

“So would you come with daddy? Let’s go home, I have a lot of gifts for you there...”

“Really po? Many toys?” Manghang tanong niya.

“Yeah, so let’s go?”

Agad akong tumakbo papunta sa anak ko ng tumango siya dito. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil hindi ko kayang mawala siya sakin.

“No! No please, pakiusap huwag b­aby Raz dito k-kalang kay mama, dito kalang” umiiyak kong sabi, pero puwersa niyang inilayo ang anak ko sakin.

“It's time to suffer! Men bring her to the car!” basta nalang ako hinila ng tauhan niya at nagpumiglas ako para habulin si Raz. I wanted to asked for help to Rome but she's still sleeping.

Isinakay nila ako sa kotse, at agad kong niyakap ng anak ko nang sa iisang kotse lang kami isinakay. Itinago ko sa kaniya ang basamg mukha ko, at tahimik lamang akong umiyak habang nasa biyahe. Hindi ko kayang mawala siya sakin dahil hindi ko kaya.

Malayo na kami sa bahay, at ilang oras na rin ang biyahe. Natutulog si Raz sa lap ko at nakatitig lamang ako sa kaniya at hindi ko inalis ang mga mata ko sa maamo niyang mukha. Hindi ko nais ang mga nangyayaring ito, paano kung pagdating doon ay ilalayo niya ang anak ko? Paano niya kami nahanap? Paano niya nalaman niya anak niya si Raz?

Ngunit walang imposible sa isang tulad niyang makapangyarihan, maaari niyang gawin lahat ng nais niya kaya dapat hindi na ako magtataka kung dumating man ang araw na ito. Hindi ako makapaniwala na tricks lang pala ang tanong ng tauhan niya sakin kanina para lang mapaamin ako na anak niya nga si Raz.

Napatigil ang sasakyan sa harap ng napakalakong bahay. Binuksan ng tauhan niya ang pinto ng kotse at nakita ko siyang naghihintay sa labas. Tinitigan niya ako ng napakalalim na siyang kinatakot ko sa kaniya. Ayaw ko kasing ibigay si Raz sa kaniya habang tulog ito.

Ngunit bigla nalang nagising si Raz at napatitig sakin.

“Mama? Where’s daddy?”

Agad siyang umupo at nang makita niya ito ay ngumiti siya dito he offer his hand to Taraz at tinanggap naman ng anak ko at agad na bumaba sakin.

Sumunod ako sa kanila, and I am just wearing a robe at night dress sa loob…kinakabahan ako nang medyo malayo na ang agwat nila sakin.

Pumasok na sila sa main door at mas binilisan ko ang paglakad. Pero ang hindi ko inaasahan ay may naghihintay palang mga tao sa loob na hindi ko kilala.

SBTBS > jayewel

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon