💦Episode 1💦

43.6K 914 22
                                    


[ Yssa ]

Nakatira kami ni Raz sa penthouse ng uncle Rome niya. Six years na ang nakalipas, at hindi na ako kailanman babalik pa sa lugar na iyon! Ang lugar kung saan naranasan ko ang tunay na impiyerno.

Hangga’t kaya kong itago ang anak ko gagawin ko! Hinding-hindi ako papayag na kukunin nila si Taraz sa'kin, ‘yon ang pangalan niya. Basta pagkagising ko sa isang medical clinic naisulat na ni Rome ang name niya. Nakita niya raw itong nakasulat sa notebook ko, hindi naman talaga iyon ang ipapangalan ko sa kaniya. At sa una pa lamang hindi ko nagustuhan ang pangalan niya, it sounds like the same at his father’s name, at buwisit talaga itong si Rome!

Hindi man lang ako hinintay na magising bago gawan ng pangalan ang anak ko. Ni minsan kasi hindi ko nabanggit ang pangalan ng ama niya kay Rome. Ayoko na siyang maalala pa. Pero hinayaan ko nalang na ganoon ang pangalan niya.

I am working as a teacher at San Antonio elementary school, and buti nalang nakapagtapos parin ako ng college kahit nawalan ako ng scholarship noon.

Sobra ang galit ko dahil sa nangyari noon. Because of Shone namatay si mama! Basta nalang kasi niya pinaalis si mama sa hospital at kinausap niya rin ang ilang hospital staffs na paalisin kami.

Parang mababaliw ako kakaisip ng paraan kung paano siya ipapagamot, ngunit wala na akong pera upang ipagamot siya. Hanggang sa dumating na ang oras niya, iniwan niya akong mag-isa. I was helpless pregnant! Until I meet Rome, at siya ang nagmamay-ari ng bar na iyon, kung saan nangyari lahat ng bangungot sa buhay ko.

She helped me, yes she’s a girl. Ngunit isa siyang lesbian kaya uncle ang tawag ni Raz sa kaniya, nagagalit siya pagtinatawag ko siyang Rose, that’s her name. At magaling siyang maglakad na tila isang lalake, and I prefer to call her Rome not Rose.

Malaki ang utang na loob ko sa kaniya, at sobrang buti niyang kaibigan.

Sinipat ko ang relo ko, five minutes nalang at magtatapos na ang class.

“Okay, time’s up, pass your papers”
Agad naman silang timalima at ang ilan sa kanila ay kanina pang tapos. Pero meron talagang mabagal.

“Goodbye class, see you tomorrow”

“Thank you and Goodbye, ma’am Cajeldo”

Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas na ng room, dumeretso ako sa faculty room. Pagdating ko, ay nakaupo na si Raz sa chair ko. Hinalikan ko siya sa pisngi at napangiti siya ng malapad.

Iniwan ko kasi siya dito and may mga fellow teachers naman na tumitingin sa kaniya. He kissed me at my left cheek, atsaka ko siya pinalitan ng damit. Nag-aaral na siya ngayon bilang kindergarten.

“Mama, are we going to uncle Rome?”
“Yes, tumalikod ka muna lagyan natin ng pulbo iyang likod mo”

Lumabas na kami at napatingin ako sa lalakeng nakablacksuit sa tabi ng gate, nakatitig siya sa amin kaya mabilis akong napaiwas ng tingin. Dali-dali akong naglakad bitbit si Raz at nakaramdam ako ng kakaibang kaba. At noong nakaraang araw, may nakita rin akong nakablack suit sa labas ng school.

And now? There is a black suit guy again, tila may hinihintay siya. Pumara ako ng taxi at kinakabahan na ako ngayon at hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga kamay ko. Tinawagan ko si Rome at ang sabi niya nasa bar daw siya ngayon.

Marami siyang branches at hanggang dito ay meron siya. While I’m talking to Rome, basta nalang ako pinanlamigan ng kamay nang makitang kanina pa sumusunod sa amin ang black SUV.

“K-Kuya, sa Rome bar lang” tumango siya sakin at nilalaro ni Raz ang isang kamay ko.

Nang makababa na kami, hindi ko na nakita pa ang kotse na sumusunod sa amin kanina. Sobrang praning ko na, maybe it's just a coincidence. Naglakad­ kami ni Raz papunta ng back door which is heading to Rome’s office, at kami lang ang pinapapasok ng guard dito.

Nang pumasok kami sa office niya, nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair and may kausap siya sa phone. Agad na tumakbo si Raz sa kaniya at hinalikan siya sa cheek.

Pumasok ako sa powder room at nagpalit ng damit, I wore my blue fitted dress, ito lang kasi ang baon kong damit. Mamaya pa kami uuwi, kadalasan mga 10pm na dahil kailangan naming hintayin si Rome. At pagdating ng bahay sobrang tulog na si Raz.

Lumabas na ako at nakita ko siyang napatitig sa'kin, nagtaas ako ng kilay nang marinig ang sexy whistle niya.

“What’s that look?” tanong ko sa kaniya kaya napatawa siya.
“Nothing, you look hot tonight. Do you really have to date that Sandro?”

I raised my left eyebrow at umupo sa kabilang couch, si Sandro Marquez ay isa ring kilalang businessman at matagal niya na akong kinukulit simula noong natapunan ko siya ng kape. Humingi ako sorry sa kaniya ngunit ayaw niya akong pagbigyan unless makipagdate daw ako sa kaniya.

Buwisit talaga mga lalake ngayon, but I guess, hindi naman siya gaano ka rude tulad ng ilan. He used to give me some complimets, pero ngayong gabi tatapatin ko na siya na may asawa na ako and it’s Rome. Ito ang plano namin, sobrang kulit kasi ng lalakeng iyon!

Pati sa school inaabala niya ako, and kanina lang talaga hindi niya ako kinulit.

“Para lang lubayan niya na ako!” Napatango siya sakin at tumabi sa couch.

“Hindi niya parin ba alam na may anak ka na?” umiling ako sa kaniya at nag crosslegged.

Tiningnan ko ang dibdib niya, hindi halata na babae siya dahil may suot siyang artificial male bod, at may tattoo siya sa kaliwang braso. Atsaka magaling din siyang magboses lalake.

“Wala paba ang gago? Try to check your phone” inis talaga siya kay Sandro. I checked my phone and I saw a message. Nandito na pala siya twenty minutes na ang nakalipas.

“Nandito na raw siya, kailan tayo lalabas?” I asked her but she just rolled her eyes. Ayaw niyang inaaligiran ako ng kung sinong lalake. Dahil sabi niya ang lalake ang magdadala sa amin sa kapahamakan. Kaya ba naging lesbian siya?

“Paghintayin mo siya! Kahit gwapo ‘yon, huwag kang magpatangay sa kaniya Yssa. Lalo na sa matatamis niyang salita, naiintindihan mo ba ako? Lahat ng lalake ay katawan mo lang ang habol!”

Napatawa nalang ako sa mga narinig ko mula sa kaniya. Galit siya sa mga lalake, eh bakit nag-anyong lalake siya? Minsan hindi ko rin naiintindihan itong takbo ng isip ni Rome eh.

“Yes, ayoko naman talaga sa kaniya, sapat na si Raz para sa akin___”
Napakunot noo ako at napalingon, where’s my son?

Agad akong napatayo at hinanap siya, no! Not my son please! Bigla nalang ako inatake ng kakaibang kaba. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko.

“Rome! Where’s Taraz?” hysterical kong tanong sa kaniya, bigla nalang napakabog ng sobrang lakas ang dibdib ko.

“God! Nandito lang siya kanina! Tsk. Calm down, tatawagan ko ang mga guards na nakabantay sa labas para tulungan tayo, kumalma ka Yssa”

SBTBS > jayewel

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon