PROLOGUE OF TBLW: Trez and Rose

1.4K 28 0
                                    

“You know about the contract before we get married Rose, alam mo rin kung magkano ang utang ng mga magulang mo sa sarili kong company. Doon ibinawas ni Dad ang lahat dahil sa akin ka ipinagkasundo”

Inis ko siyang nilingon dahil ayaw niya akong tigilan tungkol sa lintek na kasal na naganap noon, magpipitong taon narin ang nakalipas. Nakalatag sa harap ko ang kontrata na pinirmahan ng mga magulang niya at ng mga magulang ko at pati kaming dalawa ay nakapirma rin.

“Huwag kang mag-alala Trez Kulton, babayaran ko lahat ng natirang utang ng mga magulang ko matigil kalang sa kakadada”
Nakita ko siyang napangisi habang nakatitig sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing ngumingisi siya sakin ng ganyan.

Naalala ko na naman kung paano niya sinabing hindi ako ang babaeng nais niyang makasama, after he took my femininity, maririnig ko ang usapan nila ng mga kaibigan niya habang nag-iinuman.

Ang tanga ko rin para magparaya nang inangkin niya ako ng gabing 'yon. Wala akong magawa sa arrange marriage na 'yon and I thought he likes me too. Pero ngayon hindi niya na ako mauuto pa.

“Of course magdadada talaga ako dahil lumabag ka sa kasunduan, ilang buwan palang tayong magkasama at ang nakasaad doon sa contract na kapag tumanggi ako kahit kasal na tayo ay magiging bayad na ang utang nilang Thirty Million”

“At kapag ikaw naman ang tumanggi nang hindi umabot isang taon ang pagsasama natin ay babayaran ninyo ang 70%. But look, umalis ka at hindi na nagpakita. Ikaw talaga ang magbabayad ng lahat ng natira dahil wala na ang mga magulang mo pero ang utang nila buhay pa”

Gusto ko talaga siyang durugin ngayon dahil naiinis ako sa mga titig niya. Tila iniinsulto niya pati ang mga magulang ko, kahit na galit ako sa ginawa ng mga magulang ko na ipambayad utang nila ako, mga magulang ko parin sila.

“I said don't worry Mr Kulton babayaran ko ang natirang debt nila, hindi ibig sabihin na malaki ang utang ng mga magulang ko ay maaari mo na silang insultuhin” napatawa siya dahil sa sinabi ko kaya mas lalo akong nakaramdam ng pagkarindi.

“Come on, I'm not insulting them okay? I'm just telling the fact. Besides binibigyan nga kita ng pabor eh, basahin mo ulit ang pinirmahan mong kontrata.”
Sabay turo niya sa papel na nakalatag sa harap ko.

“Maaaring ipakulong ni Dad ang mga magulang mo, and because they're already gone at dahil wala narin si Dad, maaari parin kitang ipakulong dahil sa ginawa mong paglabag.”

“Edi sana bago ka umalis kinausap mo nalang ako ng maayos, para nakapagfile ako ng annulment dahil pareho naman tayong may ayaw sa arrange marriage na 'yon eh, bayad na sana ang mga magulang mo kapag ako ang unang nag file ng annulment. But sadly, you're not wise”

“Don't worry dahil diyan rin tayo papunta” malamig kong sabi sa kaniya, naging seryuso rin ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

“Really? It's almost seven years Rose, ngayon mo palang naisipan 'yan? You know what, I still have a plan to marry someone truly I like, pero dahil kasal ako sayo hindi ako maikasal dahil ngayon kalang bumalik” nahimigan ko ang galit sa boses niya ngunit wala akong pakialam.

He deserved it, pagkatapos niyang apakan ang ego ko ay wala siyang karapatan maging masaya sa piling ng babaeng gusto niyang makasama. Pero ngayon, tapos na ang lahat at ayoko naring maitali ang pangalan ko sa apelyedo niya.

“Kaya nga malaya ka ng magfile ng annulment para magawa mo na 'yan. You can marry whoever you like, just contact me if when I sign that annulment” agad akong tumayo dahil ayoko ng makipag-usap pa sa kaniya.

“Let me think about it, but feeling ko panahon narin para maranasan mo rin kung paano mo ako inipit sa ganitong sitwasyon. You left without cutting the tie, kaya hindi ako magpafile ng annulment so that maramdaman mo rin kung paano mabuwisit”

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon