💦Episode 3💦

34.2K 906 6
                                    


“What the hell! Who Yssa who? Sinong nandito?” I wiped my tears but it didn’t work, tumutulo parin at natatakot na ako para sa anak ko, naalala ko nalang bigla ang banta niya “Once I see your face again I swear I will kill you!”

“R-Raz father...” Mas lalong nangunot ang noo niya sa sinabi ko.

“What?!” Tumingin siya muna sa pwesto ni Raz kung saan nakaupo siya sa couch bago lumingon ulit sakin.

“H-How? I mean, saan siya doon kanina?”

“A-At my left side. He saw me, he saw my son at hindi ko alam kung isa siya sa mga kaibigan ni Sandro. Please umuwi na tayo Rome kailangan kong ilayo si Raz dito!”

“Shh…Stop crying you’re not weak! Remember I’m here to protect you, but you’re right, we need to go home now! Hali kana”

I am thankful for having a best friend like Rome. Dali-dali kaming lumabas sa back exit at dumeretso kami ng carpark kung nasaan ang kotse niya, bago niya pinaandar ay tinawagan niya muna ang manager ng bar na si Venx na siya na muna ang bahala doon.

Pinaandar niya ang makina at si Raz ang nakatulog na sa lap ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako nang makita ko si Rome na napapatingin sa sideview mirror ng sasakyan niya.

“R-Rome bakit?” narinig ko nlang nigla ang pagmumura niya.

“Damn! May sumusunod sa atin”

Napabilis ang pagtahip ng dibdib ko at para na akong marathon player na hinahabol ang hininga. Hindi ako papayag na malayo ang anak ko sakin! Magkakamatayan kami!


Hindi mawala wala ang kaba ko hanggang sa nakarating kami ng pent house ni Rome pero nang mapalingon ako sa sasakyan na nakabuntot sa amin ay basta nalang ito nag over take nang lumiko kami papasok.

Kinuha ni Rome si Raz sakin at siya ang naghatid sa room namin, umupo ako sa couch at hindi parin kumakalma ang sarili ko sa kaba na nararamdaman ko. Bakit kailangan ko pa siyang makita? Masaya na kami ni Raz. Bigla nalang may tumalik sa balikat ko at nakita kp so Rome at tumabi siya sakin sa pagkakaupo.

“Rome, kailangan naming lumayo ni Raz sa lugar na ito...”
She frowned while looking at me.

“You mean iiwan niyo ko dito mag isa Yssa? Is that what you mean?”

Ramdam ko ang hinanakit sa boses niya. Sa anim na taon naming pagsasama ay hindi ko rin kayang gawin ‘yon. Naiiyak ako habang malungkot ko siyang tiningnan.

“D-Di ko___ Rome... I’m sorry but I’m scared for my son. I can’t live without him you know that, kaya kong isugal ang lahat para sa kaniya, sasama ka naman samin diba?”

“God Yssa! Of course! Mag-isa lang akong nabubuhay sa mundong ito, saan pa ba ako pupunta? Kayo nalang ni Raz ang pamilya ko, tapos tatanungin mo pa ako ng ganyan?”

Tanong niya sa akin gamit ang naiirita niyang tono.Niyakap ko na lamang siya at napaiyak sa balikat niya.

“Thank you Rose. I’m sorry”

“Tsk! Its Rome not Rose!”

Pinahiran ko ang mga luha ko at natatawang tinignan siya. Ngumiti siya sakin at bigla nalang niya pinisil ang pisngi ko.

“Sige na mag ayos kana at matulog, starting tomorrow we have to move in Marandao. I have a small property there, and how about your work?” Tanong niya sakin.

“Magtatransfer ako, I have to talk the principal first..” Tumango siya sakin at ginulo niya muna ang buhok ko bago umalis.

Napatitig ako sa tubig na lumalagas sa katawan ko, kinakabahan parin ako hanggang ngayon. Hindi ko kakayanin kapag nawala ang anak ko sakin. Dahil sa pagmamahal ko kay nanay sinakripisyo ko ang lahat sa sarili ko dahil gusto ko parin siyang makasama.

Ngunit ang ginawa kong pagsakripisyo ay maghahatid pala ng malalim na bangungot sa buhay ko. I swear hindi ko ginusto ‘yon! Pero ang pagdating ni Taraz sa buhay ko ang hinding hindi ko pinagsisihan .

Binalot ko ng roba ang katawan ko at binuksan ang pinto ng banyo, naglakad ako papuntang closet at naghanap ng maisusuot. Sinuot ko ang night dress ko at tumabi sa anak kong malambing na natutulog.

Hinalikan ko siya at kinumutan, ipinikit ko ang mga mata ko at sana bukas mas madali na kaming makaalis at makalipat ng lugar. Sana hindi na kami magkita pa ng kung sino mang involved sa kasalanang naganap noon.

“Yssa, wake up! Hey, please Yssa gumising ka!”
I slowly opened my eyes and I saw Rome, nagpapanic siya kaya nagtaka ako sa kaniya.

“Rome? Bakit?”

“M-May mga pulis sa labas ng bahay, and I don’t know what they are doing her!” Napakunot noo ako at agad na napabangon sa kama.

Nagsuot ako ng robe at lumabas ng room, nang makarating ako living room narinig ko ang pagkatatok nila mula sa labas at kinakabahan ako nang binuksan ni Rome ang pinto.

“Good morning, nandito ho ba si Yssa Cajeldo?” napakabog ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalan ko.

“Ako ho ‘yon sir, ano po ang kailangan niyo sa akin?”

“Kailangan niyo hong sumasama samin ma’am, sa presento kana magpaliwanag hali kana”

“No! Anong klaseng pulis kayo? You don’t have any warrant of arrest! At kung mayroon man para sa ano? Wala siyang may nagawang kasalanan!” Sabat ni Rome.

“Meron kaming warrant, here, at mayroon siyang nagawa so mas mabuti pang doon na kayo magpaliwanag ma’am”

Nanlamig ang mga kamay o at hindi ko alam ang gagawin, wala akong may naalalang may ginawa akong labag o ano man, wala! Bakit nila ako hinuhuli?

“No sir! Wala ho akong may nagawang labag o anuman”

“Ma’am sa presinto na kayo magpaliwanag at doon narin namin kayo tatanungin. Pero kung makulit ho talaga kayo. O' Sige, may nagsampa ng kaso sayo na kidnapping”

Napakabog ng sobrang lakas yung dibdib ko, anong pinagsasabi nila?! Nagkatinginan kami ni Rome at hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko.

“What? Are you insane police men?! Sino naman ang kikidnapin niya?” Galit na sabi ni Rome.

“It was six years ago ma’am...you kidnapped the son of Tauruz Kulton, kaya ilabas mo narin ang anak niya”
Gustong gusto ko siyang singhalan dahil sa mga narinig ko, napakawalanghiy­a nila !

“You’re wrong sir! Paano ko magawa ‘yon? Eh anak ko ho ‘yon! Sige magsampa siya ng kaso at handa kong harapin ‘yon! Dahil sa una palang wala siyang karapatan sa anak ko!”

Umiiyak kong sabi, I can’t stop myself for trembling…How dare him! At paano niya nalaman na anak niya si Raz?

“Let me clear this ma’am. Pero anak ho ba ni Mr. Kulton ang sinasabi mong anak mo rin? Umamin na po kayo, dahil matagal niya nang hinahanap ang anak niya at malalagay ka sa alanganin ma’am”

Nag-init ang dibdib ko sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon! That’s why I saw him last night? So he’s searching at me?

SBTBS > jayewel

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon