💦 Episode 19💦

26.4K 646 71
                                    


“Ginawa ko ‘yon alang-alang sa nanay ko dahil sa sakit niya! Nagkamali ang bartender sa pagturo ng wine at may halong drugs din ang nainom ko”

“Hindi n-naman mangyayari ‘yon kung hindi ka pumasok sa kuwartong iyon, pareho tayong wala sa katinuan noong panahong iyon. Biktima lang din ako ngunit ako pa ang lumabas na masama sa mata ng lahat ano masaya ka na?”

“Kinakamuhian kita Tauruz! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong pambababoy sakin!”

“B-Baby I’m sorry…please Yssa” parang tinutusok ang dibdib ko ng lumuhod siya sa harap ko. At hindi ako makapaniwala na ang halimaw na tulad niya ay marunong umiyak.

“I’m really sorry, I’m such a bastard! Nagbulag-bulagan ako. Dapat noon ko pa pinaimbestigahan ang lahat. I’m sorry, I’m wrong for hurting you. Huli na bago ko inalam ang totoo because I thought isa ka rin sa mga babaeng pera lang ang habol sakin. Nabulag ako sa mga kasinungalingan ni Shone, I’m so sorry please”

Pinahiran ko ang mga luha ko at lumayo ako sa kaniya. Napatayo siya at lumapit sakin pero lumalayo ako.

“Sana hindi mo na inalam pa dahil wala na akong pakialam kahit anong tingin mo sa akin! Tapos na ang lahat at hindi mo na maibabalik pa lahat ng iyon!”

“Kung gaano mo ako sinaktan ng gabing ‘yon at hindi mo narin mabubura lahat ng galit ko sayo ng muli mong ulitin ‘yon sakin! N-Ngayon umalis k-kana ayaw na kitang makita pa”

Pero dahil sadyang ubod siya ng kakapalan ng mukha at lumapit parin siya sakin at niyakap ako. Napaiyak ulit ako dahil sa sakit, muling bumalik lahat ng ala-alang ayoko nang maalala pa.

“I can’t live without you baby… Hindi ko maamin sa sarili ko kung gaano kita kagustong mapasa akin. Hindi ko maamin dahil galit ako sa sarili ko. I can’t bear to see you being held by others. Lalo na sa kakambal ko. Pahirapan mo man ako hindi ako titigil One… Mahal kita”

Mas pinili kong patigasin ang puso ko, kapag naaalala ko lahat-lahat kung paano niya ako sinaktan at pinarusahan ang sarap ring ibalik sa kaniya lahat ng ginawa niya!

“I l-love you baby” narinig ko ang pagsinghot niya pero hindi ako nakaramdam ng awa sa kaniya. Punong-puno ako ng galit.

“U-Umalis kana, huwag kang magmakaawa sakin dahil hindi kita kayang patawarin! Ayaw na kitang makita pa”
Tinulak ko siya pero ayaw niya akong pakawalan. Nanginginig ang mga tuhod ko at sobrang nanghihina ako pero gusto ko nang takasan lahat ng ito.

“No! Give me a chance please! Yssa!”
Hinila niya ako sa braso pero mabilis ko itong binawi at mabilis na naglakad palabas ng kuwarto.

Napatakbo ako papunta sa kabilang room pero nabangga ko si Trez. Napatitig siya sa itsura ko, and he looks like he cannot believe what he saw right now. Alam kong namumugto na ang mga mata ko.

“Are you okay?” I can sense the concern in his voice. Napatango ako at muling naglakad. Pumasok ako sa banyo at napahikbi. I hate this pain! Parang dinudurog ako ng paulit-ulit. Hindi ko kayang patawarin siya ng ganon kadali! Sobrang sakit para sakin lahat ng naranasan ko mula sa kaniya!

At basta nalang niya sasabihin na gusto niya ako? Na mahal niya ako? Binusog niya ako ng pananakit! Tingin niya ba ganon lang kadali ‘yon? Mabilis akong nagpahid ng luha ng tumunog ang phone ko. I saw Rome on the screen.

“R-Rome kumusta?”
Pinilit kong maging okay para hindi na siya mag alala pa. Simula’t sapol si Rome lagi ang nag-aalala sakin. At ayoko ng dagdagan pa ‘yon gayong may kinakaharap siyang problema.

“God Yssa! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo. Gusto ko ng umuwi pagod ako at ang assistant ko nalang ang bahala muna sa mga naapektuhan ng sunog. I’m sorry hindi ko nasagot tawag mo kagabi”

“Rome, saan ka na uuwi niyan? Binenta mo na ang apartment mo atsaka nasunog pa ang bar mo”

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

“Don’t mind me, basta ba okay kayo ni Raz, miss ko na kayo and I’m badly wants to see you”

Napaisip na baka pwede ko siyang papuntahin dito. Pero kailangan ko munang makausap si Trez.

“Nandito kami sa rest house ng uncle ni Raz. Kung gusto mo dito ka na muna hindi naman siguro magagalit ang may-ari”

“Sige-sige, send me the location and I’ll be there. I miss you Yssa” kahit kaunti ay nabawasan ang sakit na naramdaman ko.

“I miss you too Rome”

Nag-alangan pa akong lumabas dahil baka hindi pa nakaalis ang hayop na Tauruz na ‘yon! Lumabas na ako ng banyo at saktong pumasok rin si Trez kasama si Raz.

“Huwag ka ng magtago dito, wala na siya tinaboy ko” mahinang sabi niya dahil nandiyan si Raz. Napatango ako sa kaniya.

“Trez, maaari ko bang patuluyin muna yung kaibigan ko dito? Pupunta siya dito ngayon kung pwede sana___”

“Of course, walang problema ‘yon sakin. Sinong kaibigan ba? Huwag lang lalaki” sabay ngisi niya sakin.

“Yung si Rome”

“Oh kasasabi ko lang, diba siya yung may-ari ng bar na nasunog kagabi?” napatango ako sa kaniya.

“Oo, don’t worry hindi ‘yon lalaki”
Napataas ang dalawang kilay niya sa akin.

“So you mean, yung kaibigan mo na pumupunta ng bahay before is not a real man? Paano eh mukha namang lalaki ‘yon?”

“Tomboy ‘yon”

“Oh I see, is she a transgender?” tanong niya sakin.

“Hindi rin, normal lesbian lang siya” napatango-tango naman siya sa sagot ko.

“Okay, so papasok kaba ngayon? Kung ako sayo mag absent ka muna weekend naman”

Napatawa ako sa kaniya at iniisip ko pa naman kagabi na may pasok ngayon. Weekend pala, buti nalang kasi parang napagod ng sobra ang katawan ko. Naghintay ako ng ilan pang mga minuto bago siya dumating.

“Uncle Rome!” tili ni Raz ng makita siya. Napakunot noo ako sa itsura niya, hindi kasi siya nakasuot ng artificial male body para magmukha siyang lalaki. Natural na talaga ang buhok niya na pang boy cut.

Rome is a sexy and beautiful lady na nakatago sa isang suot upang magmukhang lalaki ang katawan niya pero ngayon lumantad ang kagandahan niya bilang isang Rose.

“I miss you so much baby” at pinanggigilan niya ang anak ko. Lumapit ako sa kaniya at nagkayakapan kaming dalawa.

“I miss you so much Rose”
Agad niya akong sinamaan ng tingin which is makes me chuckled.

“Himala yatang hindi ka si Rome ngayon?” Dagdag ko pa.

“Will you please Yssa, ang dami ko nang iniisip, nagmadali akong pumupunta dito at hindi importante sakin ang gamit na iyon kapag kayo na ni Raz ang usapan” tukoy niya sa artificial muscle clothes na ginagamit niya.

“Nakakatouch ka naman. Hali ka na sa loob, kumusta naman ang bar mo may natira pa ba?”

Napairap siya at halos matawa ako dahil babaeng babae na siya kung umakto. Actually parang natural talaga sa kaniya ang galawang boyish kahit noon na babae pa siya. And it sounds so cool.

“Tsk! Ubos! Nakakainis! Sino pala kasama niyo rito?”

“Ah, umalis kasi ang uncle ni Raz”
Ang sabi kasi niya sakin kanina kailangan niyang pumupunta muna ng opisina.

“Pero okay lang naman daw na tumuloy ka dito sabi ni Trez” ngunit pagkasabi ko ng pangalan ni Trez ay tila nagulat siya.

“Ah, k-kailan siya babalik? Siguro uuwi na muna ako sa province may aasikasuhin ako doon”

“Mamayang gabi pa daw, akala ko ba dito ka muna tutuloy? Huwag kang mag alala mabait ‘yon”

“Really? I don’t trust any of them, and you, huwag ka ring basta-bastang magtiwala sa kanila, mga kampon ni satanas ang mga Kulton na ‘yon!” umuusok na sabi niya.

Naiintidihan ko naman kung bakit galit siya sa pamilya nila Trez. Nakita niya kasi kung paano ako inilampaso ng pamilyang ‘yon.

“Ngayong nakalabas na kayo let’s go back to province Yssa. Malaya kana diba? At gagawin ko ang lahat para hindi ka na makita pa ng walang-hiyang Tauruz na ‘yon!”

“Rome, gusto ko ring bumalik ng province but I have to consult Trez first. Ayoko rin namang guluhin kami ng ina nila dahil inilayo ko si Raz”
Napabuntong hininga siya at niyakap ako.

“Yssa, umalis na tayo ngayon din. Malaya ka na at dapat wala ng makakapanakit pa sayo. Wala na tayong oras, kalimutan mo na silang lahat at magpakalayu-layo na tayo”

Nakapag isip-isip ako pero ayoko namang bastusin si Trez alang-alang sa pagiging mabuti niya sa amin ni Raz. Gusto ko paring ipalaam sa kaniya ito.





SBTBS > jayewel

There's more mga duday.. anyway thank you sa lahat ng walang sawang sumusuporta ng SBTS. pati narin syempre sa DW3. Love lost mga duday🥰

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon