💦 Episode 37 💦

26K 494 13
                                    


Akala ko hindi niya na ako sasaktan pa, pero heto na naman at sinugatan niya na naman ang puso ko! I hate him! He lied to me! He also cheated on me! Bakit? Hindi paba cheat ang ginagawa niyang pagsisinungaling sa'kin? Pagtago ng mga bagay na dapat kong malaman? Napakasama niya!

Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang mga luha ko, pumasok muna ako sa classroom ko at doon inilabas ang sakit at hapdi na nararamdaman ko.

Sobrang bigat ng loob ko at para na nga akong sasabog, natigilan ako sa pag-iyak nang marinig ang pagring ng phone ko.

Nakita ko ang pangalan niya sa screen, at dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko ay hindi ko sinagot ang tawag niya. Gusto ko siyang singhalan at sumbatan sa lahat ng mga ipinangako niya sa'kin.

Pero nawalan ako ng lakas, tanging pag-iyak lang ang gusto kong gawin hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko. Hindi pa ako handang kausapin siya, dahil sobrang sakit na. Nasasaktan ako sa ginawa niya sa'kin.

Naisip ko agad na umuwi kay Rose kasama si Raz, hindi ko kayang makita ang pagmumukha niya! Binugbog niya ng husto ang puso ko at heto! Ayaw ko na siyang makasama o makausap, dahil sa kawalanghiyaang ginawa nila ng Shine na ‘yon!

Nakalimang missed calls siya sa'kin at wala akong balak sagutin ang mga tawag niya. Nang tumila na ang mga luha ko, nagdesisyon akong puntahan si Raz sa room niya. Buo na ang desisyon ko, hindi kami uuwi sa mansion na ‘yon!

Akala ko kasi totoo na lahat ng ipinakita niya sakin! Na hindi niya na ako sasaktan pa ulit! Na babawi na siya at hindi niya magawang magpakasal sa iba kahit pa sabihing fake lamang ito. Pero hindi eh, niloko niya ako. Ginawa niya akong tanga!

Habang naglalakad ako pakiramdam ko hindi nakaapak ang mga paa ko sa sahig, tila ba lumulutang ako sa kawalan. Pagdating ko sa room ni Raz, ay iilang mga classmates nalang at mga yaya nila ang nandoon.

Nakasalubong ko ang adviser nila and I asked her if my son is still inside. But she replied, nakaalis na daw. Malinaw kasi ang bilin ko sa yaya niya na hintayin nila ako, tinawagan ko siya at agad naman niyang sinagot.

Pero kinabahan nalang ako bigla nang marinig ang boses niyang nanginginig at umiiyak. Hindi ko siya makausap ng matino, kaya dali-dali akong naglakad pabalik.

Pero papaliko na ako sa isang daan nang makita ko siya na tumatakbo papasok sa back gate. Agad ko siyang sinalubong at hindi ko na mabilang ang kabang naramdaman ko, dahil hindi niya kasama si Raz.

“Jane ang anak ko?” ngunit ganun nalang ang kabang lumukob sa'kin nang mapaiyak siya bigla.

“S-Sorry ma’am, pupuntahan ka sana namin sa room m-mo pero may lalakeng lumapit sa'min at sinabing bagong driver siya ng family Kulton. At n-nang makasakay na kami sa kotse, ay bigla nalang nila akong t-tinutukan ng baril at tinulak” nanginginig na paliwanag niya.

Muli akong napahikbi at binalot ako ng kakaibang takot. Diyos ko ang anak ko! Napatakip ako sa mukha ko at hindi ko alam ang gagawin.

Tinanong ko siya kung natatandaan niya ba ang itsura at pati yung plate number, at ang sabi niya ay hindi, ngunit ang mukha siguro maaari niyang matandaan.

Agad ko siyang hinila dahil irereport ko ito sa pulis, ngunit mabilis niya akong pinigilan.

“Ma’am, sorry p-po kasalanan ko, hindi ko kasi kinilala agad akala ko kasi totoong bagong driver siya nina sir Tauruz”

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon