💦Episode 6💦

31.5K 805 28
                                    


May araw ka din sakin! Not now dahil mukha pa akong basura but I will make sure na lalabas lahat ng baho niya! Maghintay siya at magtutuos kaming dalawa!

I have no guts to face them all. Hindi ko kayang humarap sa mga tao dito, but when they called Raz I have no choice but to go with him. Baka kung basta nalang nila ilayo ang anak ko ng hindi ko alam.

I am still wearing my robe at nahihiya ako sa suot ko, bumalik ako ng pinakain nila si Raz sa dining room, I need to know if Rome is okay. Hindi ko na nakita pa si Shone at hindi ko alam kung umuwi na siya.

Buong araw nasa loob lang ako ng room, naiiyak ako sa sitwasyon ko. Until the maid entered the room and she said Tauruz wants to see me.. She’s leading the way and we were heading upstairs. Kinakabahan ako habang naglalakad kami.

Alam kong may gagawin na naman siyang kasamaan at may sasabihing hindi magandang salita. Galit na galit siya sakin dahil paniwalang paniwala siya sa sutsot ng Shone na ‘yon!

Pumasok kami sa isang pinto, and I saw him sitting down on his chair. Nakatitig siya ng masama sa akin at iniwan kami ng katulong.

“Name your price! How much ?and leave the mansion!”
May hawak siyang tseke at naghihintay ng sagot ko.


“Answer me! This is what you want right? But make sure to spare my son after you get what you want on me! You planned all of that because of money so ito na!”

“Here! Fifty million! Take this!”

Masama ang tingin niya sakin nang hindi ko ito tinanggap, I just stared at him. And now I realized how I mad at him since then. Sinaktan niya ako nang hindi niya alam ang totoo! Hindi ko naman ginusto ang lahat ng iyon, biktima rin ako. Pare-pareho lang silang lahat!

“Kulang pa? Okay I will make it two hundred million!”

“Hindi ko iyan kailangan! Isaksak mo sa baga mo lahat ng pera mo!” galit na sabi ko sa kaniya.

Tumayo siya at hinila niya ang braso ko, sobrang sakit ng pagkakahawak niya sakin, nagbabaga ang mga mata niya na para bang susunugin niya na ako ng buhay.

“Isa ka ngang gold digger! Ayaw mong tanggapin ang perang inaalok ko dahil naliliitan ka?”
At pabalibag niya akong binitawan at muling nagsulat.

“Here! One billion, Now take this and get out of my sight !” Galit na galit niyang sigaw sakin.

Mabilis kong tinanggap yung papel at nanginginig ako habang pinupunit iyon isa-isa at binato ko sa pagmumukha niya! Isaksak niya sa baga niya lahat ng pera at ari-arian niya dahil ko kailangan ‘yon! Si Raz lang ang kailangan ko, siya lang!

“Hindi mo mababayaran lahat ng sakripisyo at pagmamahal ko sa anak ko! At sa lahat ng pananakit mo noon sakin! I don’t need your money Mr Tauruz Kulton! I need a justice for what happened before! Hindi ko ginusto lahat ng iyon at biktima rin ako ng kasamaan ni Shone!”

I gasped as he squeezed my arm again. Ngayon dalawang braso ko na ang hawak niya at parang dudurugin niya ako sa sobrang higpit ng pagkakapiga niya sakin.

“How dare you? You ruined my relationship to Shine and because of you hindi natuloy ang kasal namin! Then you will say that you need a justice? You’re a desperate woman! You planned it because you want my money! Stop using other people to hide all the truth that you really want to destroy us!”

Pabalang niya akong binitawan at tinitigan ng sobrang talim. Pinigilan ko ang mga luha ko dahil ayokong magmukhang mahina sa harap ng halimaw na katulad niya.

“I changed my mind! You will stay here and I will make you suffer! At tandaan mo ito! Dito mo mararanasan ang impyernong di mo pa nararanasan!”

“K-Kung iniisip mong halos mamatay ako kakahabol sayo nagkakamali ka! Si Raz ang dumating sa buhay ko na hindi ko pinagsisisihan! Pero kinakamuhian ko na ikaw ang naging ama niya!”

I saw how he clenched his jaw at naikuyom niya ang mga palad niya Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at napaiyak nanga ako, ngunit mabilis kong pinahiran ang mga luha ko at sinamaan ko siya ng tingin.

“Lahat kayong umalipusta sakin! Pagsisisihan niyo ito! Yes, kaya ko rin maging masama para lang patunayan iyang sinasabi mo! Sige saktan mo ako kung kailan mo gusto, pero ito ang tandaan mo! Pagkatapos mong sirain ang buhay ko, ako naman ang sisira sa buhay mo!”

Agad akong tumakbo palabas. Hindi ko na makita ang sahig dahil sa sobrang labo ng mga mata ko. Napatakbo ako papasok sa silid namin at kaagad na isinara ang pinto. Napahikbi ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.

I just said that cause I don’t know what to say, but actually I don’t know what to do. Gusto ko talagang maghiganti ngunit hindi ko alam kung paano simulan. Ang mga taong katulad nila ay dapat na nagdurusa hindi ‘yong ako lang ang nakakaranas ng gayong sakit at pighati.

Bakit ba napaka unfair ng mundo? Ang gusto ko lang naman ay mamuhay ng payapa na kasama ang anak ko at si Rome. Sapat na sakin ang lahat ng ‘yon. Pero bakit ang hirap abutin ng pinapangarap kong kapayapaan?

One week had past and the words that he said last week that I’m gonna living like hell in this house become real, yes para nga akong nasa impiyerno!

His mom, the so called madam Teresa. She really hated me, lagi niya akong iniinsulto and it’s ended to humiliating me. Wala silang pinagkaiba ni Tauruz na hayop! He always saying of how slut I am! Of how desperate I am!

Dumating sa punto na nagkasagutan kami ulit. I really wanted to tell him the truth, but he always blocking my words. Sakin niya isinisisi kung bakit hindi natuloy ang kasal niya, at kung bakit nasira sila ni Shine. Ayaw niya akong pakinggan dahil nandito lagi si Shone para sutsutin siya!

Later on nalaman ko na girlfriend pala siya ng kapatid ni Tauruz na si Trez, they were twins but they are  fraternal twins kaya di sila magkamukha kundi magkahawig lang.

But the way I saw them, parang hindi siya yung boyfriend nito. I know Shone is crazy in love with Tauruz at alam kong sa mga galaw niya ay ginagamit niya lang si Trez para mapalapit sa kambal nito. Napakadesperad­a niya!


SBTBS > jayewel

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon