💦 Episode 23💦

25.2K 749 59
                                    


“Mama! Let’s eat na daw po” napangiti ako kahit papano nang yakapin niya ako sa baywang habang nakatalikod ako sa balcony.

Nilingon ko siya at hinalikan sa noo. I love my son so much, he’s my life line.

“I love you baby” napatitig soya sakin at maya-maya ay napangiti at sobrang cute niya tingnan.

“I love you more Mama” napayakap ako sa kaniya at pinigilan kong huwag maiyak.

“I love you and I also love daddy”
Parang pinipiga ang dibdib ko nang marinig ko ‘yon mula sa kaniya. Tumakas ang ilang butil ng luha ko at mabilis na pinahiran at kumalas na sa kaniya.

Sabay kaming lumabas nang room at naabutan namin ang uncle Trez niya na nag-aayos ng mesa, parang gusto kong matawa sa kanilang dalawa dahil parang pareho silang nagpapakiramdamang dalawa ni Rose.

Gutom na ako kaya mabilis kong pinili yung adobo kasi paborito ko ‘yon pero pagtikim ko na ay muntik na akong maduwal sa plato ko. Hindi ko gusto ang amoy at lasa, naiinis talaga ako sa pakiramdam na ito.

Napatitig si Rose sakin at nang hindi ko na kinaya ay napatayo ako at napatakbo sa banyo. Ramdam kong sumunod silang lahat sakin pati si Raz.

“God Yssa, what happened to you? Pangit ba yung niluto ko?” Sabay himas niya sa likod ko. Nang mahimasmasan ay nagmumog ako sa lababo at bumalik nang mesa.

“Sorry, hindi ko lang gusto yung amoy at lasa” tumalim ang titig niya sakin at napaiwas ako ng tingin.

“Meron ba akong dapat malaman?” mataray na tanong niya sakin. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Trez .

“B-Buntis ako”

“What?” Hindi makapaniwalang tanong niya.

“Mama what is buntis?” Napalunok ako nang tanungin ako ng ganon ng anak ko, napailing nalang ako sa kaniya.

“Mamaya ko na sasabihin just finish your food”

“Walang hiyang lalaki ‘yon!” Narinig kong sabi ni Rose ngunit mahina lang. Ramdam ko ang gigil sa boses niya and I really appreciate her for being my best buddy in life dahil sa lagi niyang pagkampi sakin.

After namin kumain ay nagpahinga lang ng ilang minuto si Trez at muling umalis upang bumalik dahil may kailangan daw s’yang asikasuhin sa company niya. Kinausap niya si Rose sa balcony pero rinig kong nagbabangayan silang dalawa.

Napailing nalang ako at pumasok ng room dahil sumama na naman ang pakiramdam ko, naglalaro si Raz ng mga toys n’ya at hindi niya na pinapansin ang pinapanood niya kanina sa TV screen.

Maya-maya ay pumasok si Trez at nagpaalam sa amin.

“Ingat ka Trez, thank you sa paghatid sa amin dito”

“You’re welcome, and just take a rest. I’ll be back on Thursday”

Napatango ako sa kaniya at nagpaalam na siya kay Raz. Nang makaalis na siya ay doon na ako inantok ng sobra.

“Anak laro kalang diyan huh? Huwag kang lumabas ng bahay” mahina kong bilin sa kaniya.

“Yes Mama” napapikit na ako ngunit ganon nalang ang pagkagulat ko nang may kumalabit nalang sakin bigla.

“Hoy babae gumising ka diyan at mag-usap tayo!” Napasimangot ako sa kaniya.

“Inaantok ako Rose pakiusap. At kung tungkol sa pagbubuntis ko ang gusto mong pag-usapan huwag na.”

“Napakahayop talaga ng lalaking ‘yon! So ano after ka niyang parausan ay basta-basta ka nalang niyang itatapon? Talagang nagbunga ang kawalanghiyang ginawa niya sayo! Kaya ka ba umalis dahil hindi ka niya kayang panindigan Yssa?” Galit na tanong niya sakin.

Napapikit ako at hinila yung braso niya at niyakap ito. Inaantok ako at wala akong panahon para pag-usapan ang gagong ‘yon. Hanggang sa unti-unti na akong nawalan ng ulirat. At pagkagising ko ng hapon ay medyo okay narin ang pakiramdam ko.

Maaga din akong natulog kinagabihan habang si Raz ay makulit na gustong maglaro kaya si Rose na lang ang naging kalaro niya. Nakakainis ang pakiramdam na meron ako ngayon at parang kakaiba ito ngayon kesa noong pinagbubuntis ko si Taraz.

When I got pregnant with Raz, you never felt like this. Kapag nakakain ko na yung gusto kong kainin ay nagiging okay kaagad yung pakiramdam ko but now it was so very opposite.

Meron akong gustong kainin at kapag nasa harap ko na nawawalan ako ng gana at kung meron man isusuka ko lahat ng kinain ko. Tulad nalang ngayon maaga akong nagising dahil pinukaw ako ng pagsusuka ko. Napapikit ako at nanghina, nakakainis parang pinapahirapan yata ako ng batang nasa sinapupunan ko.

Hindi pa nagigising ang anak ko at si Rose kaya nag-isip nalang ako ng lulutuin para sa agahan.

“Wow! Ang bango mama”

Napalingon ako sa kaniya at ngumiti. Bagong gising lamang siya at nasa likod niya si Rose.

“Good morning. How’s your sleep anak?”

“Okay lang po, I had a dreamed po. Nandito daw si daddy Ma”
Unti-unting nawala ang ngiti ko at muling humarap sa niluluto ko.

“Rose, pakitry naman kung okay na” sabay abot ko sa kaniya ng sandok na may lamang sabaw.

Iniwas ko ang usapan dahil parang tinutusok ako sa dibdib. Hindi na kailanman magpapakita pa ang gagong ‘yon dahil naayos niya na ang buhay niya, maayos na sila.

Nakatulala ako sa tubig na lumalabas mula sa shower. After kong paliguan si Raz ay nagkulong ako sa banyo, ang bigat ng dibdib ko at parang gusto ko nalang matulog nang matulog para makalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

“Yssa, bilisan mo naman diyan maliligo din ako mag-iisang oras kana diyan!” napaigtad ako at biglang natauhan, mabilis akong nagbanlaw at nagsuot ng robe.

“Grabe ka naman, ang tagal mo sa loob ha? Kuminang kana sa sobrang ganda”

“Ewan ko sayo!” Napairap ako sa kaniya na siyang nagpatitig sakin

“Hoy buntis huwag mo akong mairap-irap ha? Diyan ka na nga!” Sabay sara niya ng pinto.

Naabutan ko si Raz sa playroom niya na nanonood ng cocomelon. Lumapit ako sa kaniya at nilagyan ng pulbo ang likod niya. Napakunot noo ako dahil parang kanina ko pa kasi naririnig na may nagdodoor Bell.

Nagbihis na muna ako dahil nakaroba parin ako at ang sarap lang batuhin nang tsenilas sa mukha yung nagdo-door Bell. Parang hindi makahintay!

Baka ‘yon na ‘yong kapitbahay na inorderan ko ng mga kakanin. Gumagawa kasi sila nun, bigla nalang ako natakam at mabilis na lumabas ng kuwarto. Walang tigil sa pagpindot ng door bell ang kapitbahay namin na para namang tatakbuhan ko!

“Aleng diday ang aga niyo naman___” nabato ako sa kinatatayuan ko ng makilala kung sino ang kaharap ko ngayon. Nakatitig siya ng malalim sakin at hindi ko maipaliwanag ang laman ng mga mata niya.

“Really? Ilalayo mo ang anak ko sakin? Huh? Para mo narin akong pinatay Yssa!” He said while gritting his teeth.

“Anong ginagawa mo dito?! Umalis kana at wala ka ng karapatan sa anak mo!”

Napuno ng galit ang mga mata niya at napatitig lamang siya sakin. Ngunit hindi kalaunan ay napuno ito ng pagmamakaawa. Tumalikod na ako para isara ang pinto nang mabilis niya akong hinawakan sa braso.

“L-Let’s talk. Please, kahit ngayon lang and after that I won’t bother you anymore” nasaktan ako sa sinabi nya. He won’t bother me anymore? Sabagay ako rin naman ang gustong mawala siya at hindi na kailanman makita pa.

Galit parin ang puso ko at kapag sisikapin kong pahilumin yung sugat sa puso ko tila mas lalo itong lumalaki at sumasakit.

“Hindi na natin kailangan mag-usap ng masinsinan. Una sa lahat a-ayoko sayo Tauruz, h-hindi ko kayang pagbigyan ka kahit anong gawin ko. Hindi ko ipagkakait ang anak mo sayo pero pakiusap umalis kana muna ngayon please lang!”

“Yssa!” Mabilis kong isinara ng pinto at nilock ‘yon. Hindi pa ako handang makita siya pagkatapos nang makita kong eksena doon sa restaurant at car park.

Ayokong maging hadlang na naman sa kanila ni Shine. Ayokong ako na naman ang magiging dahilan ng lahat.

“Mama sino ‘yon?” nagulat ako sa paglabas niya at napayakap ako sa kaniya.

“N-Nothing baby, k-kapitbahay lang”
Pakiramdam ko ako na ang pinakamasamang ina kahit alam kong gusto niyang makasama ang ama niya ay hindi ko hinayaang magkita sila.

Kasi kapag nangyari ‘yon tatagal pa siya dito and. I can’t bear to see them together, basta’t ayoko siyang makita. Huwag na muna sa ngayon dahil preskong-presko pa ang panggagagong ginawa niya sakin.

SBTBS > jayewel

PLEASE FOLLOW MY FB PAGE FOR MORE REELS TO WATCH. JAYEWEL'S NOVEL.

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon