💦 Episode 18💦

27.1K 733 39
                                    


Nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

“Hindi ko ho ipipilit ang sarili ko sa pamilyang ito kaya nga aalis ako”

“Really, kung hindi mo pinipilit ang sarili mo bakit sasama ka sa anak ko? Ilalayo mo ang apo ko? Ilalayo mo siya sa ama niya? How dare you!”

“Mom enough! Whether you like it or not aalis kami!”

“No, hindi pwede dahil hindi alam ni Ruz ito at wala siya dito! Magagalit siya sayo Trez you know him”

“The problem is, kahit gaano na kasama ang anak niyo sinusuportahan niyo parin. You know what mom? You are very biased when it comes to Ruz! Naiisip ko tuloy na baka sa inyo nga nagmana sa pagkagaspang ng ugali ng anak niyong iyon”

Napasinghap ako ng sinampal siya ng ina niya. Agad kong niyakap si Raz para hindi siya matakot.

“Nang dahil sa babaeng ito nagkakagulo kayo! Hindi ka narin marunong rumespeto!”

Walang isinagot si Trez sa kaniya at basta nalang niya kaming hinila palabas ng mansion.

Nasasaktan ako para sa kaniya, pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit nangyayari lahat ng ito.

“Uncle, galit ba si grandma?”

Nilingon siya ni Trez at nginitian niya si Raz.

“Don’t mind your grandma, mawawala din ‘yon at dadalawin ka” sabay tawa n’ya kaya napatitig ako sa kaniya.

Forty-five  minutes lang ang biyahe namin at nang makarating kami sa rest house niya ay alas-otso na ng gabi.

Nakatulog din si Raz kaya binuhat nalang siya ni Trez papasok ng bahay at ako naman ay nag-ayos ng mga gamit.

“Trez, I’m sorry”
Napatingin siya sakin na tila nagulat siya sa sinabi ko.

“What? Bakit ka nagso-sorry?” napaiwas ako ng tingin.

“N-Nang dahil sakin nagkagulo kayo”

“No, don’t say that matagal namang magulo ang pamilya namin, it’s not your fault okay? Stop blaming yourself”

Sabay ngiti niya sakin. Sobrang gaan ng loob ko sa kaniya kaya nagpapasalamat ako na nakilala ko siya.

“Aalis ako bukas but don’t worry lagi akong pupunta rito, padadalhan ko nalang kayo ng driver para___”

“Okay lang Trez, huwag ka ng mag abala pa kaya ko na ang sarili ko at si Raz”

“I know but___” natigilan siya sa pagsasalita ng mag ring ang phone ko.

“Hello Rome? Tinawagan kita kanina kasi magpapasundo sana kami ni___a-ano? Nasaan ka ngayon? So, okay kalang ba?”

Napakabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya, nasunog daw ang bar na pagmamay-ari niya at marami ang nasugatan.

Nataranta ako at gusto kong maiyak kasi sabi niya muntik na siyang matrap sa loob kung hindi lang siya niligtas ng isang costumer.

Wala na raw siyang sasakyan dahil ibinenta na niya. Noong nakaraan kasi tumawag siya sakin na humihina ang kita ng bar.

“What’s wrong?”

Napaupo ako sa sofa at nanghina at hindi ko maiwasan kabahan at maawa sa kaniya.

“Yung kaibigan ko si Rome, nasunog yung Bar niya at may iilang sugat siya, muntik na siyang matrap buti nalang nailigtas daw siya ng isang costumer”

“So nasaan na siya ngayon?” Tanong niya sakin.

“Nasa hospital dahil marami daw ang nasugatan at lahat ng iyon ay sagot niya. Diyos ko, sana okay lang siya”

“It’s okay, everything will be fine. Magpahinga ka na pupuntahan nalang natin siya bukas”
Napatango ako sa kaniya .

“Thank you Trez”

“Anything for you, sige na goodnight”
Ngumiti siya sakin bago lumabas ng kuwarto namin ni Raz.

Tumabi ako sa anak ko at niyakap ko siya. Napatingin ako sa orasan alas nuebe na ng gabi.

Hindi parin maalis sa isip ko si Rome. Kailangan ko siyang puntahan bukas bago ako pumasok.
Napabalikwas ako ng bangon ng may marinig akong malakas na kalabog sa labas. Napadako ang tingin ko sa wall clock at alas onse na ng gabi.

Kinabahan agad ako nang maisip na baka napasok kami ng magnanakaw, anong gagawin ko? Kailangan na naming magtago. Teka si Trez? Pero hindi ko pwedeng iwan si Raz. Lumapit ako sa pinto ngunit may narinig akong kalabog at tila may nagwawala sa labas.

Narinig ko ang boses ni Trez. Binuksan ko ang pinto at dahan-dahan akong lumabas at nagulat ako sa nadatnan ko.

“Tangna m-mo, gusto m-mo talagang ilayo ang mag-ina k-ko? Huh?”

Lasing siya at sobrang gulo ng itsura niya. Sinuntok niya pa ang pinto sa gilid niya at nakatitig lamang si Trez sa kaniya.

“Anong ginagawa mo dito Ruz?”
Napatuwid siya ng tayo at tinulak niya si Trez ngunit hindi gaano kalakas dahil sa kalasingan.

“N-Nasaan si Yssa? Nasaan a-ang anak ko? Yssa! L-Lumabas ka diyan! Yssa!”

Nagwawala siya at hindi ko maintindihan ang iba niya pang sinasabi.

“Huwag kang mag eskandalo sa pamamahay ko Ruz!”

“No! Where is s-she, please let her g-o… I h-have to talk t-to her! I want to___”

Natuod ako ng makita niya akong nakatayo at nakatitig sa kaniya. Pasuray-suray siyang lumapit sakin at sinugod ako ng yakap at hindi ko alam kung bakit parang tinutusok ang dibdib ko.

“B-Baby, Y-Yssa! One p-please come back to me. D-Don’t do this.. I n-need you and m-my son”
Sobrang higpit ng pagkakayakap niya sakin at nakakunot ang noo ni Trez habang nakatitig sa kaniya.

“Anong ginagawa mo dito? Pakawalan mo nga ako Tauruz!”

“N-No! A-Akin kalang. No! I w-won’t let y-you!”
Tinutulak ko siya kasi naaamoy ko na ‘yong liquor na ininom niya. Hinila siya ni Trez pero tinulak niya ito at pinagmumura.

“Ako na Trez kailangan ko yatang paliguan ng yelo itong demonyo mong kambal!”

“Pokpokin mo narin pati ang ulo niya! Ayaw pa magpahawak ng gago sa akin”
Ayaw niya kasing humiwalay sakin at kahit anong tulak ko sa kaniya para siyang tuko na nakakapit.

Nakaalalay lamang si Trez sa likuran nang pumasok ako sa isa pang room at halos hindi ako makalakad ng maayos. Ang hirap niya ring kausapin, Kahit galit ako sa kaniya ay sinikap kong kausapin siya ng maayos ngunit puro mura lang ang narinig ko at pangalan ni Trez. Minumura niya ito.

Maya-maya ay ibabaon niya na naman ang mukha niya sa leeg ko at nakikiliti ako, pakiramdam ko nag iinit ang mukha ko. Inis siyang sinapak ni Trez gamit ang unan.

“Hoy, pakawalan mo na si Yssa at bukas na bukas lumayas ka na dito!”

Pero minura niya lang ito at hindi ko na alam ang gagawin ko. IIang minuto pa bago siya nakatulog kaya tinulak ko siya sa kama. Napakabigat niya at nadagdagan lang ang inis ko sa kaniya.

Bumalik ako sa room namin ni Raz at ganoon din si Trez sa kabilang kuwarto. Hindi ko alam kung paano siya nakarating dito sa sitwasyon niyang iyon. Nakapagdrive ba siya ng maayos? Napailing ako dahil sa naisip ko. Ano naman ang pakialam ko kahit mabundol pa siya ng rumaragasang truck ay wala akong pakialam! Buti nga sana para mabawasan ng kaunti ang bigat na dalahin ko sa dibdib.

Pagkagising ko ay wala na si Raz sa tabi ko, kinabahan agad ako at kung ano-ano na ang iniisip ko. Bumaba ako ng kama at dali-daling binuksan ang pinto.

Pero natigilan ako ng madatnan ko siya malapit sa kuwarto. Karga-karga siya ng ama niya, kapwa silang nakangiti sa isa’t-isa ngunit natigilan siya nang makita niya ako.

“Mama! Daddy is here” punong-puno ng excitement niyang sabi, tumango lang ako at muling bumalik ng kuwarto.

“One, let’s talk” napaigtad ako ng marinig ko ang boses niya sa likuran ko.

“Please” para akong napaso ng hawakan niya ako sa braso at pinaikot paharap sa kaniya. Napakabog ang dibdib ko nang magtama ang mga mata namin, agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

“Wala na tayong dapat pag-usapan. Umalis kana, huwag kang mag-alala hindi ko ipagkakait ang anak mo, pwede mo parin siyang dalawin pero kapag wala ako”

“One I’m so sorry, alam kong gago ako dahil sinaktan kita ng sobra, but don’t do this to me… Mahal kita Yssa, I swear in heaven hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko”
Napapahid ako ng luha at napatawa dahil sa sinabi niya.

“Mahal? Nararamdaman lang ‘yan ng taong may puso Tauruz! Umalis ka na ayaw kitang makita pa” nagpumiglas ako ng niyakap niya nalang ako bigla.

“What should I do? Tell me para paniwalaan mo lang ako. I love you so much, I’m really sorry baby. Naging duwag ako at dinaan kita sa dahas na paraan dahil galit ako sa anong meron kayo ni Trez. Hindi ko matanggap One, dapat sakin kalang”

“Tama na! Sawang-sawa na ako Tauruz! Tingin mo ba mamahalin ko ang taong nagdurog sa akin? Naalala mo ba kung paano mo ako sinaktan, huh?”

“Ginahasa mo ako nang gabing iyon! Inapakan mo ang pagkatao dahil lang sa galit sa anong meron sa amin ni Trez? Tapos kung umakto ka ay tila ikaw pa itong galit na animoy biktima! S-Sinira mo ang buhay ko! Sinira mo!”
Napahagulhol ako ng iyak at tinulak ko siya pero nawalan ako ng lakas.

“I’m so sorry…” mahinang sabi niya at namumula narin ang mga mata niya.

“Hindi na maibabalik ng sorry mo ang lahat pati buhay ng nanay ko! Napakasama mo! Gusto mong malaman kung bakit ako nandoon sa lintek na bar na ‘yon? Dahil inutusan ako ni Shone na lagyan ng drugs ang inumin mo! Plano niya ang lahat para maagaw ka niya sa kapatid niya!”

Napahikbi na ako pero gusto ko ng ilabas lahat ng sama ng loob ko, lahat ng sakit at galit.


SBTBS > jayewel

PLEASE FOLLOW MY FB PAGE FOR MORE REELS ABOUT THE CHARACTERS HERE! THANK YOU😘

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon