💦 Episode 36 💦

20.5K 481 22
                                    


Kinabukasan ay hinatid niya kami ni Raz sa school, pero nalungkot ako nang halos hindi siya nakapagpaalam ng maayos dahil nagmamadali siya ng husto.

Ni hindi niya ako niyakap at hinalikan kaya nainis ako sa kaniya, parang ang sarap niyang sampalin nang makaalis na siya. May urgent meeting daw kasi siya, pero kailangan ko nalang intindihin at kahit nalungkot ako ay kailangan ko ding labanan.

Dumeretso ako sa room at nagulat ako dahil bawat bata na nadaanan ko ay may bitbit na tulip flowers, at nagulat ako nang isa-isa nilang binigay ito sa'kin.

“Kanino galing ito?” tanong ko ngunit nakangiti lang sila kapag nagtatanong ako. Ayoko sanang tanggapin dahil baka magagalit na naman si Tauruz, pero hindi ko sila mapipigilan at sunod-sunod na silang nagbibigay sa'kin.

Maya-maya ay hinila na nila ako papuntang school covered court kung saan ginagawa ang flag ceremony.

“Ano bang ginagawa niyo?”

“Miss Cajeldo congrats sa inyo” sabi ng isang co-teacher ko at may inabot siyang bulaklak. Naguluhan ako at tatanungin ko sana siya kung kanino galing, ngunit agad din siyang umalis.

Paglingon ko ay napanganga ako nang makita ang mga students at maging mga teachers na may bitbit na tulip flowers, at ang ilan ay may bitbit na balloons. Ngunit mas lalong natuon ang paningin ko sa taong nakatayo sa gitna ng court, at may nakapalibot na mga petals ng rose sa paligid niya.

Natuod ako at halos hindi makagalaw, naglakad siya papunta sa'kin at inabot niya sa'kin ang napakagandang bouquet ng bulaklak. Lutang ko itong tinanggap at naiiyak na ako, lalo na nang bigla-bigla nalang siyang lumuhod sa harap ko. May bitbit siyang maliit na kahon, at lumantad sa'kin ang kumikinang na singsing nang binuksan niya ito.

Nakatingala siya sakin at nakatitig lamang ako sa kaniya at nangangatog ang mga tuhod ko. Nakarinig ako ng mga sigawan at hiyawan ngunit halos hindi ko na maintindihan.

“Wife, I’m really deeply in love with you, to the point that I wanted to named my last name to you. No more words baby One, marry me Yssa Cajeldo”

Nagblurred ang paningin ko at napatango ako sa kaniya dahil sa sobrang tuwa na naramdaman ko, halos gusto ko nang sumabog sa kaba at saya.

Hindi ko kasi akalain lahat ng ito, sa naalala ko sumama ang loob ko kanina dahil hindi niya ako masyadong pinapansin sa kotse, at agad siyang umalis paghatid niya sa amin. Tapos ito pala ang gagawin niya, he made me the most happiest woman in the world because of this kind of surprised.

“Yes hubby…I will marry you Tauruz Kulton”  agad siyang napatayo at niyakap ako.

“God! I love you, thank you wife” hindi na ako nakapagsalita at parang naging jelly ang mga tuhod ko. Kumalas siya sa'kin at isinuot sa daliri ko ang singsing. Hinawakan niya ako sa kamay at hinalikan niya ito.

“Mahal na mahal kita One, and no Matter what happens, sa'yo lang ako uuwi” he said makes my heart moves.

My days was filled of joy, at ‘yon ay dahil sa walang sawang pagpapasaya ni Tauruz sa akin. We’re now planning for our upcoming wedding, ayaw niya na ngang sayangin pa ang oras at gusto niyang madaliin ang kasal namin.

Eight weeks pa lang naman ang tiyan ko, kaya hindi pa halata at maaari pa akong magsuot ng wedding gown. At sa totoo lang, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong tuwa at excitement.

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon