💦 Episode 34💦

20.1K 465 17
                                    


Tahimik lang ako habang naglalakad kami papasok ng school campus. Hinatid muna namin si Raz sa classroom niya bago niya ako hinatid  sa room ko.

“I’ll get going wife, don’t forget to make a call if you’re not feeling good, okay?” Tumango ako sa kaniya at ngumiti naman siya sakin.

Napatitig ako sa kaniya dahil may hinihintay ako. Hinihintay kong sasabihin niya na agad sakin kung ano ba talaga ang plano niya, kung papayag ba talaga siya sa agreement na ‘yon o hindi.

Gusto ko lang naman malaman ng mas maaga, dahil ngayon palang parang pinupunit na ako sa sakit. Ayokong mawala siya samin ni Raz. I love him but, kung mas pipiliin niya ang pakiusap ng ina niya ay mas pipiliin ko ring lumayo.

Kahit anong sabihin pang fake ay kasal parin ‘yon sa mata ng tao at sa mata ng diyos.

“Wife? I said I’m going. Why are you not answering? May masakit ba sayo? Nahihilo ka ba?” sabay hawak niya sa kamay ko kaya napailing nalang ako sa kaniya.

“Come on wife, just tell me now, wala ako rito at ayokong sumama na naman ang pakiramdam mo ng wala ako, hindi ako makafucos niyan sa trabaho”

“I’m fine, sige na papasok narin ako mag-ingat ka sa pagdrive”

“Are you sure you’re fine?” Muli akong napatango nang hinawakan niya ang pisngi ko. Nagkatitigan kaming dalawa at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

“Okay nga lang ako. Late ka na sa trabaho mo”

“Tsk! Fine, Susunduin ko kayo mamaya. Take care of yourself wife, I love you”

Hinalikan niya ako sa noo at niyakap. Tumitig lamang siya sakin na tila may hinihintay ring sasabihin ko.

“Ikaw rin mag-ingat ka. I love you too” after n'on ay ngumiti siya ng malapad sa'kin atsaka mabilis akong hinalikan sa labi...nag-init bigla ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.

Baka kasi may nakakita sa'min at nakakahiya.

“I love you more, bye” napakunot noo ako dahil hindi niya parin binitawan ang dalawang kamay ko. Tinaasan ko siya ng kilay kaya napakamot siya sa batok niya.

“I’m going wife” tumango ako at nagwave pa siya sakin atsaka panay ang lingon niya sakin.

Napatitig nalang ako sa likod niya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Napabuntong hininga ako, siguro hihintayin ko parin na siya mismo ang magsasabi ng napag-usapan nila ng ina niya kanina.

Oo masakit pero bahala na kung paano ko tatanggapin. At kung anuman ang magiging reaction ko, ayoko na munang pangunahan ng kaba at takot.

“Tulala ka yata” napaigtad ako nang bigla-bigla nalang may nagsalita sa gilid ko.

“Oh, I’m sorry nagulat ba kita?” Napatingin nalang ako sa kaniya at maya-maya ay ngumiti siya sakin.

“How are you? You look more beautiful today, nagboblooming ka yata?”

“Tigilan mo na ‘yang pambobola mo Sandro, una na ako”

“Wait lang! Here, this is for you”
Napatitig ako sa paper bag na inabot niya sakin.

“I’m sorry hindi ko ‘yan matatanggap” narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya lalo akong napatingin sa kaniya. Ano naman ang nakakatawa doon sa sinabi ko?

“Eto naman, this is only a friend’s gift, come on, kunin mo na chocolate lang ‘yan”

Napatingin ako sa hawak niyang paperbag at nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko o hindi nang siya na mismo ang kumuha ng kamay ko at pinahawakan sakin yung handle.

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon