💦Episode 38💦

1.2K 23 0
                                    


Mabuti nalang at mabilis ang pagkilos niya at muli siyang bumalik sa inupuan niya kanina. Unti-unting bumukas ang pinto at napatingin ako sa taong pumasok.

It was Shone, muling nabuhay ang kakaibang galit sa puso ko para sa kaniya. Bigla ko nalang naalala ang lahat ng mga kahayupang ginawa niya sa'kin mula noon.

At siya ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko! At wala nga siyang kasing sama.

“Hi Yssa? How are you?” Nakangisi niyang sabi at sinamaan ko siya ng tingin.

“Hayop ka Shone! Nasaan ang anak ko?” Galit kong singhal sa kanya. Ngunit wala akong ibang narinig kundi ang nakakarindi niyang pagtawa.

“Relax Yssa, maglalaro pa tayo okay? And then kapag natalo kita sa larong ito, akin na si Tauruz. Okay ba ‘yon?”

Malambing na sabi niya,, at parang gusto ko siyang hagisan ng bote sa ulo at sakalin, hanggang sa maganti ako sa lahat ng kahayupang ginawa niya sa'kin at sa anak ko!

“Bobo karin ano? You’re a teacher Right? But still a big dumbass! Kaya kita kinausap kanina ay para mapadali ang pagkidnap sa anak mo, hindi mo alam ‘yon kasi nga wala kang utak! And now, I will make sure na mapapasakin na si Tauruz, at ‘yon ay kapag nawala kana!” At muli siyang ngumisi sakin.

“Desperada ka na talaga ano? Kahit mapapasayo siya Shone, hinding-hindi ka niya mamahalin dahil___” napasinghap ako nang bigla nalang niya ako sinampal.

At muli niya pa akong sinampal sa kabilang pisngi kaya napadaing ako.

“He’s mine Yssa! Hayop ka, mang-aagaw ka! Isinusumpa ko! Hindi kayo mabubuo at hindi kayo magiging masaya!”

Kinapos ako ng hininga nang bigla nalang niya akong sinakal, halos mawalan ako ng lakas ngunit nagawa kong maigalaw ang paa ko at sinipa ko siya sa binti.

“Damn you Yssa! Salot ka sa buhay ko at kailangan mo ng mawala pati ng anak mo!” Nanlaki ang mga mata ko nang bumunot siya ng baril mula sa tagiliran niya.

Binalot ako ng matinding takot at kaba, ngunit nang akmang itutok niya na sa'kin ang baril, bigla nalang siya tumilapon sa gilid dahil sinipa pa siya ng sarili niyang kapatid.

“Let’s go!” Agad niya akong hinila at nataranta ako at bigla nalang napatakbo.

Sabay kaming napatili nang ipinutok niya ang baril, ngunit mabilis kaming nakalabas ng pinto. Nanginginig ang mga tuhod ko habang palabas kami sa pasikot-sikot na daan.

Muli kaming nakarinig ng putok ng baril at mga tawa na tila sinasapian siya ng demonyo.

“You can’t run from my bullet Yssa, papatayin kita!” Rinig kong sigaw niya habang nanghihinang nakatago sa isang malaking haligi.

“Magpapakita ka or papatayin ko ang anak mo? Hmn? Mamili ka”

Napatulo nalang ang mga luha ko nang sabihin niya iyon.

“Y-Yssa, please stay” mahinang bulong ni Shine sakin. Ngunit hindi ko na mapigilan ang sarili ko nang marinig ko ang isang boses ng bata na umiiyak, no! It was my son, Taraz!

“N-No! Please Shone, huwag ang anak ko” nanghihina kong pakiusap.

“There you are! Pero pasensya kana Yssa ha? Kailangan mo nang mamatay ngayon!”

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon