💦 Episode 25💦

25.2K 559 12
                                    


Pagbukas ko ng pinto ay naabutan namin ang anak namin na nakatingala sa aming dalawa. Agad siyang napangiti ng sobrang tamis at napatitig sa amin ng daddy niya.

Agad siyang yumakap sa aming dalawa ng daddy niya kaya nagkatinginan kami at sabay na lumuhod para magkapantay kaming tatlo. God, I really can’t believe this is happening.

Naiiyak tuloy ako dahil sa sobrang saya, napaisip din ako na baka noon pa ako naging masaya kung noon ko pa nagawang turuang magpatawad ang sarili ko.

“I love you son” madamdaming sabi niya kay Raz. And I can’t explain what I feel right now.

“I love you too daddy. Same to you Mama”

Napatango ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo.

“I love you too baby, anyway may sasabihin kami ni daddy sayo”
Napatitig naman siya ulit sa amin na tila nagtatanong ang mukha niya.

“Son, is it okay with you if you have a younger sibling? “ Tanong ni Tauruz sa kaniya.

“Of course, why po daddy?”
Tila nangingislap pa ang mga mata niya at natutuwa ako sa reaction niya.

“I’m pregnant baby, it means may baby sa loob ng tummy ni Mama. So that magkakaroon ka na ng lil sister or brother”

“Really Ma? Oh.”
Napatawa kami ni Tauruz sa kaniya dahil napatakip pa talaga siya ng bibig niya.

“I’m so happy po, pwede ko na ba siya makita?”
Napatawa ulit ako sa kaniya .

“Not now son okay? Lalaki pa ang tiyan ng Mama and then after that lalabas na si baby” paliwanag ng daddy niya sa kaniya.

I saw him smiling while he nodding. He look so cute. Napatayo kami ni Ruz nang makita namin si Rose na nakatitig sa aming tatlo. Umikot ang mata niya atsaka tinuro ito sa mata niya gamit ang dalawang hintuturo niya sabay balik kay Tauruz. I know she still hate Ruz because of what he did to me. Na tila sinasabi niya, I’m watching you.

Umalis din siya agad at nagkatinginan ulit kaming dalawa. Hinapit niya ako sa baywang at hinalikan sa pisngi.

“I can’t believe I saw Rose here she just disappeared suddenly then and six years ago. Magkakilala pala kayo One?”

Napatango ako sa kaniya at hinawakan niya ang kamay ko. And I don’t want to deny it. Kinikilig ako sa mga ginagawa niya.

“She’s Rome, yung sinuntok mo sa mansion.” Napakunot noo siya at napatawa ako dahil kahit pala siya hindi niya nakilala si Rome na lesbian ito.

“What? Really?” hindi makapaniwalang tanong niya sakin.

“How come? She looks like a man that time that’s why I hit her, naiinis ako dahil akala ko lalake mo”
Napairap naman ako sa kaniya. Kawawa nga si Rose nang ginawa niya iyon eh.

Napatingin naman ako sa kaniya at siya naman ay nakatitig rin sakin. Lalo na sa mga mata ko, feeling ko nga namumula na ako dahil sa mapanghubad na titig niya sakin.

“Don’t stare at me like that Tauruz” narinig ko ang mahinang pagtawa niya at bigla nalang ako pinanggigilan. Buti nalang umalis si Raz at sumunod sa uncle Rome niya or should I say auntie Rose.

“Why? You look so beautiful baby, One I can’t help it”

“Nambola kapa! Siya nga pala bakit kapa pumunta dito? Nagkaayos na kayo ni Shine hindi ba?”

Hindi ko maitago ang hinanakit sa boses ko. Kahit handa akong magpakatanga parang may mali parin. Napakunot noo siya sakin at napatitig sa mga mata ko.

“What? What are you talking about?”

Napairap ako sa kaniya. Kahit kailan talaga mga lalaki ay hindi mapagkatiwalaan! Ang galing magpalusot.

“Maang-maangan kapa diyan! Nakita ko kayo sa restaurant na hinawakan mo ang kamay niya tapos sa parking area ng building ng company ng pamilya niyo. Magkayakap kayo maang-maangan kapa diyan!”

Naiinis kong sabi sa kaniya. Nakakunot noo parin ngunit maya-maya lang ay napatawa siya habang nakatitig sa akin. Ang sarap niyang sampalin kasi mukhang natuwa pa talaga siya.

“What’s funny Mr Kulton?” napipikon kong sabi sa kaniya kasi hindi siya tumitigil kakangisi sa akin. Bigla nalang niya ako hinapit ulit at hinalikan sa noo pero tinulak ko siya.

“Tsk. You’re pushing me away One. Nagseselos ka ba?”

“Sagutin mo nalang ang tanong ko Tauruz! Ayokong makipagsabayan sa kahit kanino at huwag mo akong lokohin sinasabi ko sayo!”

Naiinis na talaga ako dahil dinadaan niya lang ako sa mga ngiti niya. Bigla nalang sumeryoso ang mukha niya. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa pisngi ko at inilagay ito sa likod ng tenga ko.

“Tsk. Don’t say that baby One, I’m not cheating on you. Kaya kami magkasama doon sa restaurant dahil humingi ako ng tawad sa kaniya. And I’m happy because after so many years kinausap niya narin ako.”

Biglang pumait ang lalamunan ko, parang ayoko yatang marinig ang susunod na sasabihin niya. Ewan ko ba ba’t nasasaktan ako gayong sagot rin sa mga katanungan ko ang hinahanap ko mula sa kaniya.

“Baby One, I’m  sorry for whatever you saw that day. Promise walang halong malisya ‘yon, nagpa thank you lang ako sa kaniya dahil kinausap niya na ako at matagal niya na raw akong napatawad”

Slang talaga siya magsalita ng Tagalog. Pero naiinis parin ako sa kaniya.

“Kailangan ba talagang hawakan ang kamay? Required ba ‘yon?” Napairap ulit ako kasi ngumisi na naman siya sakin. Napipikon na ako sa mga ngiti niya.

“Are you jealous baby? Hmn?”

“Hindi! Masaya nga ako ng makita kayong magkasama sana nga magkatuluyan nalang talaga kayo!”

Lumakas na ang pagtawa niya kaya tiningnan ko siya ng masama na siyang nagpatigil sa kanya perk nakangiti parin siya sakin.

“Okay I’m sorry. Tsk. Listen to me, wala kang dapat ikaselos don baby One I promise I love you. And the attraction I feel for you is different and no one can replace you here” sabay turo niya sa dibdib niya.

Feeling ko hinahalungkat ang tiyan ko dahil sa sinabi noya pero may gusto parin akong malaman.

“Eh bakit magkayakap kayo sa car park? Ano ‘yon, reconciliation?”

“Tsk. Ikaw naman kasi you hurt me One, tinaboy mo ako sa hospital at sinabing hindi ko anak ‘yang dinadala mo. I can’t take it, at nasaktan ako ng sobra, you don’t know how much you hurt me that day, dinamayan niya lang ako”

Napaiwas ako ng tingin, nakonsensya tuloy ako dahil sa mga sinabi niya.

“S-Sorry, Ikaw kasi naiinis ako sayo sinaktan m-mo rin ako eh”

“Shh. I’m so sorry at habang buhay kong pagsisisihan lahat ng nagawa ko sayo. You don’t have to worry about baby ikaw lang at ang mga anak natin ang gusto kong makasama. Nothing else just only you my baby One. I love you”
Napasinghot ako at gumanti sa yakap niya.

“I love you too Tauruz”

After naming mag-usap ay tila binunutan ako ng tinik. Akala ko kasi magiging kabit ako. Kahit mahal ko siya hindi ko parin kayang makipagrelasyon sa taong committed sa iba because it’s out of my character.

“Totohanan na ba ‘yan? Magpapakatanga ka na talaga?” mataray na tanong ni Rose sakin nang madatnan ko siya sa kitchen na nagsa-slice ng mga lulutuin.

Tinulungan ko narin siya. Napalingon ako sa kaniya at nakatitig siya sakin.

“Rose, masisisi mo ba ako? Hindi ko namalayan nahulog na pala ako sa kaniya. And I can’t help it mahal ko na pala siya, at ayokong maging selfish na ina sa mga anak ko”
Napatango siya sakin at saka ibinalik ang tingin sa ginagawa niya.

“Bahala ka, nakikita ko namang mukhang totoo ang ipinapakita ng Tauruz na halimaw na ‘yon sayo. Huwag kalang niyang saktan ulit dahil ako na talaga maglalaslas sa leeg niya Yssa, I swear!”
Napangiti ako sa kaniya at lumapit ako atsaka niyakap siya.

“Thank you so much for always being there Rose, hindi ko matutumbasan lahat ng tulong na nagawa mo para sakin. Thank you”

“Hay naku! Huwag kangang magdrama! Okay lang ‘yon, basta para sa inyo ni Raz I’m willing to help. At sana nga Yssa, tuluyan ka nang sasaya. And you don’t know how happy I am for you”

Napangiti ako sa kaniya at kahit nga ako hindi makapaniwala sa sayang nararamdaman ko ngayon. Kung ano man ang darating pa sa buhay ko kakayanin ko para sa mga anak ko. Kakayanin ko para sa pagmamahal na tumubo nalang bigla sa taong hindi ko inakalang mamahalin ko sa kabila ng mga kalupitang ginawa niya sakin. Wala eh, tinamaan ako. I love him! I love Tauruz Kulton.

He is the man who broke my heart but he is also the man who rebuilt my broken heart.

SBTBS > jayewel

ANYWAY THANKS FOR VOTING.. ABANGAN NYO PA ANG MGA NAKAKALOKANG KAGANAPAN SA PAG IIBIGAN NINA RUZ AND YSSA!

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon