Prologue

69 7 6
                                    

"Ang hirap naman kasi talaga hanapan ng kamatch nito ni Denisse, pakiramdam ko ikakasal na ako't lahat, wala pa rin siyang boyfriend!"

"True, bagal ng usad. Di 'ko alam anong trip niyan sa buhay." rinig kong pagsang-ayon ni Shawnelle kay Colline.

Papasok na sana ako sa office namin nang marinig ko ang pagbanggit ng  dalawa kong matalik na kaibigan sa pangalan ko kaya sandali muna akong tumigil sa pinto at pinakinggan ang pag-uusap nila.

Malay ko ba kung binabackstab nila ako. Charot.

"Problema niyo sa'kin?!"

Pinigilan kong matawa nang pareho ko silang makita na halos mapatalon sa swivel chair sa sobrang gulat. Parehong natigilan at akala mo ay nahuli sa isang krimen.

"Hi, D!" nilapitan agad ako ni Colline atsaka nginitian. Nakipagbeso pa siya sa akin na akala mo ay hindi ako pinag-usapan kanina. "Tagal mo, mukhang natraffic ka."

"Kape pa more."

"Huh?" biglang sabi ni Shawnelle.

"Laklak pa kayo ng kape, gulat na gulat kayo pagpasok ko eh."

"Nagulat lang kami kasi mukhang ang blooming mo today!" pagrarason ni Shawnelle sa akin.

Sus, nambola pa nga.

Umupo na ako sa pwesto ko pagkatapos makipagbeso kay Shawnelle. Bumalik na rin sila sa mga upuan nila atsaka nagbusy-busyhan.

We are working here in RCM Legal Center which owned by Shawnelle's family, not so famous but one of the best law firms here in Manila. Actually, we started training here eversince our law school days and so after we graduated, we decided to directly applied here.

Minsan ay napag-uusapan rin namin nila Colline sa pagpapatayo ng sariling law firm since iyon ang pangarap naming tatlo pero sa ngayon ay sinasamantala namin ang pagkakataon na mag-gain ng experience and knowledge dito sa pinagtatrabahuan namin.

"So, hanggang kailan kayo mamomroblema sa pagiging single ko?" sumandal ako sa swivel chair ko atsaka pinagkrus ang braso habang tinititigan ko silang dalawa.

"Hanggang sa magkaroon ka na? Para hindi ka na rin nag-iisa." sagot ni Colline.

Dinaig pa talaga nila ako sa pag-iisip tungkol sa bagay na 'yon. Kung tutuuisin nga ay hindi ko naiisip 'yon kung hindi lang nila palagi binibring-up gaya na lang ngayon.

"Huwag niyo na nga ako problemahin. Nakailang try na tayo diba? Sinubukan kong makipaghang-out sa lahat ng lalaking kakilala niyo at kabatchmates natin pero wala namang nangyari. Wag na natin ipilit."

Ang totoo niyan ay halos hindi ko na matandaan kung gaano na karami ang sinubukang ipares sa akin nitong dalawa kong kaibigan simula ng grumaduate kami. Kung tutuusin ay ayoko naman talaga ng idea na 'yon nung una, pinagbigyan ko lang sila pero nung narealize ko na hindi talaga nagwowork, pinatigil ko na. Kaya hindi ko mawari kung bakit ito na naman ang iniisip nila. Akala ko ay nagkaintindihan na kami noon.

Isa pa ay naniniwala rin talaga akong may nilaan para sa akin at kusang darating 'yon sa tamang panahon. Iyon talaga ang naging mindset ko throughout the years.

"Kahit last na?" pangungulit pa sa akin ni Shawnelle.

Inilingan ko lang siya.

"Okay. Sabi mo eh. We won't force you anymore." pagsuko naman ni Colline.

Sana lang ay ito na ang huling beses na pag-uusapan namin ang tungkol rito.

Naging abala kami sa trabaho namin sa mga sumunod na buwan dahil sa maraming client kaya naman ng matapos kami sa last case na hinandle namin ay nagplano agad si Shawnelle ng bakasyon namin sa Palawan.

"Picture tayo guys! Dalian niyo, ang ganda ng view dito!" sigaw sa amin ni Colline. Hawak niya na naman ang DSLR niya at kanina pa siyang umaga busy kakatake ng pictures.

Lumapit agad kami ni Shawnelle sa kanya at sinunod ang gusto niya. Nagtake kami ng napakaraming picture na magkakasama kaming tatlo at mayroon ring solo.

We stayed there for three days and we we flew back to Manila the next day afternoon. Pagkarating ko sa condo ko ay nag-asikaso ako ng sarili ko at mga gamit ko.

Bago magpahinga ay chineck ko ang GC namin at bumungad agad doon ang sandamakmak na picture namin sa Palawan trip na sinend ni Colline. Naisipan ko naman na magpost sa My Day ko ng picture naming tatlo at solo picture ko. Minention ko sina Shawnelle doon kaya agad naman nilang naseen at nagreact ng heart.

Kinabukasan ay nabulahaw ang pagtulog ko sa sunod-sunod na doorbell.

"Grabe, anong oras na! Kakagising mo lang?!" iyon agad ang bungad ni Colline sa akin. Ang ayos ng hitsura niya samantalang ako, wala pang kain at ligo!

"Istorbo ka!"

"Sorry na agad."

"Anong meron? Kakakita lang natin kahapon ah! Huwag mo sabihing miss mo na agad ako." pang-aasar ko sa kanya.

"Uso kasi magcheck ng chat diba?" sinermunan niya pa ako dahil may importanteng message daw siya sa akin kagabi tungkol sa isang client namin. Sinabi ko naman sa kanya na offline na ako no'n dahil busy ako sa Netflix. Work agad ang naisip niya samantalang kababalik pa lang namin at hanggang ngayon naman ang leave namin.

Naligo muna ako at iniwan ko kay Colline ang laptop ko since may sinesend siyang file roon. Pagkatapos ko ay binalikan ko siya at nakita kong tapos niya nang gamitin ang laptop.

"Uuwi na 'ko, Denisse. May pupuntahan pa pala ako!" dali-dali ang pagtayo niya roon atsaka kumaway para magpaalam. Biglang naweirduhan naman ako sa kinilos niya.

Akala ko pa naman ay dito siya maglalunch dahil 'yon ang sinabi niya kanina at since umorder pa siya ng pagkain namin.

Nagcheck muna ako ng email ko since ilang araw nga akong hindi nagbukas no'n dahil no work policy ako kapag nagbabakasyon since nakaleave naman.

While I am busy scrolling on my phone, a notification from unfamiliar name popped out.

Aldreen Domino Kordova reacted to your story.

Aldreen Domino Kordova replied to your story.

What the hell? Sino ka?!

At bakit ang daming pa-puso sa story ko?!

My Story Leads Us Together (Social Media Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon