Chapter 8

11 1 0
                                    

Domino made me feel that he was not a stranger to me. I also didn't know what's with him that made me so comfortable talking to him afterwards. 

Nagdecide kami na sa Chowking na lang kami mag-iistay. Siya rin ang nag-insist na umorder ng pagkain para sa aming dalawa. Habang kumakain ay nagbabatuhan kami ng tanong tungkol sa buhay namin at mostly na napag-usapan namin ay tungkol sa profession namin. I also found out that he belongs to the family of doctors, including his relatives. But he is only child.

"Pareho tayong only child." sabi ko na ikinagulat niya naman. "Malungkot kapag nag-iisang anak, 'no?"

May ibang tao na ang mentality na maswerte ka kapag only child ka pero para sa akin na nakaexperience mismo no'n ay hindi talaga. Mas maganda pa rin talaga na may kapatid ka para may makakasama at karamay ka.

"Yeah. That's why I love kids, not just because of my job." aniya. Domino is a pediatrician and that means he is really exposed to children.

I also love kids. Pero hindi ko na 'yon binanggit pa sa kanya dahil napansin ko na isa iyon sa mga similarities naming dalawa.

"That's why I once dreamt of having a big family." dagdag pa ni Domino habang seryoso nang nakatingin sa akin. Bigla namang akong naconscious sa hitsura ko habang kumakain. Bakit kasi bigla-bigla siyang nagiging seryoso?

"Once?"

"Yeah, before."

I suddenly wonder if how many girlfriends he had before. Pero nahihiya naman akong itanong pa 'yon sa kanya. Pareho na kaming nanahimik at abala sa pagtapos sa kinakain namin nang muli siyang magsalita.

"Never ka talagang nagkaboyfriend?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

Paano niya naman nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon? Wala akong maalala na nabanggit ko 'yon sa kanya. Not unless--

"I'm sorry. Your friend just told me about it."

Ang daldal talaga ni Colline kahit kailan! Wala nang maisikreto!

Sa huli ay tinanguhan ko na lang siya. Hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero nakita ko ang pagsibol ng ngiti sa labi niya.

Simula nang magkita kami ni Domino ay mas naging madalas ang pagchachat at videocall naming dalawa. Hindi lang 'yon kundi pati na rin ang pagkikita namin. Noong una ay tuwing nakikipagkita lang siya ay doon lang talaga kami magkikita. Pero dumating ang isang araw na nagulat na lang ako na sinundo niya ako sa opisina namin na wala man lang pasabi. Halos inaraw-araw niya pa 'yon kaya naman kaya naman nagbalak na ako na kausapin siya kapag nagkita ulit kami mamaya.

Hindi naman ako manhid o bulag para hindi malaman kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Gusto ko lang talaga na manggaling mismo sa bibig niya.

"Sana all may pa-KFC, MCDO, Chowking, at Jollibee everyday!" asar sa akin ni Colline nang makita na naman ang pinadeliver na pagkain ni Domino para sa akin. This time ay KFC naman.

"Anong sana all ka dyan eh pati rin naman tayo dinadamay ni Domino! Nakakahiya nga dahil pati tayo maypa-free merienda na siya sa atin!" biglang sabi ni Shawnelle. "Feel ko ang sarap niyang maging kaibigan."

"Pero mas masarap maging jowa. Diba, D?"

Inirapan ko lang si Colline doon at nagfocus sa pag-aayos ng gamit ko.

"Silence means yes. So I'll take it as a yes, huh?" mapanuyang sabi pa niya.

"Hindi kami, okay? We're just friends. Hindi naman nanliligaw!" hindi ko napigilang mapataas ang boses sa huling salita.

"Oh, bakit ka galit? Bakit parang nanghihinayang?"

"Colline, enough. Kumain ka na lang dyan." saway ni Shawnelle sa kaibigan namin. "Huwag natin silang pangunahan."

Alas-sais nang mag-out kami at gaya ng nakasanayan ko ay dumiretso na ako sa parking lot dahil naghihintay na roon si Domino.

Habang naglalakad papunta roon ay nadaanan ko si Manong Guard,  kinawayan niya ako gaya nang madalas niyang gawin. Nginitian at tinanguhan ko lang siya biglang pagtugon.

"Ang aga ng boyfriend mo ngayon, Attorney." sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Sino naman ang tinutukoy niya?

Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko kaya naman mahina siyang napahalakhak bago tinuro ang pwesto na kinaroroonan ni Domino.

Saan naman niya nahagilap ang tsismis na 'yon?

"Hindi po kami, Kuya." agad na tanggi ko. Ayoko isipin niya ang bagay na hindi naman totoo.

Bigla siyang natawa at napailing. "Nako po, Attorney. Hindi ako naniniwala. Okey lang po 'yan. Hindi ko kayo aasarin. Bagay nga kayo." sunod-sunod na sabi niya. Napabuntong-hininga na lang ako sa kadaldalan niya.

Pwede silang magsama ni Colline!

Nagpaalam na ako sa kanya atsaka naglakad na papunta sa pwesto ni Domino. Naabutan ko siyang nakasandal sa sasakyan niya habang abala sa cellphone. Nang maramdaman ang presensiya ko ay agad rin siyang nag-angat ng ulo at inilagay sa bulsa ang cellphone.

Sinalubong niya agad ako yakap, isa sa mga bagay na napansin kong madalas niya na ring gawin ngayon.

"Nasasanay ka ng yakapin ako ah." mapanuyang sabi ko matapos bumitaw sa yakap niya. Mukhang wala pa siyang balak kumalas roon kaya ako na ang nanguna.

Napansin ko ang pamumula ng pisngi niya pagkasabi ko no'n at nang mapansing nakatitig ako sa kanya ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Napanganga na lang ako nang dali-dali siyang sumakay sa driver's seat at iniwan akong nakatayo roon, bagay na hindi niya ginagawa noon!

"Alis na tayo." iyon lang ang sinagot niya bago tuluyang isinara ang sasakyan niya.

Anong nangyari doon? Problema no'n?

"Can we talk, Domino?" inunahan ko na agad siya magsalita matapos niyang maipark ang sasakyan niya sa tapat ng condo ko.

Nilingon niya agad ako at pansin ko agad ang pamumungay ng mga mata niya. "About what? May problema ba...tayo?" maingat niyang tanong.

Sunod-sunod ang naging pag-iling ko roon. Tila nakahinga naman siya nang maluwag sa tugon ko na 'yon.

"Relax. Huwag kang kabahan dyan." natatawang sabi ko na naging rason para mapanguso siya.

Ang sarap niya sanang pagtripan sa hitsura niya pero baka tumagal pa kami rito at hindi ko na magawa ang purpose nang pakikipag-usap ko sa kanya ngayon.

Huminga muna ako nang malalim atsaka hinarap siyang muli. "Bakit mo ginagawa ang lahat nang 'to?" wala nang paligoy-ligoy na tanong ko.

Bakas ang gulat sa mukha niya sa sinabi ko at halatang hindi inaasahan na tatanungin ko siya tungkol roon.

I wanna here it clearly from you why you're doing all of these, Domino. Iniiwasan kong mag-assume. Ayokong...umasa.

Iyon ang nasa isip ko habang hinihintay siyang sumagot.

"Hindi pa ba...obvious sa kinikilos ko, Denisse?"

"Gusto kong manggaling mismo sayo."

Actions without words are still confusing.

"I like you. So much." malambing na sabi niya habang namumungay ang mga matang nakatitig sa akin.

Damn it! Bakit palagi na lang tama sila Colline?

My Story Leads Us Together (Social Media Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon