Chapter 15

12 1 0
                                    

"Shall we stay like this for now?" hinalikan ni Domino ang noo ko habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

Kanina pa ang panay na pangungulit niya sa akin na manatili na lang raw kami dito sa condo at magcuddle na lang. Mag-iisang oras na rin kami sa ganitong pwesto.

"No, love. We have a plans, right?"

"We can resched it, love. Pwede namang bukas na lang. Nagbago na rin yung isip ko. Mas gusto ko na lang na dito na muna tayo sa condo mo."

"If you want to resched our trip, then it's okay. Para makapagrest ka rin muna since I know that you're really tired. But you'll not stay long or sleep here in my condo, love. You know already what I mean."

"Bawal pa rin talaga, love?" nakanguso niyang tanong.

Iba rin! Dinadaan ako sa paganito!

"My only rule, love." I reminded him. Baka kasi nakalilimot na siya.

Simula noong opisyal na naging magboyfriend at girlfriend kami ay tinanong niya ako kung may rules  or conditions ako sa relationship namin. Ofcourse, nagulat ako sa tanong niya na 'yon. Like seriously, uso pa ba 'yong ganoon? Kailangan pa ba 'yon?

I am very much aware naman na firsts namin ang isa't-isa. We both have never been in a relationship. Siguro sa ibang magkarelasyon ay okey na may paconditon sila. Pero para sa akin, feeling ko hindi na dapat at hindi na namin kailangan 'yon. Ayoko rin namang limitahan ang kilos namin o kontrolin ang isa't-isa.

May inilatag lang akong nag-iisang rule kay Domino na tingin ko ay sobrang halaga. Iyon ay hindi siya maaaring matulog rito sa condo ko na kaming dalawa lang ang narito. Kung nandito sana sila Colline at Shawnelle ay pwede pa gaya nang ginagawa namin before kapag nag-oovernight at bonding kami. Pero alam ko namang hindi naman pwedeng palaging ganoon.

"Alright po. I understand po. Hindi na po ako mangungulit." he said cutely.

I just gave him a quick peck on his cheeks before I finally decided to prepare for our vacation trip. I let Domino to rest for another hour while I am taking a shower.  Nang matapos ako sa pagligo at pag-aasikaso ng mga gamit ni Domino ay saktong nagising siya at siya naman ang nagshower.

I am busy doing my make-up when Domino's phone suddenly rings. Rinig ko pa rin ang pag-agos ng tubig mula sa shower na senyales na hindi pa siya tapos maligo kaya naman kinuha ko na lang ang cellphone niya atsaka naglakad papunta ng bathroom.

Idinantay ko ang pisngi at tainga ko sa pinto nito at nagsalita. "Love, may tumatawag sa phone mo. It's your Mom." nakaflash ang pangalan ng Mom niya roon.

"Answer it for me, please." rinig kong sigaw niya mula sa loob.

I was about to answer the call but Domino's cellphone has a locked! I don't know his pincode!

"Type your birthday, love. That's my pincode." para bang alam niya na agad ang pinoproblema ko.

Agad na sinagot ko ang tawag ng Mom niya bago tuluyang magstop iyon sa pagriring at maging missed call. Mukhang importante ang tawag na 'yon at hindi nga ako nagkamali roon.

Her mom was a little bit shocked when Domino wasn't the one who answered the call. But then, she easily recognized that the girl who answered her call is her son's girlfriend.

"Oh, hello, hija! You're probably's Domino's girlfriend. Denisse, am I right?  I'm very sure about that kasi nag-iisa ka lang na babae ng unico hijo ko. Bukambibig at palagi kang binibida sa amin non eh!"

Those are the things that she said to me a while ago. Iyon agad ang ibinungad niya sa akin at kusa na lang akong napangiti sa mga isiniwalat niya sa akin. Hindi ko rin inaasahan na through phone call namin unang makakausap ang isa't-isa.

I didn't meet Domino's parents yet. But he already mentioned to me last time that he will introduced me to them very soon. I am not rushing about that thing because I know that probably his parents are also busy like him knowing the nature of their work. They all belong in the medical field so it means that they are really a busy people.

"Bakit raw napatawag si Mom?" tanong ni Domino matapos magshower.

Dumiretso agad siya sa vanity table ko kahit hindi pa siya nakakapagbihis. Nakapulupot lang ang tuwalya sa baywang niya habang nakatayo sa likod ko at nakatitig sa salamin na nasa harapan ko. Sa lapit namin sa isa't-isa ay amoy na amoy ko ang shower gel niya na mukhang magiging paborito na rin yata ng ilong ko.

"Ofcourse she misses you!" sabi ko habang tinatapos ang pagmemake-up ko. Tinitigan ko rin siya mula sa sa salamin na nasa harapan ko. Muli ko na namang napasadahan ng tingin ang nakaexpose na perpektong katawan niya. "Magbihis ka na, love! A-Anong oras na oh! Doon ka na sa kwarto!"

"That's it? Wala nang ibang nabanggit sayo si Mom?" naniniguradong tanong niya, inignora lang ang pantataboy ko sa kanya.

Bukas naman ang aircon dito sa condo ko, pero bakit bigla yatang uminit?! Parang biglang naalibadbaran ang katawan ko. What the hell is wrong with my body?! Kakaligo ko lang!

"Kinumusta ka niya sa akin, pati na rin ako. She asked me if you are giving me a headache or a hard time and ofcourse I said no. She told me to enjoy in our trip and she is also looking forward to finally meet me. Iyon lahat, love."

Tumango-tango lang siya roon. Akala ko ay pupunta na siya sa kwarto para makapagbihis na ngunit nagsalita na naman siya. "Naiinitan ka, love?" painosente niya pang tanong.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at hinarap siya. "Yes, love. Ang hot mo kasi eh!" pinagrolyohan ko siya ng mata na ikinahalakhak niya. I know exactly what he wanted to hear from me. Minsan ko lang siya macompliment sa part na 'to.

Pero Lord, bakit pati paghalakhak ng boyfriend ko ang sexy at ang hot ng dating?

"Aw, thank you for the compliment love." panunuya niya. "Ikaw rin, you're hot. Kaya bagay rin talaga tayo."

"Ewan ko sayo! Nambobola ka na eh!"

"I'm not kidding! You can be effortlessly sexy and hot in your own ways, love. I am not saying these just because I am your boyfriend. I swear."

Sa sinabi niyang 'yon ay tuluyan nang pinamulahan ang pisngi ko. This is the first time that he said those compliments to me! And I won't deny the fact that I like it especially when it comes from him. It somehow...boosts my self-esteem.

"Really?"

He filled our distance to face me even more then held my chin up and kissed me on my lips. "Yeah, my sexy love." he sexily whispered.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Story Leads Us Together (Social Media Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon