Chapter 6

18 1 0
                                    

Monday came and as usual, we became busy again in our work. Sangkatutak na cases na naman ang inasikaso namin. Karamihan pa ng client namin ay bibigatin kaya nakadagdag ng pressure iyon sa amin pero nahahandle naman namin 'yon ng maayos.

Breaktime namin kaya umorder ako sa online ng pizza para sa merienda namin nila Colline. Habang naghihintay ay nag-open muna ako ng Messenger ko dahil baka may importanteng nagchat.

Ang totoo niyan ay hindi naman talaga ako palacheck ng Messenger ko. Iyon rin ang minsan naming pinag-aawayan ng mga kaibigan ko dahil minsan lang rin ako magcheck ng GC namin. Pero simula nang makachat ko si Domino ay nagbago ang lahat.

Naging consistent ang pakikipagchat niya sa akin at madalas ay siya ang unang nagsesend ng message. Random lang iyon, greetings like good morning kapag kagising niya at goodnight bago siya matulog. Palagi rin siyang nagreremind sa akin sa pagkain ko. Ganoon ang mga chat niya at wala 'yong palya.

Ofcourse, aminado ako na noong una ay nawiweirduhan ako sa ganong klase na message niya to think na hindi naman kami personally na magkakilala. Pero hindi ko rin naman itatanggi na naaappreciate ko yung ganoong bagay lalo na at first time ko maexperience 'yon.

Pagkaonline ko ay bumungad agad ang message niya pero hindi roon nakatuon ang pansin ko kundi sa notification doon.

Aldreen Domino Kordova set your nickname to Atty. Denisse 🦋.

What's with the emoji?

Aldreen Domino Kordova:
Good afternoon, Miss Ma'am. Don't forget to eat your merienda po. Never skip your meals. Goodluck to your work!! :)

I smiled because of his chat. He's really consistent on sending that kind of message, huh?

"Anong meron? Bakit nakangiti ka dyan, D?" pang-uusisa ni Colline na katabi ko lang rin ang table. Napatigil tuloy ako sa pagtatype ko.

"Wala 'to." sabi ko na lang. Hindi ko pa nababanggit sa kanila ang tungkol kay Domino.

"Charotera! Ikaw ah, palasikreto ka na sa amin." nakasimangot na aniya. "May kachat ka siguro 'no?" nilapit niya ang swivel chair niya sa pwesto ko para mas usisain pa ako.

"Sino yan, D?" tanong naman ni Shawnelle na kanina pa busy sa panonood sa laptop niya ng interview ng presidential candidates. Updated rin talaga siya sa mga ganoong ganap.

"Wala nga, ang kulit!" pagdedeny ko pa. Hinarap ko si Colline. "Oh sige nga Colline, sino naman ang pwede kong maging kachat, aber?"

"E-Ewan? Malay ko?!"

"Colline, baka yung friend ng boyfriend mo? Yung Domino ba 'yon? Diba sabi mo sa akin--"

Nanlaki ang mata ni Colline sa sinabi na 'yon ni Shawnelle kaya naman binato niya ng pouch niya ang kaibigan namin na ikinatigil nito sa pagsasalita. "Napakadaldal mo! Walang preno yang bunganga mo!"

Napailing na lang ako sa inasta ni Colline. Siguro isa rin sa rason kung bakit ayoko rin na sabihin sa kanila 'yon ay dahil alam kong kahit papaano ay may alam na si Colline since siya naman ang may kagagawan kung bakit naging friend ko si Domino. Hinihintay lang siguro niya na ako yung magkwento sa kanila.

Dumating na ang order kong pizza kaya naman ay pare-pareho kaming nanahimik muna at nagfocus kumain. Nireplyan ko na rin si Domino at sinendan ko siya ng picture ng pagkain namin.

Me:
You sent a photo.
Eating right now, ikaw rin Doc.

Agad rin naman siyang nagreply.

Aldreen Domino Kordova:
Nice, Shakey's. That's my favorite. I'm done with mine Attorney, eat well. Anyway, hope you're fine with your nickname here in my Messenger  po. :)

Habang kumakain at nagsecellphone ako ay panay sulyap sa akin si Colline. Inirapan ko siya na ikanasimangot niya.

Nireplyan ko si Domino at sinabing wala namang problema doon sa nickname na 'yon. Gusto ko sanang tanungin sa kanya kung anong meron sa emoji doon pero hinayaan ko na lang, baka trip niya lang naman. Nagpaalam na ako sa kanya at ganoon rin siya since busy na rin siya sa duty niya. Bago ako mag-offline ay naisipan ko ring iset ang nickname niya sa akin.

Me:
You set Aldreen Domino Kordova's nickname to Doc Domino 🕊.

"Denisse, so yung Domino nga yung kachat mo?"

Akala ko ay mananahimik na si Shawnelle pero mukhang hindi talaga siya mapakali hanggat hindi ako ang nagkoconfirm no'n.

"Yes. Noong nakaraan lang kami nagkachat. Itanong mo dyan sa kaibigan mo kung paano kami nagkakilala." sabi ko habang sinasalansan ang mga documents.

Humalakhak naman si Shawnelle na ikinaangat ko ng tingin. Inaasar niya na naman si Colline na kanina pa tahimik.

"Balang araw, pasasalamatan mo si Colline, D. Swear, mark my word." aniya sabay kindat sa akin.

Para saan naman?

Tinapos na namin ang mga dapat asikasuhin na case at sabay-sabay kaming nag-out. Pagkalabas sa elevator ay lumapit agad sa akin si Colline.

"Galit ka sa akin?" biglang tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

Nagstop muna kami sa lobby habang hinihintay si Shawnelle na pumunta ng office ng Mom niya. "Ofcourse not! Kung tungkol 'to kay Domino, don't worry about that." ngiti ko sa kanya.

"Sorry kung pinakialaman ko yung account mo. Inaccept ko lang yung friend request niya sayo, that's it. Wala na akong ibang ginawa do'n."

"Sshh. I know. You don't need to explain, alright? Okey na sa akin 'yon."

Imbes na umuwi na ay dumiretso kami sa mall dahil biglang nagyaya si Shawnelle dahil may bibilhin daw siya. Kaniya-kaniyang sasakyan ang ginamit namin, buti na lang ay malapit lang ang mall sa company namin.

"So, how was Domino for you?" pang-uusisa ni Shawnelle sa akin habang kumakain kami ng dinner sa Max's. It's her favorite restaurant at trineat niya kami para pambawi raw sa abala kahit hindi naman kailangan. Well, sa aming tatlo ay siya talaga ang pinakagalante.

"I think he's nice naman." sagot ko.

"He is, D! Mabait siya, promise!" biglang sabat ni Colline. "Araw-araw ba kayong magkachat?" tanong niya.

Tinapos ko muna ang pagnguya ko bago siya sinagot. Parehong naghihintay sila ni Shawnelle sa isasagot ko.

If I know, they would really be happy if I say yes because this is the first time that I consistenly chatted on a guy. Plus the fact that I didn't personally meet Domino yet I entertained him already.

"Yeah, everyday."

"OMG! Feeling ko ito na 'yon!"

See? As expected.

"Lower your voice, Colline. Hindi natin pag-aari 'tong restaurant!"

"I'm sorry, I just can't contain my happiness."

Nang matapos kumain ay naglibot na kami sa mall at sinamahan si Shawnelle sa mga shop at store na pagbibilhan niya. Inutusan pala siya ng Mom niya kanina. Ang daming tukso at budol sa paligid kaya naman ay napashopping na rin kami ni Colline.

It's already 7PM so I opened my mobile data to check on my Messenger. Nakasanayan ko na kasi na ganitong oras ay nagchachat sa akin si Domino. Nagstay na lang muna ako sa labas ng botique since may bibilhin pa si Shawnelle at sinamahan siya ni Colline doon.

Doc Domino 🕊:
Hi, Miss Ma'am. Is it okay with you if we meet when you're free? I want to see you personally. Hope you consider it but if not, I'll understand po. :)

Doc Domino 🕊:
By the way, I like my nickname here in Messenger. I love that dove emoji.

My Story Leads Us Together (Social Media Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon