Chapter 2

22 2 3
                                    

"Ang tagal niyo sagutin ng call ko, busy kayo?"

Nagvideo call ako sa GC naming tatlo nila Colline at as expected, natagalan silang sagutin iyon kahit online naman sila. Nakailang ulit pa ako bago tuluyan nilang sagutin. Halatang iwas na iwas sila.

Sabi ko kanina pagkahatid ni Isaac sa akin dito sa condo ay matutulog na agad ako pero syempre hindi pwedeng lilipas ang gabi na 'to na hindi ko sila napagsasabihan.

"Nasa CR ako nung tumawag ka." ani Shawnelle.

Alam kong nagsasabi siya ng totoo dahil halatang katatapos niya lang magshower dahil sa hitsura niya.

"Mabagal lang ang internet ko!" sagot naman ni Colline.

Dito ako duda, reason pa more.

I've been friends with these two for almost a decade already and I know them very well. Magkaklase kaming tatlo since college hanggang sa law school. Si Colline ang una kong nakilala noong college kami since siya yung unang nag-approach sa akin atsaka naman namin nakilala si Shawnelle. Luckily, nagkasundo kaming lahat.

Kahit na hanggang ngayon ay may pagkachildish pa rin at minsan ay may topak 'tong si Colline, halos kapatid na ang turing ko sa kanya. Ganoon rin siya sa akin since pareho kaming nag-iisang anak lang. Sa aming tatlo, ako ang pinakamatanda though one year lang naman ang gap ko sa kanila.

"So, uhm, kamusta yung ano niyo ni Sir Isaac?"

Sumandal ako sa headrest ko at inayos ko muna ang pwesto ko para makapag-usap kami ng maayos.

"Anong ano?" tanong ko kay Colline. Hindi niya mabanggit ngayon yung paborito nilang word ni Shawnelle.

"D-Date?"

"Bakit ka nauutal at parang hindi ka sigurado? Eh diba, ikaw nga nagdecide para sa akin sa date na 'to?"

"Sorry na nga diba." nakasimangot na sabi ni Colline.

Bigla ring nagsalita si Shawnelle na kalmado lang kumpara naman kay Colline na halatang kabado simula pa kanina nung sinagot niya ang tawag.

"We're sorry, D. Hindi na mauulit."

"Dapat lang. Pwede niyo naman akong iinform muna ahead of time para naman hindi ako nagugulat diba? Tapos si Isaac pa 'yon."

They already knew what I meant. Hindi naman ako magrereact ng ganito kung katulad lang rin sa mga naunang date na sinet-up nila sa akin noon ang ginawa nila. Most of the time kasi ay sa kabatchmate o schoolmate na nagkagusto kuno sa akin noong college kami nila ako minamatch. Ibang usapan 'yong kay Isaac ngayon.

Bukod sa nahihiya ako sa katotohanang ito ang unang beses na nakipagdate ako sa naging client ko, artista si Isaac. Kahit pa sabihing baguhan pa lang siya sa industriya, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala.

"Paano kung may nakakita sa amin pagkababa namin sa restaurant at nung hinatid niya ako sa condo? Maissue pa siya!"

Namilog ang mata ni Colline sa sinabi ko. "Hinatid ka niya? For real?"

"Nagpumilit siya since hindi ko naman dala ang sasakyan ko diba. Delikado daw mag-grab since late night na."

"Ang gentleman niya." parang kinikilig si Shawnelle sa kabilang linya.

"Edi kasalanan niya kung may nakakita o nakapagpicture sa inyong dalawa!"

Ang tino talaga magreasoning nitong si Colline!

"Nakamask naman si Isaac diba?" tinanguhan ko si Shawnelle. "Let's just hope na lang na walang nakakilala sa kanya."

Bigla ko namang naalala kung gaano karami ang customers nila Colline sa resto bar nila kanina since weekends. Napabuntong-hininga na lang ako.

My Story Leads Us Together (Social Media Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon