Chapter 5

7 0 0
                                    

Sino naman kaya itong Kordova na 'to?

Hindi ko siya kilala. Hindi rin familiar sa akin ang pangalan niya!

Aldreen Domino Kordova replied to your story.

Hi, Miss Ma'am. 

Iyan ang reply niya sa My Day ko na solo picture ko. Bigla akong pinamulahan ng pisngi nang marealize na nakaone piece bikini ako doon!

Nakakahiya naman 'to!

Should I say hello to him? Naseen ko na siya eh!

Sa huli ay nireplyan ko na lang siya ng simpleng hello. Hindi ko na chineck pa kung naseen na ba niya 'yon o kung may reply ba dahil magchacharge pa ako ng cellphone ko. Isa pa ay magbabrunch na ako, gutom na rin ako! Ayoko ring masayang ang inorder ni Colline na McDo at milktea.

Pagkatapos kumain ay niligpit ko agad ang mga kalat na pinagkainan ko. Nagstay ako sa paborito kong spot dito sa living area sa kung saan nakapwesto ang office table ko. Dito ako madalas gumagawa ng perworks ko o kaya kapag inaaral ko ang case ko. Kapag kasi sa kwarto ako nagstay ay madalas nakakatulugan ko dahil sa ambiance doon.

Balak ko rin sana icheck ang file na sinend ni Colline kaya agad na sinet-up ko ang laptop ko. Pero napakunot ang noo ko nang mapansing wala namang nadagdag sa files ko.

Saan niya naman kaya nilagay 'yon? Akala ko ba ay may isesend siyang files?

Ang totoo niyan ay wala akong ideya sa kung anong file ba ang isesend niya. At basta ko na lang rin pinahiram sa kanya 'tong laptop ko kanina.

Inisa-isa ko pang icheck ang mga folders ko kasi baka doon niya nailagay ang files na isesend niya raw pero wala talaga!

Di kaya niloloko lang ako ni Colline? Eh kung hindi siya nagsend ng file dito, anong ginawa niya sa laptop ko habang naliligo ako?

Bago pa ako tuluyang mastress sa kaiisip sa kung anong ginawa niya ay naisipan ko munang buksan ang Facebook ko dito sa laptop.

Pero natigilan ako nang makitang nakaonline na ang account ko roon!

Sa pagkakaalala ko ay ang huling online ko dito ay noong nakaraang linggo pa bago kami magbakasyon. Nakasave ang account ko dito sa laptop at hindi na required ang password pero nilalog out ko 'to palagi.

May naisip ako kung sino ang pwedeng posibleng nakapagbukas ng account ko pero ayoko muna magconclude. Atsaka okey lang naman 'yon kung wala namang napakialaman sa account ko.

Aldeen Domino Kordova: Hey, thank you for replying. I hope hindi ako nakaabala, Miss.

Napangiti ako sa reply niya. Infairness, hindi siya jejemon.

His message was sent just a minute ago after I replied to him earlier. Does it mean, nakabantay siya sa pagseen o pagreply ko?

Malay ko ba kung nakaonline lang siya that time at sadyang mabilis siyang magreply, diba?

Teka nga, bakit ko ba iniisip 'to?

Ang sumunod na reply ko sa kanya ay diniretsong tanong ko na agad siya kung paano niya nalaman ang account ko.

Chineck ko rin ang mutual friend naming dalawa sa Facebook at nagkataong nag-iisa lang 'yon. Mukhang tama rin ang naiisip ko sa kung sinong nag-open ng account ko dito sa laptop, napailing na lang ako.

Sana lang ay magsabi ng totoo ang lalaking ito at huwag niya akong pagtripan dahil auto-block siya sa akin sa Messenger. Wala akong panahon makipaglokohan.

Agad naman siyang nagreply.

Aldreen Domino Kordova:
Sa My Day po ni Colline. Actually, she is my friend's girlfriend that's why we're kinda close. Miss, huwag ka po sanang magalit sa kanya, please? Sorry rin po. :)

Eh? Ano naman kayang pinost ni Colline sa My Day niya?

Since maaga ako nag-offline kagabi ay hindi  ko na nacheck 'yon. Ichecheck ko na lang mamaya.

Gusto ko sanang mainis sa ginawa na naman ni Colline dahil dito ko mas naconfirmed na siya nga ang nag-open ng account ko rito at malamang siya rin ang nag-accept sa friend request nitong lalaki na 'to pero parang bigla 'yong naglaho!

Kasi naman...

Bakit ang honest nitong Kordova na 'to? May 'po' pa, na sobrang lakas makarespeto. Atsaka may pag-explain at sorry pa nga! Idagdag mo pa 'yung emoji sa last part ng message niya. Hindi ko inexpect na ganito ang irereply niya!

Nakita ko na lang ang sarili kong muling nakangiti.

At sakto naman na pagscroll ko sa newsfeed ng FB ko ay may lumabas na post na ang nakalagay na caption ay:

"BAKIT ANG RUPOK MO?"

Napasimangot ako bigla dahil doon.

Hindi ko na namalayan na inabot na pala kami ng mahigit dalawang oras sa pagchachat. At aaminin ko na ito ang unang beses na nakipagchat ako
ng ganoon katagal sa hindi ko personally kilala o namimeet pa talaga yung tao.

Maingat rin ako sa mga ineengage-an ko sa online at hindi basta-basta kumakausap ng kung sino-sino lang pero hindi ko alam kung anong meron dito kay Kordova dahil feeling ko ay ang dali ko lang siya nakapalagayan ng loob. Iniisip ko na lang rin ay biggest advantage niya yung kaibigan siya ng boyfriend ni Colline at mukhang may pinagsamahan rin sila ng kaibigan ko kaya madali lang para sa akin na pagkatiwalaan siya.

Ang plano ko sanang pag-aasikaso ng paperworks ko at pagchecheck ng mga natambak na email mula nang magleave ako ay halos muntik ko nang makalimutan dahil masyado akong nakatutok sa Messenger.

"Last day pa naman ng leave ko, sulitin na natin." nakangusong bulong ko sa sarili. Pampalubag-loob ko rin.

Isinantabi ko muna ang mga paperworks since gusto ko muna enjoyin ang bakasyon ko. Lumipat na ako ng kwarto ko at binitbit ang laptop ko. Balak ko na dito na lang manood ng Netflix.

Chineck ko ang GC namin at bigla akong nanibago sa kanila dahil ang tahimik ng dalawa kong kaibigan. Sila lang naman 'tong madalas magpaingay non!

Naalala kong icheck ang My Day ni Colline kagabi. Pagtingin ko doon ay nire-post niya lang pala ang My Day ko doon sa solo picture ko sa Palawan trip namin.

"Sexy ng NBSB kong friend."

Napailing na lang ako sa caption niya na 'yon.

Saan ang sexy doon? Imbento rin 'tong babaeng 'to.

I'm petite and not sexy. Wala nga akong maipagmamalaking hinaharap. Pero hindi rin naman ako flat chested. My friends always say that my biggest asset is my butt. Kung sina Shawnelle lang ang nagsabi no'n ay iisipin ko agad na binobola lang nila ako pero pati mga katrabaho namin ay 'yon rin ang sinasabi lalo na kapag may company outing kami. Somehow, it boosts my self-confidence.

Maputi ako, hanggang below shoulder ang length ng hair ko at halos 5'6 ang height ko. Actually, kung hindi ko pinursue ang Law ay ang second choice na course ko ay Tourism. Pasok rin kasi ang height ko doon at bagay raw ako maging Flight Attendant sabi ni Dad noon pero mas sinunod ko kung ano talaga ang gusto ko.

Paoffline na sana ako para makapagfocus sa panonood ng Netflix nang biglang magchat muli si Kordova.

Aldreen Domino Kordova: Shall I ask a favor po, Miss?

      Me: Sure, what is it?

Aldreen Domino Kordova: Don't call me by my surname po. I'm sorry, hindi ako sanay. Just Domino. :) Anyway, I have to go. May duty na po 'ko, Miss.

Me: Okay, Doc Domino.

Aldreen Domino Kordova: Thank you for your time, Attorney Denisse. :)

My Story Leads Us Together (Social Media Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon