Chapter 9

6 0 0
                                    

"I like you. So much."

His words kept repeating on my mind and it took me some time to realize what he said.

Domino just admitted to me that he likes me!

Ano bang dapat kong ireact o sabihin? Hindi naman ito yung unang pagkakataon na may umamin sa akin. I've been used to this kind of situation. Halos hindi ko na nga mabilang sa kamay ko ang mga naireto sa akin nila Colline at iba kong kakilala na lahat ay nireject ko!

Pakiramdam ko ay napipe ako dahil sa inamin ni Domino. Natulala lang ako sa sinabi niya at kitang-kita ko ang pagtitig niya sa akin, tila naghihintay sa isasagot ko.

But in the end, I just see myself...nodding.

"I guess you were...speechless." sa wakas ay binasag niya na ang pananahimik namin.

Come on, self! Speak!

"Sana pala ay hindi na lang ako nagtanong." bulong ko sa sarili ko. Hindi ko maiwasang makaramdam nang pagkaawkward.

Ginusto ko 'to. Parang  kanina lang ay excited  ako sa pagtatanong sa kanya.

"You did the right thing." lumingon agad ako kay Domino pagkasabi niya no'n. "Kung hindi mo ako tinanong, hindi ka maliliwanagan sa kinikilos ko. Hindi mo malalaman na may gusto na ako sayo."

"Domino..."

"Hindi ko rin masasabi sayo kung gaano kita kagusto..."dire-diretso niya pang sabi, dahilan para pamulahan naman ako ng pisngi.

Whooo! Ang init naman dito sa kotse niya! Nakaaircon naman kami ah!

Naramdaman ko agad ang pagbilis ng tibok ng puso ko. This is the first time I felt this weird feeling! Hindi naman ganito ang reaksyon ko sa mga lalaking nagkagusto sa akin noon na umamin rin sa akin.

"Huwag ka kabahan dyan." natatawang panggagaya ni Domino sa sinabi ko kanina sa kanya.

At doon tuluyang bumalik ang wisyo ko. Hindi ko napigilang hampasin siya sa braso. Hindi niya inilagan 'yon at hinuli pa nga ang kamay ko. Akala ko ay kung anong gagawin niya roon pero naestatwa na lang ako sa kinauupuan ko nang pinagsalikop niya ang mga kamay namin.

"Dumadamoves ka na naman, Domino! pang-aakusa ko sa kanya habang pilit na inaalis ang kamay ko. Noong nakaraan lang ay panay ang yakap niya sa akin, ngayon naman ay may pahawak na sa kamay ko! Hindi naman kami! Saan siya kumukuha ng lakas ng loob?

Tinawanan niya lang ako. Mas malakas siya sa akin kaya wala akong nagawa kundi hayaan na lang na magkaholding hands kami.

"Ang clingy mo pala." sabi ko. Isa ito sa mga bagong nadiskubre ko sa kanya ngayon.

"Sayo lang ako ganito." aniya sabay kindat sa akin.

"Ang harot mo! Anong sumapi sayo, huh? You are not like this, Domino!"

Hindi ako sanay na ganito siya! Nakakakapanibago.

"I told you, I like you. Sa taong gusto ko lang ako nagkakaganito."

"Pang-ilan na ako sa ginanito mo? Imposibleng ako pa lang ang nagustuhan mo." bigla na lang 'yon lumabas sa bibig ko.

"Nevermind my ques--" babawiin ko na sana ang tanong ko nang putulin niya ang sinasabi ko.

"Pangalawa." diretsahang sabi niya habang nakatitig sa akin.

Umiwas na ako ng tingin sa kanya at sinilip na lang ang writchwatch ko. It's almost 7PM. Medyo natagalan kami sa pananatili rito sa kotse niya na hindi na namin namalayan ang oras. "Bababa na ako. You can go now." sabi ko matapos kalasin ang kamay ko na nakahawak sa kanya.

My Story Leads Us Together (Social Media Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon