Chapter 10

11 1 0
                                    

"Finally, magkakajowa ka na, Denisse! Ang tagal naming hinintay 'to! I'm so happy for you!"

"Ramdam ko nga, Shawnelle! Tigang no more!"

Those were the reactions of my bestfriends when I told them about Domino courting me. Actually, gaya ko ay hindi na rin naman sila nagulat doon.

It's been three months since Domino started courting me. At simula nang manligaw siya sa akin ay panay naman ang pangungulit sa akin ni Colline. Walang araw na paulit-ulit niyang sinasabi sa akin ang katagang, "D, sagutin mo na 'yan! Anong petsa na oh!"

Tanging irap lang ang natatanggap niya mula sa akin. Paladesisyon rin siya eh! Masyadong excited. Hindi naman siya ang nililigawan. Buti na lang ay magkaiba sila ni Shawnelle. Since NBSB ako ay naiintindihan nito ang sitwasyon ko. Ofcourse, gusto kong maexperience ang maligawan at suyuin! Hindi naman ako nagmamadali, hindi tulad ni Colline na palaging pinoproblema ang edad ko lalo na ngayon na malapit na namang madagdagan ang edad ko.

Hindi pa naman pawala sa kalendaryo eh! Tsaka magboboyfriend pa lang naman ako, ano bang akala ni Colline, kapag ba sinagot ko na agad si Domino, kasal na agad ang kasunod?

My birthday came and we just simply celebrated it here in my condo. Nagdecide ako na sa condo na lang namin salubungin ang birthday ko hindi gaya noong mga nakalipas na taon na kung hindi sa restaurant nila Colline ay kung saan-saan nagpaplano ng gimik sina Shawnelle para icelebrate iyon. Iba na rin kasi ang sitwasyon ngayon dahil natapat pa na sobrang busy namin dahil sunod-sunod ang cases na inaasikaso namin. Mag-eenjoy kami ngayon sa hinanda namin sa birthday ko at pagkatapos nito ay back to normal na ulit bukas, ganoon lang 'yon.

Actually ay nasanay na rin ako na kami munang magkakaibigan ang nagsecelebrate ng birthday ko since sila lang ang kasama ko rito sa Manila. Nagvideocall na si Mom sa akin kanina para batiin ako. Humingi pa siya ng sorry sa akin dahil hindi niya na raw mahihintay pa ang pagpatak ng alas dose dahil kailangan niya na ring matulog. Ofcourse, I understood it since she is getting old. Hindi na rin siya maaaring magpuyat dahil may nararamdaman na rin siya sa katawan niya. Kuntento na ako roon sa pagbati niya. Magkikita naman kami sa weekends at doon raw siya babawi kahit kung tutuusin ay hindi naman na talaga kailangan.

From: Domino Kordova
On the way na ako. Just 15 minutes, parating na ako.

Muli kong tinitigan ang text ni Domino. It's already 10PM, his message was sent almost one hour ago. Pero wala pa rin siya.

"Baka natraffic nga talaga siya, Denisse." hindi ko na alam kung pang-ilang beses nang sinabi 'yon ni Colline sa akin. Busy siya sa pag-aasikaso ng mga inorder na pagkain. Si Shawnelle naman ay katatapos lang magdecorate sa sala.

Hindi na nila ako pinatulong roon at pinapirmi lang dito sa isang tabi kahit hindi na rin ako mapakali. Nag-aalala na ako! Kung natraffic lang si Domino ay sigurado akong hindi naman aabutin iyon ng ganoong katagal! Unless may nangyari o aksiden--

Sa kalagitnaan nang pag-iisip ay bigla akong tinabihan ni Shawnelle. "Let's just wait, hmm? Huwag ka dyan mag-overthink."

Tinanguhan ko na lang siya roon. Hindi dapat ako nag-iisip ng kung ano-ano. Darating si Domino.

I sent him another text messages. Wala na akong pakialam kung gaano na karami ang tadtad na message ko roon.

To: Domino Kordova
saan ka na?
are u still coming?
MAGREPLY KA NAMAN PLS
DOMINO!!!
ito ba gift mo sa akin? pag-aalala?

I was about to call him for the nth time already when the doorbell suddenly rang. Napatayo agad ako sa pwesto ko.

"Baka si Domino na 'yan!"

"Baka yung pizza na 'yan!"

Nagkatinginan kami ni Colline matapos sabay na magsalita. Tinaas niya ang kanyang cellphone na kung saan nakaflash sa screen nito ang inorder niyang pizza hut.

Siya na ang nagbukas ng pinto at tuluyan ngang lumaylay ang balikat ko nang matantong tama nga siya.

"Thank you po, Kuya. Keep the change na lang. Ingat po!" rinig ko pang sabi ni Colline bago tuluyang isarado ang pinto.

We waited another thirty minutes. Pinapauna ko na silang kumain dahil late dinner na rin at baka nagugutom na sila pero tumanggi sina Shawnelle dahil gusto nila na sabay-sabay ang lahat. It was just me, my bestfriends, their boyfriends and Domino who are supposed to be here for my birthday salubong. Tila nawawalan na ako ng pag-asa na makararating pa si Domino nang biglang may magdoorbell na naman.

And this time, I was so sure that it was Domino already!

Nagmamadali akong tumakbo para pagbuksan ang pinto at hindi nga ako nagkamali dahil agad na bumungad sa akin ang mukha ni Domino. Halata sa kanyang hitsura ang pagmamadali dahil parang hinihingal pa siya at pawis ang noo. Pinasadahan ko ng tingin ang buong hitsura niya at napansin ko na parang nagusot ang kanyang polo.

But I don't care about his looks anymore! Ang mahalaga ay ligtas siyang nakarating dito sa condo ko.

Kinuha ko na sa kamay niya ang hawak niyang flowers, balloons, cake at paper bag na halatang gift niya sa akin atsaka inilagay muna iyon sa table na nasa gilid ng pinto.

"I'm sorry, nalate ako. May biglaang emergen--" hindi niya na naituloy pa ang sinasabi niya nang bigla ko siyang hilahin para yakapin ng mahigpit.

Ramdam ko ang pagkagulat niya sa inasta ko. "Did...I make you worried?" marahan pang tanong niya.

He is clueless how worried I am, really?! Hindi ba niya chineck man lang ang cellphone niya?

"Kung hindi worried ang tawag sa lagay na 'yan, aba ewan ko na lang." biglang sulpot ni Colline na nagpakalas sa pagkakayakap ko kay Domino.

Hinila ko na si Domino bago pa kung ano-anong ichika ng kaibigan ko. Dumiretso na kami sa sala kung saan nakaabang na sina Shawnelle at dalawang boys na agad na binati ni Domino. This is actually the first time Domino and my bestfriends' boyfriends meet each other personally. And I'm sure na magkakasundo silang tatlo.

I didn't bother to ask Domino about the emergency he told me earlier. Bago kami kumain ay nakita kong hawak niya ang cellphone at charger niya. That's when I realized that he didn't really see all of my messages and even my missed calls. Nalowbat nga siya kaya pala cannot be reach rin siya kanina.

While we are busy eating and enjoying each others company, someone's cellphone rings. Hindi 'yon sa akin dahil hindi ganoon ang ringtone ko.

"May tumatawag yata, Domino. It's your phone." sabay turo ni Shawnelle sa nakacharge na cellphone ni Domino.

Agad na tumayo si Domino para kuhain 'yon. Bigla naman akong napatingin sa wall clock na nasa tapat lang rin namin. Five minutes left before 12AM.

"It's just my alarm clock." sabi ni Domino habang hawak ang cellphone niya. Inilapag niya 'yon sa mesa namin bago muling tumabi sa akin para ipagpatuloy ang pagkain.

Aabutin ko na sana ang baso ko para uminom nang magulat ako sa biglaang pagtunog muli nang cellphone ni Domino. Napansin ko naman ang pagtayo ni Colline at pagkuha niya ng lighter sa bulsa niya para sindihan ang kandila ng cake na nasa harapan namin.

Nilingon ko muli ang cellphone ni Domino na patuloy pa rin sa pagtunog nito.

And there, I saw it. It's his alarm clock. Again.

12:00AM Wednesday
HAPPY BIRTHDAY DENISSE, MY LOVE.

Iyon ang naabutan kong nakalagay at nakaflash sa screen bago niya iistop ang alarm. Napansin ko rin ang wallpaper ng phone niya. It's his favorite picture of mine. I didn't know that he made it his home wallpaper! Thinking of all these things I just discovered made my face blushed.

Am I really that special for him to do those stuffs?

"Happy Birthday, Denisse." nakangiting bati ni Domino sa akin.

Akala ko ay wala na siyang ibang gagawin pero mas lalong pinamulahan ang pisngi ko nang higitin niya ako para yakapin atsaka hinalikan sa pisngi sa harapan mismo ng mga kaibigan ko! Bigla naman akong nahiya dahil doon!

Wow, happy birthday to me?

My Story Leads Us Together (Social Media Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon