Chapter 12

4 0 0
                                    

Saturday came and like what I have planned, I visited my Mom for the late celebration of my birthday but this time, I wasn't alone anymore.

"Mom, this is Domino Kordova. My b-boyfriend." napapikit ako ng mariin nang mautal sa pagbanggit sa huling salita.

I didn't know why I feel nervous! Wala naman akong illegal na ginagawa!

Agad namang nagmano si Domino kay Mom matapos ko siyang ipakilala rito. "Nice meeting you po."

Magiliw na nginitian naman siya nito. "Just call me Tita o pwede na rin namang Mom." hindi nakaalpas sa pandinig ko ang paghagikgik ni Mom.

"Mom naman!"

"Oh, bakit?" mataray na sagot niya sa akin.

"Tita na lang ang itawag mo kay Mom, love."

"Desisyon ka, anak!" parang nagmamaktol pa si Mom.

Napailing na lang ako sa inasta niya samantalang natawa na lang si Domino roon.

"Your mom is cool. Akala ko ay nakakatakot siya." bulong sa akin ni Domino habang naglalakad kami papunta sa dining area.

"She's not that strict naman. Nasa tamang edad na rin naman ako. At isa pa, sobrang atat na rin siyang magpakilala ako ng boyfriend sa kanya kaya alam kong tuwang-tuwa siya ngayon." 

We all settled in the dining area. Tinulungan rin ako ni Domino na iprepare ang mga bitbit naming pagkain rito na karamihan ay favorite ko at ni Mom. Halatang nagpapagoodshot rin talaga 'tong boyfriend ko kahit kung tutuusin ay hindi naman na kailangan.

Even before I let Domino court me, I knew to myself and from the very start that my Mom would like him, too. Kahit na minsan ko lang ring maikwento at mabanggit  si Domino sa kanya ay ramdam ko na talaga na magugustuhan niya ito para sa akin at magkakasundo silang dalawa.

And I wasn't really wrong about that  My lips formed a curved smile as I witness how my Mom treats my boyfriend infront of me now. Halatang-halata sa mga mata ni Mom interest niya na kilatisin pa si Domino para upang mas makilala pa ito. Normal lang naman iyon since ito pa  lang ang unang beses na nagkita sila. Getting to know each other rin sila kumbaga.

As I observed my boyfriend, I am really so happy for him that he can easily get along with my Mom. Kitang-kita ko kung paano niya respetuhin si Mom na para bang sarili niyang nanay ito. Sa ilang oras pa lang rin na pagsasama nila ay pansin ko na agad ang pagiging komportable nila sa isa't-isa.

How I wish my Dad is also here. I am pretty sure he would also like Domino for me.

"Hijo, kapag may balak ka nang pakasalan 'tong anak ko, sabihan mo ako agad ah! Gusto ko sana na ako ang unang makakaalam." kaswal na sabi ni Mom na nagpamilog ng mga mata ko.

Sa sinabi niyang iyon ay para bang pinepressure niya si Domino!

Nilapitan ko muna si Mom bago kami tuluyang makalabas ng gate. Babalik rin agad kami ni Domino sa Manila dahil kahit Sunday bukas ay may kanya-kanya kaming mga aasikasuhin para sa trabaho.

"Mom, kakapakilala ko pa lang sa kanya sayo bilang boyfriend ko. Tapos kasal po agad? Pwede bang  maghinay-hinay tayo?"

"I'm sorry, pero kasi anak..." nambibitin pa niyang sabi.

"Ano na naman 'yon, Mom?"

What's running on her head this time?

"Gusto ko ng magkaapo!"

Parehong nalaglag ang panga namin ni Domino sa isiniwalat ni Mom. Pinamulahan rin ang pisngi ko dahil doon at ramdam ko ang init non.

My goodness! Mom naman! Akala mo ay isang candy lang ang hinihingi na para bang ganoon lang kadali 'yon ibigay!

My Story Leads Us Together (Social Media Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon