Chapter 13

5 0 0
                                    

From: Love
Can't wait to see you later. I miss you so much. :(

Natawa na lang ako nang mabasa ang huling message sa akin ni Domino dahil sa emoji na ginamit niya. Kanina niya pa ako tinatadtad ng message na para bang ang dami niyang oras para mag-cellphone. I sent my simple reply to him.

It's been already two weeks since we didn't see each other but it felt like so long. Sobrang namimiss ko na ang presensiya niya. Puro videocall at text lang kami nitong mga nakaraang araw. Nasa Cebu kasi siya dahil ipinadala siya roon kasama ang team niya at iba pang doktor dahil sa may inilaunch raw na programa ang hospital nila na may kinalaman sa pagbabakuna ng mga bata. Mamayang hapon ang balik nila rito sa Manila at buti na nga lang ay hindi na nila kailangan pang maghotel quarantine kundi ay matatagalan pa lalo.

It was Saturday and so its means that I have no work. I also took a three days leave until Wednesday. Nanatili muna ako sa condo ko habang hinihintay ang oras na pagdating ni Domino. Nabusy rin kami nila Colline nitong mga nakaraang araw sa daming cases kaya naman hindi ko ganoon naiisip ang pagkamiss sa boyfriend ko. Inabala ko talaga ang sarili ko sa paper works at trabaho.

Nang matapos ko ang lahat ng gawain at pag-aasikaso ng mga gamit ko para sa pag-alis namin ni Domino mamaya ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pagscroll sa social media. Tumambay na ako sa lahat ng apps ko, from Tiktok, Twitter, Instagram at sa huli ay napagdesisyonan kong manatili na lang sa Facebook.

I was busy scrolling and non-stop reacting to different memes on my newsfeed when my eyes suddenly focus on a particular post. Tila ba nakuha non ang atensiyon ko. Ang post ay galing sa official page ng hospital na pinagtatrabahuan ni Domino. I followed their page few months ago.

It was actually an album with almost more than thirty pictures included on it. Para bang nagmukha itong documentation sa mga naganap sa programa na isinagawa nila doon sa Cebu.

Dahil sa kuryosidad ay tiningnan ko isa-isa ang mga picture na nakaupload roon. Nagrereact pa ako ng heart kada picture. Nasa pang-sampung picture na ako nang biglang kusang matigilan ang daliri ko sa pagpindot ng heart reaction.

I blinked my eyes repeatedly as I saw a familiar girl in that picture. Kinailangan ko pang izoom ang picture na 'yon para lang masigurado na hindi ako nagkakamali o namamalikmata lang sa nakikita ko.

That familiar girl. It was Ysabelle. I already knew her look since I saw her one time on Domino's high school graduation year book. Kaya sigurado   akong siya 'to. Domino is standing beside her. Pareho silang nakangiti sa picture kasama ang iba pang doktor at nurse. Kusa namang lumipad ang tingin ko sa baywang ni Ysabelle na tingin ko'y nakahawak at nakapatong ang kamay ng boyfriend ko doon dahil nasa likod o gilid ito nito.

My mind has only one question. What is she doing there? Hindi naman siya doktor o parte ng staff ng hospital. Obvious naman na rin iyon sa suot niya dahil siya lang itong naiiba ang outfit.

Nakaramdam ako ng pagkirot ng puso sa nakita ko kaya naman agad na inexit na 'yon. My mind is so clouded with many thoughts right now. Sa kalagitnaan ng malalim na pag-iisip ay bigla namang nagvibrate ang cellphone ko.

From: Love
I'm on the way na, love. See you. I love you.

I didn't reply to his text anymore. Kung kanina ay sabik na sabik ako na makita siyang muli ngunit sa mga oras na 'to ay para bang biglang naglaho iyon matapos nang nakita ko. Hindi ko na rin alam ngayon kung paano ko siya sasalubungin at haharapin mamaya.

Umayos ako nang upo nang biglang may nagdoorbell at maramdamang may papasok sa condo ko. Sigurado akong si Domino na 'yon dahil siya lang naman 'tong nakakaalam ng passcode ng condo unit ko. Nanatili pa rin akong nakaupo sa sofa habang hawak ang cellphone at hindi pa rin gumalaw roon kahit pa nang lumapit na sa akin ang boyfriend ko.

Nilapag niya muna ang mga gamit niya sa gilid bago muling hinarap ako. "Hey."

Nag-angat na ako ng tingin sa kanya at sumalubong sa akin ang halatang pagod at walang tulog na mga mata niya. Ngunit sa kabila nang medyo malusog na eyebags niya ay hindi ko  pa rin naiwasang pagmasdan at purihin ang maaliwalas at napakamaamong mukha niya.

"You obviously missed me a lot that you can't stop staring my face." napaiwas agad ako ng tingin nang biglang matauhan sa pagtagal ng titig ko sa mukha niya. Narinig ko ang paghalakhak niya kaya naman tumayo na ako na agad ko ring pinagsisihan dahil sa niyakap niya na ako.

"I missed you so much, love." he whispered while still hugging me tightly. I felt his hand carresing my back that gave a little comfort to me. I didn't say anything and we just remained hugging each other for I don't know how long.

"You're so quiet." aniya matapos kong kumalas sa yakap niya. Ramdam ko pa ang pagtitig niya sa akin na para bang nag-oobserba. "Is there something wrong?"

Hindi ko matagalan ang titig niya kaya naman ibinaling ko na lang ang mga mata sa cellphone na muli kong kinuha mula sa gilid ko. Nakabukas pa rin ang Facebook doon at nakabungad pa rin ang newsfeed ko.

"N-Nothing." I obviously lied.

Kasi halata namang may mali. I didn't expect that I'll be very much affected just because of that picture. Just imagine, dahil doon ay bigla na lang na ganito ang inakto ko kay Domino na wala man lang kaide-ideya sa kung bakit ako nagkakaganito.

"Are you sure?" naniniguradong tanong niya. "You are...very cold. You didn't talk." malungkot na dagdag niya pa.

I suddenly felt guilty with the way I am treating him right now. Thinking also of how he sounded so excited in his text earlier because he will finally see me and when he already arrived here, I didn't even welcomed him the way it should be. Plus the fact that he is obviously tired from his duty and drove directly here in my condo just to see me immediately yet I acted uninterested and I gave him a cold treatment.

Sobrang immature at insensitive mo naman, Denisse.

Sana ay hindi ko na lang nakita kanina yung picture nila ni Ysabelle, hindi na sana ako nag-iinarte ng ganito. Kung pag-iinarte ba talaga ang tawag sa inaakto at nararamdaman ko na ito.

My Story Leads Us Together (Social Media Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon