Chapter 1

38 2 1
                                    

It was Saturday night when Colline invited us to their restaurant slash mini bar. Celebration daw nang pagkapanalo ko sa case na inattend-an ko kahapon. Iyon ang sabi niya sa akin pero duda ako dito eh. Feeling ko may binabalak na naman sila ni Shawnelle.

Mag-aalas otso na nang makarating ako doon at dumiretso na agad ako sa rooftop sa kung saan pinareserve ni Colline since iyon ang paborito naming tambayan kapag mag-uunwind. Exclusive lang 'yon para sa aming tatlo o kung may iba mang iimbitahan si Colline.

Gaya nang inaasahan ko ay nakaset-up na ang lugar doon at ako na lang ang hinihintay nila. Buti na lang ay hindi nila inimbitahan ang mga boyfriend nila.

"Bakit may paganito pa? Gastos lang 'to eh! Okey na 'ko sa congrats, guys." 

"Wow, treat ko nga diba? Salamat ah, naaappreciate mo 'to." sarkastikong sabi ni Colline.

"Naaappreciate ko naman. Nahihiya lang ako sa'yo. Ayaw mo magpabayad! Siguro may binabalak ka 'no?" mariin ko siyang tinitigan.

"H-Huh? Wala!"

Nilipat ko naman ang tingin kay Shawnelle.

"Nananahimik ako dito ah!" defensive na sagot niya kahit wala pa man din akong sinasabi.

"Celebration nga 'to kasi imagine, ang isang Attorney Kelsey Denisse Alcantara, nakapamingwit ng isang artista--"

Mahina kong hinampas ang braso ni Colline. Puro kalokohan rin ang isang 'to.

"Ito naman 'di ka mabiro!" nakasimangot na siya.

"Deserve mo 'tong celebaration na 'to since big achievement mo ang maipanalo ang laban nung artista na 'yon, mabigat ang kinaso niya sa kalaban niyo diba?"

"May pangalan siya, Shawnelle! Isaac Fedelin, new rising artist sa kabilang station!" 

Napasapo ako sa noo sa sobrang hyper ni Colline. Ang dami niya rin talagang alam.

Kumuha na muna ako ng drinks ko. Mukhang medyo nakarami na sina Shawnelle.

"D, cyberlibel 'yong kinaso nung client mo do'n sa vlogger diba?"

Alam ko ang pinunta namin dito ay celebration. Di ako nainform na may painterview 'tong si Colline tungkol sa naipanalo kong kaso.

"Yup, Sir Isaac filed a cyberlibel case to that gay vlogger. Puro fake news kasi ang pinapakalat tungkol sa kanya."

"Deserve." halakhak ni Colline. Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi rin magandang biro 'yon. "Sorry." nagpeace sign pa siya.

Actually, medyo naawa rin ako do'n sa vlogger lalo na nung makita ko yung hitsura ng mama niya sa final hearing kahapon. May katandaan na ito base sa hitsura at nalaman pa naming may sakit sa puso iyon dahil sa muntik na itong himatayin pagkatapos mairelease ng court ang final decision which is guilty.

Kinasuhan ng client ko ang vlogger na 'yon ng cyberlibel dahil sa pagpapakalat ng false information sa vlog niya. Sinabi niya kasi roon na kabilang si Sir Isaac sa third party.  Ang malala pa roon ay ipinakalat niya sa iba't-ibang social media sites niya. Hindi na pinalampas ni Sir Isaac 'yon kaya idinaan nila ng pamilya niya sa legal lalo na at nadungisan ang pangalan at reputation niya. Isa pa ay nag-uumpisa pa lang siyang sumikat bilang artista at siguradong makaaapekto iyon sa career niya.

Narealize ko lang rin na iba na talaga ang generation ngayon. Lahat ay into gadgets at new technology na, ang kaso nga lang hindi naman nagagamit sa tama iyon. Talamak ang fake news at pananamantala sa online kaya dapat ay maging wise at hindi basta-basta nagpapaniwala sa nakikita doon. Uso rin ang magfact check lalo na kung may resources naman.

My Story Leads Us Together (Social Media Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon