Chapter 3

14 2 0
                                    

Sa tatlong araw na pag-iistay ko dito sa Antipolo ay tanging pagbabonding namin nila Mom ang ginawa ko. Pinasyal ko rin si Enzo sa mall kasama si Ate Elaine since matagal na rin daw silang hindi nakapamamasyal.

Sa huling araw ng stay ko naman ay naisipan kong bisitahin si Dad sa puntod niya bago bumalik sa Manila. Sasama dapat si Mom pero biglang nagkaemergency siya kaya ako na lang mag-isa.

"Hi Dad, your unica hija is here." kinausap ko siya na para bang naririnig niya ako at makasasagot siya sa pinagsasasabi ko.

Umupo ako sa gilid ng lapida niya atsaka pinunasan iyon. Ang sabi ni Mom kanina ay bumisita raw siya dito last week. Pinalinis niya ang pwesto ni Dad pati ang lapida. Pansin ko naman 'yon pati na rin ang bermuda grass.

"I miss you, Dad." bulong ko sa kawalan. Noong mga unang taon na pagkawala niya ay madalas kapag bumibisita ako dito ay awtomatikong naiiyak ako dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya pero kinalaunan ay nagbago rin ang lahat.

Most of the time, bibisita ako sa kanya dahil it's either namimiss ko siya o kaya naman ay may mahalagang bagay ako na isheshare sa kanya.

Sa pagbisita ko sa kanya ngayon, parehong dalawa na 'yan ang purpose ko.

Binanggit ko kay Dad ang napag-usapan namin ni Mom kahapon tungkol sa pagboboyfriend ko. Gusto ko lang talaga na ishare iyon sa kanya dahil sa hindi 'yon mawala-wala sa isip ko.

Sa totoo lang ay kahit pa palaging binibring-up ng mga kaibigan ko ang bagay na 'yon sa akin ay hindi 'yon naging sobrang big deal sa akin. At aminado ako na sila pa ang mas nag-aalala para sa akin kesa sa sarili ko.

Pero dahil lang sa tanong ni Mom sa akin at sa naging pag-uusap namin kahapon ay biglang ang dami ng tanong sa aking isip at inulan na ako ng what if.

What if wake-up call na rin 'yon sa akin?

I have a very comfortable life. I can buy my needs and wants. I can go to different places and travel abroad whenever I want.

I am living the life I wanted and dreamt throught the years. I am with my family and genuine friends. I am happy and contented.

What if masyado akong nagiging kampante sa buhay na meron ako ngayon?

What if masanay na lang ako na palaging mag-isa sa buhay dahil sa kontento na ako sa lahat ng meron ako at dahil na rin sa ganitong mindset ko?

"Dad, darating rin ang araw na kapag bumisita ulit ako rito, may kasama at ipakikilala na ako sayo."

That's the last thing I said to him before I went back to Manila.

Ang plano ko ay didiretso na sana ako sa condo ko pero biglang nagtext si Colline.

From: BFF Colline 💗
otw ka na, right? diretso ka here sa bahay
ung pasalubong kooo
HINDI KA NA TALAGA MAGKAKAJOWA KAPAG WALA KANG DALANG SUMAKA
ingat labyuuu mwa :*

Nireplyan ko na lang siya na wala akong dalang pasalubong pero syempre niloloko ko lang siya. Never ko naman nakalimutan na bumili ng paborito niyang Suman, Mangga at Kasoy na sikat sa Antipolo. Awtomatiko na 'yon kada bibisita ako kina Mom.

"Hello po, Tita!" bati ko sa Mom ni Colline pagkarating ko sa bahay nila. Ang kasambahay nila Colline ang nagbukas ng gate sa akin samantalang si Tita agad ang  sumalubong sa pagdating ko since naliligo pa raw si Colline.

Pinagstay niya muna ako sa living area habang naghihintay kay Colline.

"Hija, magmerienda ka muna." sabi sa akin ni Manang atsaka inilapag ang tray na may drinks at cake.

"Thank you po." sabi ko at inabot rin ang pasalubong ko sa kanila.

"Kamusta ka na? nakangiting tanong ni Tita sa akin.

Ang tagal na rin nung huli kong bisita dito. Most of the time ay hindi ko naaabutan ang Dad ni Colline dahil busy sa business nila. Eversince ay napakawarm ng welcome nila sa akin at sa kahit sinong kaibigan ni Colline.

"Okey naman po. Kayo po?"

"I'm good. Thank you for asking.  Anyway, wala pa rin ba?"

Nangunot ang noo ko roon. "P-Po?"

Biglang natawa si Tita Cel sa naging sagot ko. "I mean, wala ka pa rin bang boyfriend?"

Lord, bakit lahat ng malapit sa buhay ko ay favorite na tanong 'yan?

"Wala pa po. Soon po siguro, Tita. Promise, kapag meron na iinform ko po agad kayo."

Kasama ka po sa Top 10 na unang makakaalam kapag meron na.

"Mommy, huwag ka maniwala sa soon na 'yan ni D! Yung soon niya nung nakaraang taon, soon pa rin hanggang ngayon!" biglang sulpot ni Colline.

Napakadaldal talaga ng babae na 'to! Pwede bang magpalit ng kaibigan?

"It's okay, hija. Basta kung saan kayo masaya nito ni Colline, suportado ko kayo. Syempre gusto ko lang talaga na pareho kayong makitang ikasal. Ito si Colline, sa tingin ko ay malapit na magpropo--"

"Hala ang daldal ni Mommy! Huwag mo pangunahan, baka maudlot." nakangusong sabi ni Colline.

Pareho kaming natawa ni Tita Cel sa inasta niya. Hindi talaga mawawala ang pagiging childish niya.

Hindi naman na rin ako nagulat sa sinabi ni Tita dahil sa nakikita kong relationship ni Colline sa long-time boyfriend niya, halata namang panghabambuhay na talaga. I've witnessed their relationship since college days. Even the catfights, dahil sa akin madalas nagsasabi at nagsusumbong si Colline. I even see how they matured and grow in their relationship. Kaya naniniwala akong sa kasalan rin hahantong ang dalawa.

Pagkatapos nang kamustahan namin ay hinila agad ako ni Colline paakyat sa kwarto niya. Actually, maliban sa habol niyang pasalubong, hindi ko alam kung ano pang rason kung bakit niya ako pinapunta dito.

Pagkapasok namin sa kwarto niya ay umupo ako sa kama niya. Pagkalock niya sa pinto ay hinarap niya agad ako. "May party sa bahay ng boyfriend ko, sama ka sa'kin!" hindi iyon tanong.

Paladesisyon rin siya.

"Kung ano man yang binabalak mo na naman, 'wag mo na ituloy."

"Aattend lang! Ang judgemental mo naman, D!"

"Ikaw na lang, enjoy ka do'n. Huwag mo na ako idamay." sabi ko. I'm sure na hindi niya naman ininvite si Shawnelle kasi kung oo, baka mapilit niya pa akong sumama.

"Busy na tayo this month diba?" iyon rin ang rason kung bakit sinamantala ko ang ilang araw na maluwag ang schedule kaya bumisita agad ako kina Mom. "Marami na naman akong aasikasuhing pending cases. Focus muna ako do'n." pagdadahilan ko pa.

"Pakasalan mo na nga yang trabaho mo!" ramdam ko ang pagiging sarkastiko niya.

Sure.

Para rin naman 'to sa future.

My Story Leads Us Together (Social Media Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon