Chapter 7

22 1 0
                                    

Binanggit ko kina Colline ang tungkol sa pag-iinvite ni Domino na makipagmeet sa akin. Hiningi ko ang opinyon nila at gaya ng inaasahan ko ay walang pagdadalawang-isip at pag-aalinlangan silang nagpush sa akin na makipagkita sa lalaki.

"Go na yan, D! Just give it a try, wala namang mawawala." iyon ang sinabi ni Colline sa akin.

"Agree! Para rin makilala mo siya ng personal hindi yung puro sa chat lang kayo nag-uusap." pagsang-ayon naman ni Shawnelle sa kanya.

Chinat ko agad si Domino at sinabi ang response ko sa tanong niya. Ang totoo nyan ay may part sa puso ko na gusto ko na rin siya mameet. At dahil sa sinabi nila Colline ay mas naging desidido ako na makipagkita na sa kanya.

Saturday came and this is the day when I will finally meet Domino. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan samantalang noong mga nakaraang araw ay para bang wala lang para sa akin ang araw na 'to.

Domino will pick me up here in Chowking near my condo. Dito ako nagpasundo sa kanya at hindi sa condo ko since ito pa lang ang unang beses na magkikita kami. Sa tingin ko kasi ay hindi naman dapat at tamang sa condo ko ako magpasundo sa kanya. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya pero hindi rin naman sigurong masamang mag-ingat.

Dumiretso na ako sa loob no'n at napagdesisyunan kong pumwesto sa bungad lang malapit sa entrance para madali akong makita ni Domino. Nagscroll lang muna ako sa social media habang naghihintay sa kanya at wala pang sampung minuto ay dumating na siya. Huminto si Domino sa mismong harapan ng lamesa ko kaya naman agad akong natigilan sa ginagawa ko dahil sa presensiya niya.

He is wearing a black jeans paired with white shirt and black denim jacket. Agad na ibinaba niya ang black shades niya pati na rin ang black face mask at doon mas naging malinaw sa akin ang hitsura niya sa personal.

I was a little bit stunned and I swallowed hard when I finally saw his whole face. He has a brown eyes and thick eye brows. Hindi ko naman naiwasang ikumpara ang tangos ilong niya sa akin. Mas matangos lang ng konti ang sa kanya. Pero hindi doon nakatuon ang pansin ko kundi sa napakagandang labi niya. His lips are very natural red!

Narinig ko ang pag-ubo niya na nakapagpatigil sa akin sa pagpuri sa hitsura niya.

OMG! Masyado akong halata!  Nakakahiya! Lupa, kainin mo ako ngayon din!

"Feeling ko ang gwapo ko sa paningin mo." biglang sabi ni Domino.

Ay, hindi ba?

Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya!

"Can I sit here?" iminuwestra niya ang katapat kong bakanteng upuan. Tinanguhan ko lang siya roon at agad naman siyang umupo doon.

"Thank you for coming." nakangiting aniya.

Lord, bakit gano'n? Pati simpleng pagngiti niya ang gwapo!

"W-Wala 'yon." nauutal na sagot ko.

"Come on! Don't be shy. Hindi naman ako artista." aniya. "Hindi naman ako yung idol mong si Donny Pangilinan para mahiya ka ng ganyan." dagdag niya pa habang titig na titig sa akin.

Sinubukan kong huwag ipakita ang pagkailang dahil para bang matagal na kaming magkakilala sa paraan ng pakikitungo niya sa akin. "Paano mo nalamang fan ako ni Donny? Iniistalk mo 'ko 'no?

Huli na nang mapagtanto ko ang huling sinabi. Ang lakas ko naman makapag-assume!

"Never in my life I do stalking. I actually don't like that idea. Not until you came into my life. Parang lahat ng bagay na tungkol at may kinalaman sayo, gusto kong malaman."

My Story Leads Us Together (Social Media Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon