Makapal nga talaga ang mukha niya dahil nagawa niya pa talagang magstay. Parang ayoko nang bumaba pero sobrang nagugutom na ako. Para akong mababaliw dahil wala akong makausap.Hindi kasi nagkikibuan sina Trez at Rose. Si Raz lang din ang nagsasalita. Magkalaro sila ng ama niya at ramdam na ramdam kong tinititigan niya ako. Kapag hindi ko sinasadyang mapadako ang tingin ko sa kaniya ay kumukulo ang dugo ko. Napapairap ako sa kaniya at ang sarap niya lang balibagin!
Nagpasalamat ako ng sobra nang umalis na siya, tila ayaw pa ni Raz na umalis siya. At hindi na naging mabuti ang pakiramdam ko simula kaninang umaga.
Hindi ko parin nakakausap si Rose dahil ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Trez at ang sarap niya ring balibagin! Hinayaan ko na muna siya. Hindi rin ako makatulog sa gabi at kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isip ko. Hanggang sa naalala ko ang death anniversary ni nanag. Until now, namimiss ko parin siya.
Kaya kailangan ko siyang dalawin sa probinsya. Walang taon na hindi ko ginagawa ito. I value my mother so much kaya tuwing death anniversary niya ay dinadalaw ko ang puntod niya. Madaling araw na akong gumising at ang bigat ng pakiramdam ko. Nahihilo na naman ako, hindi na talaga maganda ang kutob ko at nabubwisit ako!
Ayokong nang mabuntis pa sa halimaw na ‘yon! Pero pagbaba ko ng hagdan ay nandoon siya nakaupo sa sala habang nakakarga si Raz sa kaniya. May bulaklak sa gilid niya at hindi ko alam kung sinong patay ang aalayan niya ng bulaklak!
“Mama, good morning. Look, dinalhan ako ni daddy ng toys. Atsaka I have a new shoes bigay daw ni grandma...”
Napatango ako sa kaniya at binati lang siya ng good morning atsaka dumeretso sa kusina. Talagang manang-mana ang Tauruz na ‘yon sa ugali ng ina niya! Mahilig magbigay ng suhol para lang gumaan ang loob ng anak ko sa kanila! But I can’t blame them kadugo sila ni Raz pero galit parin ako sa kanila!
“Yssa...” napakunot noo ako at napatigil sa pag-inom ng tubig ng marinig ang boses niya.
Ang kapal lang ng mukha niya para sundan ako dito! Nilingon ko siya at handa nang singhalan nang makita kong may bitbit siyang bouquet. Napatitig ako sa kaniya at ganon din siya sakin.
Iniwas niya ang mukha niya at umubo sa kabilang side. Narinig ko ring sinisipon siya. Bakit sinabi ko bang magpaulan siya sa labas kahapon? Kasalanan niya na ‘yon!
“I’m sorry, please...” sabay abot n’ya sakin ng bouquet. Napatawa ako at inabot ang bulaklak mula sa kaniya.
At mabilis kong hinagis sa trash bin.
“Hindi ko kailangan ‘yan! Diba sabi ko huwag mo na akong kausapin?” nakita ko sa mukha niya kung paano siya nasaktan sa ginawa ko. Blangko ang mga mata niya habang nakatitig sakin.
Matagal niya akong tinitigan at hindi ko alam ba’t tila tinutusok ako ng karayom sa dibdib. Nag-init ang mukha ko at nag-iwas ng tingin. Agad akong naglakad palabas ng kitchen at natigilan ako ng makita si Trez sa pinto at nakasandal habang nakatingin sa amin.
“Dapat lang na hinagis mo ‘yon, I remember, ganyang mga bulaklak din ang dinadala niya sa mga babae niya, am I right Ruz?” Nang-uuyam na komento niya rito.
Hindi na ako lumingon pa sa kinaroroonan niya upang alamin ang reaksyon n’ya. Magalit man siya sa kakambal niya alam ko namang totoo ang mga sinasabi nito. At mas lalo lang nadagdagan ang inis ko sa kaniya. Kahit ilang babae pa ang meron siya wala akong pakialam! Ilalampaso ko pa silang magkasabay eh! Bwisit!

أنت تقرأ
Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)
عاطفيةWarning 🔞: This is not suitable for young readers! Yssa, desperate to save her sick mother, took a dangerous job. But a terrible mistake with drugs meant for someone else landed her in a nightmare. She ended up having a night with Tauruz Kulton, a...