Simula

77.4K 3.2K 2.7K
                                    

Kinagat kagat ko ang daliri ko habang nakasilip sa pinakabubong ng bahay namin kung saan masisilip mo ang bahay nina Ka Edgar na madalas kung saan nag iinuman ang mga tricycle driver dahil sa asawa ni Ate May One.



Umabot hanggang tainga ang ngiti ko nang masilayan ang mukha niya habang umiinom ng mumurahing gin. Putangina, ang gwapo talaga niya.



"Ate, iyong panty mo raw nakababad pa sa batya sabi ni mama. iItatapon n'ya raw 'yon kapag 'di ka
pa bumaba."




Mabilis na kusang kumilos ang mga paa ko at bumaba sa bubong bago pumasok sa bintana. Shit, tatatlo lang ang panty ko, h'wag naman sana!




"T-teka naman, 'nay! Ito namang si nanay, kala mo mayaman sa panty, itatapon pa!" Sigaw ko rito nang makitang hawak hawak na niya ang batyang may nakababad na panty ko.



Binabad ko kasi iyon kasi natagusan ako kaya kinaylangan kong ibabad sa tubig nang mag damag.



Sininghalan ako ni Nanay at inirapan bago binaba ang batya sa sahig namin.



"Ay ina koz Amaya. Kahit hindi ka tagusan at reglahin makikita't makikita ko 'yang panty mo sa banyo na nakababad. Ano pa bang aasahan ko sa 'yong bata ka? Eh, ang tamad tamad mo naman." Inayos n'ya ang puyod nya gamit ang garter na galing sa tinatahi n'ya.



Humagikgik ako at dinampot ang panty ko sa batya. Napabusangot ang mukha nang makitang may tagos pa iyon.



"Ay naku naman, Amaya!" binatukan ako ni Nanay. "Magdamag na 'yang nakababad sa tubig, siguro'y hindi mo kinusot 'yan at basta mo lang ibinabad." Mabagal akong tumango at ngumuso.



"Eh, ganon naman dati ginagawa ko . Siguro na over lang yung regla ko kaya hindi matanggal."



Nalukot ang mukha ni nanay at sinuot ang kaniyang kamay sa loob ng bra bago naglabas ng bente pesos.



"Bumili ka ng chlorox, tapos sunduin mo na 'yang supot mong tatay kina Edgar. Sabihin mo kapag 'di siya umuwi, puputulin ko ang tite niya."


Mabilis akong tumango habang hawak hawak ang panty ko. Sa isip ko'y makikita ko si Astro kapag sinundo ko si Tatay kaya nauna ko tuloy puntahan si Tatay bago bumili ng Chlorox.



Nag labas ako ng malalim na buntong hininga habang papalapit ng papalapit sa bahay nina Ka Edgar, rinig na rinig ko ang tawanan nila at ang kantahan na nang gagaling sa Karaoke nila. Karamihan ay matatanda na at ang iba naman ay binata na.



Tumikhim ako bago nila ako nilingon. Namilog ang mata ko nang mag salubong ang tingin namin ni Astro.



"T-tay, umuwi ka na raw."



Nakita ko ang pag sulyap ni Astro sa kanyang relo at tumawa.



"Uy! Ito namang si Amaya alas - otso pa lang, oh. Hayaan mo na Mang Lucio rito!" Dahil sa sinabi niya nagtanguhan ang lahat ng kasama nila.


"Pero sabi ni Nanay-"


Lasing na tinapik ni Tatay ang balikat ko at sinenyasan na manahimik.



"Uuwi ako..uuwi ako sige na alis kana." Pinatabuyan ako nito at sinimulang makipag usap muli sa kanyang mga kumpare.



Nagpapadyak akong lumabas ng bakuran nina Ka Edgar at halos malukot na ang bente sa kamay ko habang nag lalakad papuntang tindahan. Hindi man lang ako pinatagal ni tatay roon kina Ka Edgar alam naman niyang crush ko si Astro, e!


"Ano 'yon, Amaya?"


"Chlorox-"


"Ate Niña, pabili nga pong ice tubig."


Otomatikong lumingon ang ulo ko sa gilid. Si Astro hawak hawak ang kanyang wallet at nakayuko na para bang antok na antok na. Tumunghay siya at nahuli ko pang nagulat.



"Ay sorry," Tawa niya. "Sige ikaw muna, akala ko ako lang mag isa.." pahina nang pahina ang boses n'ya habang hawak ang kaniyang tiyan.



Napalunok ako at pinasahan ng tingin ang kamay niyang nakahawak sa kan'yang batok at tiyan. Mauugat iyon at maputi.



Madalas siguro siya mag jakol.



"Hindi." Kabado akong tumawa dahil lasing ito. "Ayos lang, sige na, Ate Niña. Kunan mo na po siya ng ice tubig, mukhang may tama, eh." Pakiramdam ko'y nanginginig ang kalamnan ko sa kaba.



Amoy na amoy ko ang pabango n'ya at pinaghalong alak sa kulay brown n'yang tee shirt dahil masyado siyang malapit.


Hindi rin normal ang tangkad n'ya dahil kung ikukumpara sa mga tao sa bayan namin, sila ng pamilya Dashkov at Bueno Vestra ang pinaka matangkad at tinitingalang pamilya sa Barangay namin. Nakakatawa lang dahil ang puputi pa nila at hindi pala labas, samantalang si Astro lumalabas naman kadalasan.



"P-pakuha nga ng dos." Inabot niya sa'kin ang wallet. "Amaya, pakuha ng dos sa wallet ko, pambabayad k-" tulayan na siyang nagsuka sa halaman ni Tita Niña matapos kong makuha ang wallet sa kamay niya.



Pakiramdam ko hawak hawak ko ang isang kayamanan na ngayon ko lang nahawakan sa tanang buhay ko. Dahan dahan kong binuksan 'yon at nakakita ng ilang picture nina Kuya Calius at Sancho bago ilang cards, may itim, may pula at may kung ano ano pa.



Dumukot na lang ako roon ng dos at inabot kay Tita Niña bago hinawakan ang ice tubig niya. Nagpupunas pa s'ya ng bibig n'ya at inayos ang kaniyang buhok.



Umayos siya ng tayo at hinarap ako. Parang wala akong lakas magsalita habang nakatingin sa kan'ya. Ang mapula n'yang labi at basa pa na kumikintab.



"Salamat." Ngiti n'ya matapos kunin sa'kin ang wallet at ang ice tubig. Kumunot ang noo niya at ngumuso. "Amaya, ang panty mo nahulog." Biro niya.


Mahinhin akong napatawa roon kahit na basagulera at siga ako. Syempre dapat mahinhin na dalaga, si crush 'to, e.



"Ito naman..ang hilig mo talagang mag biro." Humagikgik ako.



Kinamot niya ang batok nya at yumuko bago may dinampot doon.



"Eto, oh. Lalabhan mo? May tagos, eh." Tawa n'ya.



Nanigas ako saking kinatatayuan at mabilis na hinablot 'yon. Walang pag aalinlangan akong tumakbo sa bahay at hindi na nag isip na lumabas pa't bumili ng Chlorox.


Nakita niya ang panty kong mabaho't may tagos.. napairit ako sa inis at sinabunutan ang sarili. Tinitigan ko ang panty ko sa gilid ng kama at napag desisyunang itapon 'yon.



"Ikaw ang unang trauma ko kay crush kaya malas ka." Siniksik ko iyon sa basuhan. "De bale na may dalawa pa naman akong panty." Irap ko.



Basta hindi ko na susuotin yon, malas 'yon.


©  cullenvictoria

Barangay Series 1 : Astro De LucasWhere stories live. Discover now