Kabanata 16

26.4K 1.4K 893
                                    

“Isa, Maria.” Banta niya sa akin.

Ngumuso ako at siniksik ang katawan ko sa kaniya habang nakayakap. Muli ko siyang tiningala at nahuling nakatitig ito sa akin.


“Isa pa...sabi mo boyfriend na naman kita eh!”


Umiling siya at hinawakan ang ulo ko para isiksik sa dibdib niya ngunit nagmatigas ako. Pilit akong tumitingala para ngumuso.


“Amaya, ano ba?” Kumunot ang kaniyang noo.



“Isa pang kiss,” ngumiti ako. “Hindi ako makatulog eh, isa nalang..”



Umiling siya at pumikit. Hinawakan ang bibig ko para takluban gamit ang palad habang natutulog. Nag pumiglas ako at pilit inabot ang labi niya.


Eh bitin eh! Damot - damot! Hahalik lang naman sa girlfriend niya!



“Magbreak na lang tayo, Astro.” Ani ko.



Nagmulat siya ng mata at tiningnan ako.


“Putcha.” Tumawa siya. “Wala pa ngang bente kwatro oras tayong magshota ibebreak mo na ako?” Humalakhak siya.



Umirap ako. Binigyan niya ako ng halik kaso sa noo lang. Lalo akong nagmala-bulate sa kama dahil doon. Narinig ko ang tawa niya dahil sa pagkainis ko.



“Sa labi kasi!” Maktol ko.



Inayos niya ang kama na nagulo ko. Hinila ako sa yakap habang nakangiti at nakapikit. Muli akong nagmaktol.

Halik lang eh! Napaka damot sa girlfriend!


“Ayoko na talaga,” ani ko. “Magbreak nalang tayo.” Biro ko.



Siniksik niya ako sa isang yakap habang nakangiti na parang loko. Amoy na amoy ko ang pabango niyang matapang at mabango.



“Patulugin mo naman ako, Amaya. Puro ka na kiss, e.” Tawa niya.



Tumawa ako at sinagot ang halik niya na di rin naman nagtagal. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng balat niya habang nakasiksik doon.



“Hindi pa ako inaantok eh.” Muli akong nagsalita.



“Antok na ako,” Bulong niya.



Natahimik ako roon. Siguro nga pagod na pagod na siya sa trabahong pinuntahan niya sa Malvar, malayo ’yon! Tapos nag punta pa siya doon sa Lipa.


Nakatulog na lamang ako sa katahimikan at nagising sa tawanan ng mga kalalakihan.


Lumingon ako sa tabi ko at nakitang wala na roon si Astro. Dahan dahan akong naupo sa kama at tiningnan ang repleksyon sa salamin. Magulo ang buhok at may muta pa sa mata.


Naghilamos nalang ako at gumamit ng bagong toothbrush sa banyo ni Astro. Inayos ang buhok at lumapit sa pintuan ng kwarto.


Nakakarinig talaga ako ng tawanan mula sa baba. Binuksan ko ang pintuan at tuluyan nang nakarinig ng malilinaw na boses.




“Pinakyuhan ako ni Maria Magdalena.” Boses ni Carter na pakanta. “Kagabi.” Humalakhak siya at umalulong na parang tanga.



Nanatili ako sa hagdanan. Tanaw ko si Carter at si Adriel na tahimik palagi. Si Astro at nakatalikod sa kanila may kinukutingting na kung ano.



“Natakot ata sainyo,” Narinig ko si Astro. “Pumunta sa kwarto ko eh!” Nagtawanan sila.



“Gago,” Si Adriel. “Nangangaso kami hindi namin alam na makakarating kami rito, nakita nalang namin may nakaputi sa isang kwarto akala namin multo.” Naghalakhakan muli sila.



Barangay Series 1 : Astro De LucasWhere stories live. Discover now