Kabanata 10

25.4K 1.5K 686
                                    

Ngising ngisi ako kay Karen mula sa teresa namin. Hawak hawak ko ang ilang malululutong na libuhin galing sa isang lalaki sa bar habang siya ay busangot na busangot ang mukha.


“Oh! Naparito ka?” Pinaalon ko ang aking kilay at pinaypay ang pera sa sarili.


Gasumot pa ang damit niya at halatang antok na antok pa. Siguro pagkagising na pagkagising niya at dito agad siya dumaretsyo. Nangangapit- bahay agad!


“Tangina ang sakit ng katawan ko.” Dating niya matapos umupo sa tapat ko.


“Bakit? Nakarami kayo?” Taas kilay kong tanong.



Umungot siya. “Mag damag tapos ang bayad sa akin sisingkuwentang libo!”


Humalakhak ako at muling binilang ang pera. Naging 30 thousand pa! Ayos ’yong lalaki na ’yon e, hawak lang sa hita hanggang sa sunduin na siya ng mga kaibigan niya nagkapera na agad ako.



“Kuripot naman pala ng lalaki mo.” Ngisi ko.


“Bakit? Nag pagalaw ka kagabi? Yan na yun?” Usisa nito.


Umiling ako.



“Nilasing ko tapos pahawak daw sa hita ko, edi pinag
bayad ko.” Simpleng sabi ko.



Siguro kaya hindi ko na ininda ang basta basta paghawak sa akin ng lalaking ’yon dahil sa kalasingan at sa kagustuhan sumuweldo. Worth it naman. Ang mahalaga ay hindi ako nagalaw, isa pa ako ang pumayag magpahawak sa hita.



Hita lang naman hindi pepe!



“Gago? Seryoso ka?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.



Nagngising aso ako at maya’t - maya ang baling sa aming bukana ng bakuran. Ang tagal ni Nanay at Tatay. Si Nanay ay naglalaba raw, si Tatay naman ay pumapasada na.



Tanghali na at halos magdadapit hapon na rin. Ang bilis ng oras.



“Sakit ng balakang ko.” Panay niyang inda.



“Paki ko?” Halakhak ko. “Umuwi ka na sa inyo, baka parating na si Tatay rito, eh!” Tinulak ko siya palayo.



Lalong nalukot ang mukha niya bago dumukot ng bente sa bulsa.


“Samahan mo ako sa bakery, bibili.”



Napaisip ako. Binalingan ko ang bahay namin, busy naman si Bonete sa paglalaro at sigurado mabilis lang naman kami sa bakery.



Sumang-ayon ako kay Karen. Natigilan pa namin si Ate Nathalie sa kanilang gate tinatawag ang pangalan ni Sancho. Nang makita kong pumarking ang tricycle ni Astro'y agad ko itong nilingon. Hindi man lang niya ako napansin dahil sa mga bitbit niyang gamit sa pang ayos ng tricycle.


Ngumuso ako. Di man lang ako nilingon!


“Si Abby, oh.” Bulong sa akin ni Karen.



Umirap ako. T’wing ang ganda ganda ng mood ko, sumusulpot siya. Bumibili rin ng tinapay sa bakery.



“Bilisan na natin.” Agad ko siyang hinila palapit sa mga ito.


Dumaan pa ang gulat sa kaniyang mukha nang makita kami. Kunwari akong pumipili ng tinapay, ganoon din si Karen ngunit nakikinig naman sa sinasabi ng bakla niyang kaibigan.



“Oo nga yung sa mamihan, nakakamiss talaga.” Tipid na ngumiti si Abby dito.



“Ay oo, palagi pa nating kasama ’yon. Ano bang nangyari sainyo? Ngayon lang kita nakausap at nakita eh.” Ani naman ng bakla niyang kaibigan.



Barangay Series 1 : Astro De LucasWhere stories live. Discover now