Kabanata 41

22.3K 1.3K 708
                                    

Hindi ko alam kung ilang araw na ba akong nakahiga sa malambot na kulay puting higaan dahil ramdam kong humilom na ang ilang sugat ko sa katawan ngunit ramdam pa rin ang sakit sa hita.



Nilibot ko ang tingin sa kwarto. Malinis iyon at may dalawang malaking dalawang bintana sa gilid, makikita mo roon ang halamanan na kulay berde at mga bulaklak. Kulay puti rin ang mga kurtina na lalong kinalinis ng kwarto dahil maliwanat ito at maaliwalas.






Napabalikwas na lamang ako nang pagbangon dahil doon. Nasaan ako?!




Sinapo ko ang ulo ko at tiningnan ang damit ko. Isa itong mahabang dress na umabot sa ilalim ng tuhod ko. Malinis na rin ang katawan ko pati na ang buhok kong nakalugay. Tanging naalala ko lamang ay ang babaeng nagligtas sa akin sa kagubatan.



Dali dali akong bumaba ng kama, kahit walang tsinelas ay hinanap ko ang pintuan. Miski ang pinto ay makaluma't masyadong maganda, parang ngayon lamang ako nakakita ng ganoong design ng pintuan. Pagbukas noon, bumungad naman sa'kin ang pasilyo't hagdanan. Para na siguro akong tanga kakakilatis ng bawat gamit na narito sa bahay na ito.




Ang hagdanan, maganda at klasikong tingnan. Sa pagtapak ko pa lamang sa tela na iyon ay naging komportable agad ang balat ko. Ngumuso ako. Ang yaman naman ng may-ari ng bahay na 'to kung ganoon.




Tuluyan na akong nakababa ng hagdanan. Malawak ang sala na ito, may mga sofa na mamahalin tingnan at mga makalumang kagamitan. Sa pader, may mga paintings ng mga tanawin, bulubundukin at-mga mukha ng tao.




Tiningala ko ang malalaking paintings na iyon. Para akong nasa loob ng teleserye na pumasok sa bahay ng isang estranghero't makakakita ng mga pinintang tao sa pader na may mga pangalan sa ibaba. Magaganda ang pagkakapinta roon ngunit tanging kulay brown at itim lamang ang pinangkulay rito. Kulay kape kumbaga.






Maura Sixta Coffey, mukhang matanda ngunit mukha namang mataray. Maganda naman, may kulay itim na buhok ngunit berde ang mga mata. Hindi siya pamilyar sa akin.





Theodore Evalus Coffey, lalaki ito at mas mabait tingnan. Hindi naman sa hindi mabait tingnan si Maura pero mas maamo ang mukha ni Evalus dito. Puti na nagdidilaw ang buhok nito ngunit itim ang mga mata.




Ngumuso ako. Sino ba 'tong mga 'to?! Kinamot ko ang pisngi ko at muling naglakad, lumapit sa isang painting. Dalaga naman ito. Maganda at siya lamang ang nakangiti na nakita ko sa mga nakapinta.



Ellena Mchourise Coffey.




Mas maganda siya sa'kin kung pagkukumparahin ang mukha naming dalawa. Mas makinis at mas masaya siyang tingnan. Nagmala-buwan ang hugis ng mata niya sa pagngiti sa pinta. Maganda pero mas maganda talaga ako kung ako ang tatanungin. Ako ang mas maganda!




Ngumisi ako at inayos ang buhok ko. Ramdam ko ang pagkirot ng sugat ko ngunit patuloy ako sa pagtingin ng mga pinta. Siguro nasa palasyo na ako ni Lord, ito ang mga apo niya sa tuhod kaya magaganda. Siguro maipipinta rin ako rito, not now but soon. Ginagawa palang!




Natigilan ako sa pintang nasa harapan ko. Hindi ako p'wedeng magkamali dahil ito ang babaeng nagligtas sa akin sa kagubatan. Siya siguro ang guardian angel ko na nagligtas sa'kin, may pana pa siya noon.




Kagaya noong nakita ko siya, matalim pala talaga ang hugis ng mga mata niyang singkit. Maganda ang ilong, matangos at makinis din ang balat. Hindi naman siya mataray tingnan-onti at hindi naman siya nakakatakot-onti ulit. Basta maganda siya, 'yun lang.



Barangay Series 1 : Astro De LucasWhere stories live. Discover now