Kabanata 9

26.6K 1.5K 521
                                    

“Sagot mo ang pamasahe ko, ha? Pinasok pasok mo ’ko sa trabaho na ’to, dapat sagot mo pang bayad natin sa jeep.” Ani ko habang inaayos ang tee shirt at maong pants ko.


Mukha akong batang inang naghahanap ng trabaho para sa mga anak kong hindi na makakain sa hirap. Inayos ko ang kwelyo ko at binasangutan ng mukha si Karen. Todo siya lipstick sa maliit naming salamin.



“Bobo ’to.” Aniya. “Pinasok na nga kita sa trabaho, ako pa ang mag babayad ng pamasahe mo?” Pinagtaasan niya ako ng kilay.



Ngumuso ako at tumango. “Dali na, unang araw ko naman sa trabaho eh.”



Inirapan niya ako ngunit sa huli ay pumayag din naman. Si Nanay ang nag handa ng baunan ko.



“Naku, Karen. Iingatan mo ang anak ko, ha? Aba’y kapag hindi nakauwi rito sa amin 'yan, ipapakatay ko ang buo mong pamilya.” Banta nito.



Humagikgik si Bonete sa isang gilid nang magbigay si Karen ng takot na ekspesiyon. Nakahawak ang isang palad sa dibdib at naka awang ang bibig.



“Oa mo naman, Aling Minda!” Pinagdikit niya ang kaniyang labi na may liptint. “Siyempre makakauwi ’yan! Mga madaling araw nga lang kasi restaurant ’yon, bukas 24/7 tapos ang palitan ay alas singko ng umaga." Sabi niya.



Alam ko naman ang schedule na ’yon. Nasabi ko na ron kay Nanay at Tatay na baka umaga na ako makauwi dahil ang pasok ko ay ala una ng hapon at uwi’y ala singko.



Sabi pa ni Karen, minsan ang ibang shifting ay hindi na pumapasok sa pagod. Pero ang puwesto ko naman don ay taga hugas lang ng pinggan, kayang kaya ko ’yon!



“Ay, alam ko na ’yan. Basta ay ingatan mo dun, mag iingat kayo.” Sabi ni Nanay habang inilalagay ang baunan ko sa backpack na dadalhin ko.



Para akong papasok. Nakakatuwa.



“Ate, pasalubungan mo ako, ha?” Tumayo si Bonete at tiningala ako.



“Pasalubong agad?” Kabado akong tumawa.



Hinalikan ko ang pisngi niya at pinasadahan ng haplos ang naka tirintas niyang buhok. Kahit makulit ito, mahal na mahal ko ’to.



“Oo naman! Kahit siopao na lang or siomai na hindi luto para mura, dito na lang natin lutuin!”



Tumango ako sa kaniya at sinalubong ang tingin ni Nanay. Nag mano na ako dito at nag paalam umalis.


“Mag iingat ka, ha. Huwag kang lalandi doon. Kapag nakauwi ka dito na buntis, mapapatay kitang bata ka.” Banta nito.



Sabay sabay kaming tumawa. Napakadami niyang binibilin akala mo’y doon na ako titira!


“Mauna na po kami, madadaanan ko naman si tatay sa traysikilan. Saka na ako mag papaalam.” Sabi ko.


Sinakbit ko na ang bag ko at sumunod kay Karen sa labas. Dumapo ang tingin ko sa bahay nina Astro. Wala doon ang tricycle niya at paniguradong bumabyahe na ito. Hapon na kasi.



“Lakad na lang tayo hanggang sa sakayan ng jeep. Mag tatricyle pa, wala tayong pambayad!” Busangot na sabi ni Karen.



“Oo nga— ayan si Astro! Makisabay tayo-” Napatigil ako nang makita kung sino ang nasa loob ng tricycle.



Nagkatinginan kami ni Karen.



Bakas ang tuwa sa mukha ni Astro habang nakikipag usap sa babaeng nasa loob ng tricycle, walang iba kundi si Abby. Mabagal ang takbo ng tricycle nito dahil sa nasa unahang kotse.



Barangay Series 1 : Astro De LucasWhere stories live. Discover now