Kabanata 29

22.5K 1.2K 849
                                    

"Laya rin naman 'yan mamaya, may pera e." Bumulong sa akin si Kuya Evan na pumunta pa rito dahil narinig ang balita

"Sergeant pa kapatid," singit ni Astro sa likuran ko.


Natahimik silang dalawa nang dumating na ang chief at ang nakaposas na si Jacob na nagamot na ngunit nakapikit ang mata na tila nasasaktan sa sitwasyon.

Nagsimula na silang magusap usap. Para akong bingi na walang marinig at nakatitig lamang sa sahig. Pilit iniisip ang nangyari kanina at kung ano anong katanungan ang naghahalo - halo sa isipan. Ganoon ko kamahal ang buhay ko.


"Call our Attorney please, Ate."


Nag angat ako ng tingin dahil doon. Nagtama ang tingin namin ni Jacob na ngayon ay nagsusumamo na ang mata't tila nawala na ang pagkabalisa mula sa pinagbabawal na droga.


"Jacob Gaizer Wang." anang  pulis nang mahawakan ang papel na inabot ng isa. "Nakainom at wala rin ho kayo sa sarili, may pananagutan ho talaga kayo rito."


"Yeah, you did attempt a murder." Si Kuya Evan. "And also kidnapping Amaya."


Umaktong sasagot ito ngunit hinawakan ng kapatid nito ang kaniyang balikat. Umayos ito ng upo at pinakalma ang kaniyang sarili.



Muling nawala ang atensyon ko sa usapan at nanatili ang titig sa labas ng police station. Parang... parang gusto ko nang umuwi. Parang gusto kong ipahinga ang katawan ko sa bahay namin at mapag isa. Ewan ko ba, siguro pagod na pagod ba ako ngayong araw.



"Laya rin 'yan kapag nakapagpiyansa." Narinig ko ang boses ni Astro na may halong inis matapos pumasok sa kotse.



"You know, Uncle." Salita naman ni Kuya Evan na nakisakay sa kotse ni Astro pauwi. "We always find way to punish our rivals, right?"


Hindi sumagot si Astro kaya nilingon ko ito. Naiintindihan ko kung anong pinaguusapan nila, tinatalo pala talaga nila ang bawat nakakaaway nila. Ganoon naman minsan kapag lalaki. Talagang makikipagtalo sa kaaway.


Bumuntong hininga si Astro at inabot ang kamay ko na kinasinghab ni Kuya Evan, nanatiling tahimik ang byahe namin hanggang sa maibaba na namin sa Ibabao si Kuya Evan, sinabi pa nitong may batay siyang bata na pinaiwan lamang ng kaniyang kaibigan doon kaya hindi ito makakasama pauwi ng Barangay namin.


"Gusto mo bang kumain muna sa karinderya?" Panira niya ng katahimikan, hindi pa pinapaandar ang kotse mula sa pagkakababa ni Kuya Evan.



Tumitig ako sa highway na dinadaanan ng iba't ibang uri ng sasakyan. Umiling ako, "gusto kong matulog nalang pag uwi."



Binasa niya ang kaniyang labi gamit ang dila at tumango ngunit hindi pa rin inistart ang makina ng kotse, tila may gustong sabihin ngunit nakikiramdam sa tono ko.



Naiintindihan ko naman. Alam kong marami siyang gustong sabihin dahil sa biglaang nangyari kanina. Ako rin naman eh, gusto kong magdabog sa naramdaman kong kaba kanina. Gusto kong sigawan si Jacob, gusto ko siyang sampalin pero pinangungunahan ako ng takot na nabubuo sa utak ko e.



"Sa amin ka muna, gusto mo ba?"



"Paalis ka pa, 'di ba?" Hindi ko pinansin ang tanong nito. "May inutos sa'yo ang Ama mo, sabi mo magtatagal ka doon. Late kana siguro."




Yumuko siya ngunit binalingan din agad ng tingin ang labas ng highway. Pinipitik pitik ang manibela at tila may kinokontrol sa sarili upang hindi gumawa ng isang kilos.


Barangay Series 1 : Astro De LucasWhere stories live. Discover now