Kabanata 42

22.8K 1.3K 983
                                    

Umalingawngaw ang sigaw ni Lishyan sa buong kwarto nang tumama ang latigo sa kaniyang balat. Wala na siyang saplot. Hubo't hubad na sa harapan namin habang pinahihirapan ni Elatasia.




"Elatasia. . . t-tama na 'yan," nabasag ang boses ko kasabay ng muling sigaw ni Lishyan.




Kagaya ng kanina na pagmamakaawa ko ay hindi siya nakinig. Nakabalandra na sa harapan namin ang nanlalambot na si Lishyan habang nakabitin ang mga kamay. Hindi ko mapigilang makonsensiya dahil si Jacob naman ang may kagagawan ng lahat at hindi ang kapatid nito. Ngunit matigas si Elatasia, pinanghahawakan ang sinabi niyang mahal sa buhay ni Jacob ang kaniyang parurusahan sa harapan nito.




Kaya naman si Jacob na walang magawa para ipagtanggol ang kapatid habang pinanonood ito ay pagluha na lamang ang ginagawa. Hindi siya makatayo, makapagsalita at makagalaw man lamang ng kahit anong parte ng kaniyang katawan.




Ngayon ko lang nalaman na dapat patay na talaga si Jacob ngunit nakontrol ni Elatasia ang kamatayan nito. Pinigilan sa abot ng makakaya niya. Pinanatiling mulat upang makita kung paano pahihirapan ang kaniyang kapatid na dahilan ng mga kasalanan n'ya. Ang kapatid niyang sasalo ng mga kasalanan niya na talaga namang tatarak ang sakit sa puso niya bilang isang kapatid. Masakit na nga ang ginawang pinsala ni Elatasia sa pisikal niyang damdamin, mas pinasakit pa sa mental.




"Elatasia. . ."





Nilingon niya ako. Lumiliwanag ang berde niyang mga mata sa galit at nag iigting ang panga. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang galit niya sa magkapatid na Wang kahit ako naman ang biktima sa aming dalawa. Para bang. . . handa siyang pinatay ng tao para sa'kin kahit hindi kami ganoong magkakilala.




"T-tama na 'yan, hindi naman siya ang m-may kasalanan. Si Jacob. . . n-nagawa lang naman siguro ni Lishyan 'yon k-kasi ano. . . mahal n'ya si Jacob! Gusto niyang protektahan si Jacob! P'wede namang si J-jacob nalang ang parusahan natin, eh!"




Malayo siya sa akin ngunit kitang Kita ko ang bawat reaksyon ng mukha niya. Yumuko siya at inikot ang latigo na may dugo ni Lishyan sa kamao. Hindi niya alintana ang dugong naroon at inikot lamang iyon sa kamao niya. Lumapit siya sa akin at tiningnan ako. Lumunok ako at suminghot.




"Naitakas sa drug test ang kapatid," simula niya. Kumunot ang noo ko kung paano niya nalaman iyon. "Nailusot na drug lord ang Ama," tumigil muli siya.




Napatitig ako sa aking mga daliri at dahan dahan yumuko. Paano niya nalaman ang mga 'yon?




"Tinulungan ang kapatid niyang mangidnap kasama ng babaeng gustong sumira ng relasyon niyong dalawa ni Astro."




Tiningala ko siya at dahan dahang umiling sa mangha. Naroon ba siya sa paligid namin kaya alam niya 'yon lahat? Miski ako, hindi ko alam ang tungkol sa pamilya nina Jacob. Tanging alam ko lamang ay mga pagkunsinti nito sa kapatid.




"She's a police, Maria. A police," mariin niyang sabi sa akin. "Nagtatrabaho siya para protektahan ang mga tao sa kasamaan, hindi para tulungan ang kasamaan."




"Si Jacob nalang-"




"Be merciless at least now, Maria!" sigaw niya sa akin na kinaigtad ko. "They hurt you, gusto mo bang isa-isahin ko pa ang lahat ng nagawa nila sa'yo?"




Agad akong umiling sa takot. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Naramdaman ko ang latigo sa isang pisngi ko na kinataas ng balahibo ko. Ito ang latigong nagpapahirap sa magkapatid.




Barangay Series 1 : Astro De LucasWhere stories live. Discover now