Kabanata 17

23.4K 1.4K 582
                                    

“Talaga bang hindi mo nakita si Karen, Maria?!”


Mariin ang pagkakahawak sa akin ni Ate Nathalie. Siya ang nasa unahan ko hinaharangan ako kay Aling Roselita na halos patayin na kami sa mura.



“Nay Rose . . . sinabi naman po ni Amaya na hindi niya nakita si Karen-”



“Katrabaho niya si Karen kaya dapat alam niya rin kung nasaan si Karen! Palaging umuuwing lasing ang anak ko, siguro dahil sa’yong babaita ka! Napaka sugalera mo at walang kwenta-”



“Nay, huwag naman pong gan’yan!” Sumigaw na si Ate Nathalie.



Napadaan lang ako rito sa tapat ng bahay nila sinugod na ako ng sabunot ni Aling Roselita dahil daw ako ang nag-aaya kay Karen gumimik kaysa mag trabaho samantalang ang anak naman niya ang nagpasok sa’kin sa ganoong trabaho!



“Oo nga! Sugalera nanay mo kaya siyempre namana mo! Sinama sama mo pa ang ate ko!” Sigaw sa akin ng isa pang kapatid ni Karen.



Dahil doon hindi ko na napigilang umamba rito para abutin ang buhok niya at sabunutan ito. Binubuhay niya ang pagiging basagulera ko!



“Ano naman kung sugalera nanay ko, ha?” Nagkagulo na kami. “Kaysa naman sa Nanay mong pokpok! Aanak anak ng marami hindi naman kayang buhayin! Pinahihirapan niyo lang si Karen!” Napairit ako nang hablutin ni Aling Roselita ang buhok ko.



Halos ang mga kapitbahay namin ay naglabasan na. Si Ate Nathalie ay hindi alam ang gagawin sa nangyayari.



“Ilang gabi nang umuuwi si Karen ng lasing tapos naririnig ko pa sa ilang tanod dito sa Barangay nakikita kang madaling araw umuuwi nakapang pokpok ka pang damit huh? Ikaw ang nag iimpluwensiya sa anak ko pumasok sa mga ganiyan huh?”



Natalo ako sa sabunutan dahil pinagtulungan ako ng mag nanay na ito. Tuluyan na akong nahatak pahiga sa kalsada na kinasigaw ng lahat.



“Hah!” Nagawa ko pang humalakhak. “Anak niyo ang nagpasok sa akin sa trabaho na ’to!”


Naramdaman ko ang pagdiin ng kuko niya sa anit ko.



Tumulo ang luha sa mata ko dahil sa sakit noon. Ang kalmot ni Kairi sa aking  braso ang lalong nagpairit sa akin.



Nagpagbaklas lamang kami nang ilang tricycle driver ang tumigil at nag tigil sa amin. Kasama na doon si Astro na agad hinila ako palayo roon.




“Nay Roselita!” Saway ni Astro. “Ano bang nangyayari rito? Anong problema? Bakit ka nakikipagsabunutan?” Sunod - sunod niyang tanong at kinilatis ang buo kong katawan.



Padabog kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Saka ko lamang napansin na halos lahat ng tao sa bawat bahay ay nasa labas na at nanonood sa amin.



“Sa susunod ho kasi matuto kayong magtanong nang kalmado! Alamin niyo muna kung ano talagang totoo hindi yung susugod - sugod ka dahil sa mga naririnig niyo! Ganiyan talaga kapag matanda na! Kung anong naririnig, doon naniniwala! Peste!” Pinandilatan ko ito.



Nanginginig na ang labi ng matanda dahil sa galit. Si Nanay ay basta na lang sumulpot sa kung saan at binitawan ang hawak na labada.



“Jusko anak! Ano nanamang pinasok mong gulo? Bakit ka nakikipag-away rito?!” Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi sa pag aalala.



Lumayo bahagya si Astro sa amin ngunit nasa likuran ko ito. Pinanlilisikan ko pa rin ng mata ang mag ina na nasa harapan ko.



“Eh, ’nay! Ako sinisisi kung bakit ilang gabi na umuuwi ang anak niya na lasing at ngayon hindi pa umuuwi, aba’y bakit naman sa akin hahanapin? Mukha ba akong taga hanap ng nawawalang anak? Anak mo hindi mo alam kung nasaan? Kayo ’tong may cellphone hindi n’yo magawang tawagan?” Walang preno kong sabi.




Barangay Series 1 : Astro De LucasWhere stories live. Discover now