Kabanata 32

24.5K 1.3K 708
                                    

"These foods taste so good, right?"

Umirap ako. Kanina pa kinakausap ni Sir Apollo ang sarili niya habang kami ay kumakain. Si Astro ay hindi man lang pinapansin ang Ama, sinusubuan pa ako sa harap nito.

"Bakit gising ka pa, anong oras na ah?" Muli nitong tanong sa anak. Saglit akong sinulyapan. "You should be-"

"Ang ganda ganda mo talaga," pinandilatan ko si Astro. "Tabi ulit tayo matulog, ha?" Aniya pa sa'kin.

Tumango na lamang ako habang nakangiti. Nilingon ko si Sir Apollo, nakatingin na ito sa pagkain at tahimik kumakain. Siguro'y napagod na kakasalita, hindi naman pinapansin ni Astro. Gusto ko sanang sabihan si Astro ngunit pinagtitripan lamang nito ang Ama kapag sasagot.

"That dress looks good on you, Amaya."

Nag angat ako ng tingin sa kaniya. Ngumiti lang ako ng tipid. Nakakahiya naman kung sasagutin ko ulit siya, muntik ko nang makalimutang Ama 'to ni Astro, parang walang galang naman 'yon 'di ba?

"Ako pumili n'yan, eh." Singit ni Astro, proud at pinaalon pa ang kilay.

Dahan dahang tumango ang Ama. Sosyaling pinunasan ang kaniyang bibig gamit ang tissue at inayos ang kubyertos. Tila mananatili pa ito sa mesa kahit tapos na.

"You slept together in your room?" Kalmado nitong tanong. Tumango naman si Astro. "Something… happened?"

"Mhm," tumango muli si Astro.

Normal at kalmado lamang ang pag uusap nila kaya nakinig na lamang ako. May dessert na inilapag ang waiter kaya naman iyon ang nilantakan ko habang nakikinig sa usapan nilang mag - ama.

"I don't want a grandchild yet," matigas na ingles nitong sabi. "Bata pa ang nobya mo, Sandro."

Gusto ko sanang isipin na may pake ito sa akin, ayaw mabuntis sa maagang edad ngunit imposible naman iyon. Si Sir Apollo? Magkakaroon ng pake sa akin? Imposible talaga! Eh, halos patayin na nga ako nito sa tingin palagi.

"Kontrolado ko naman ho ang sarili ko," uminom ng tubig si Astro. "At saka kung mabuntis ko man, ayos lang. Marunong naman ako managot, 'di ako tatakbo." Nakayuko pa din ito at nakapokus sa kaniyang plato.

"Kahit na… " dumekwatro ang Ama. "Hindi mo din kontrolado ang sitwasyon, bata pa ang nobya mo. Paano kung mabuntis 'yan agad? Magagalit ang magulang n'yan."

Miski ako ay walang maisagot doon. Nang tumama ang tingin sa akin ng matanda ay nagiwas ako ng tingin. May punto naman siya, ayaw pa nina Nanay at Tatay na magbuntis ako. Bata pa ako, marami pa akong dapat gawin. Pagtatapusin ko pa si Bonete.

"Alam ko naman ho ang ginagawa ko, Ama." Tiningnan niya ang kaniyang Ama. "Kontrolado ko kung paano tatakbo ang relasyon namin, at kagaya ng sinabi ko. Kung mabubuntis ko man, pananagutan ko. Pero hangga't alam ko ang ginagawa ko at alam namin kung anong kailangan gawin habang maaga pa, wala munang mabubuo."

Natahimik si Sir Apollo. Yumuko nang may ngisi sa labi habang tumatango tango. Hindi ko alam kung inaasar niya ba si Astro o natuwa ito sa sinagot ng anak.

Iinom ako ng pills habang maaga pa. Magpapabili ako kay Astro kung kinakailangan. Kung 'yon lamang ang problema ni Sir Apollo. Wala pa naman kaming plano magkaroon ng anak eh. Nagpainit lang naman kami ng katawan. Normal lang 'yon sa mga mag shoshota.

"Alright," tumango muli siya. "Next time buy at least one pack of condom for safety."  

"Yeah," mahinang sagot ni Astro sa Ama. "I will, father."

Kumurba ang labi ko nang marinig iyon. Masarap talaga sa tainga kapag nagiingles si Astro, parang hindi siya ang kausap ko kapag ganoon. Sosyal sa tainga.

Barangay Series 1 : Astro De LucasWhere stories live. Discover now