Kabanata 5

34.1K 1.8K 1.2K
                                    

"Samahan kita sa sakayan ng jeep?" Tanong niya sa'kin.


Napaisip ako. Dahil matarik ang daan pataas sa kalsada, hindi ko kakayanin dahil hindi naman ako gaanong malakas. Nagkatinginan kami ni Astro ng ilang saglit bago siya natawa.


"Ihatid na lang kita hanggang sa Dita, gusto mo ba 'yon?"


Aba, bakit hindi?


"Magbabyahe tayo?" Tanong ko sa kaniya.



"Hindi.." tila napaisip siya. "Dala ko ang kotse ko, dito p'wede naman kitang ihatid." Ngiti niya.



Tumaas ang isang kilay ko roon. May kotse siya? Akala ko tricycle lang. Sabagay baka naman second hand lang o kaya naman kotseng mumurahin.



Sinampay niya ang kaniyang tuwalya sa kaniyang balikat at sumingkit ang mata dahil sa init.



"Iakyat natin 'to sa hagdan tapos hintayin mo na 'ko roon. Kukunin ko lang ang kotse ko." Anito at tila nagplano.



"Talaga?" Mahaba kong tanong habang nakatingin sa kaniya. Baka iwan ulit ako nito, eh! "Ayoko, baka iwan mo 'ko." Nguso ko.



Hindi dapat ako nagpapauto sa lalaking 'to. Baka mamaya iwan na naman n'ya ako tapos magkandalumpo - lumpo na ako pauwi.



Gumuhit ang gulat sa mukha niya bago tumawa.



"Hindi na kita iiwan, Amaya." Ngumiti siya at nilahad ang kamay niya sa'kin. "Oh, tara. Isasama kita, 'wag kang bibitaw." Aniya habang tumatawa.



Namula ang pisngi ko ngunit pinandilatan siya ng mata. Tsansing 'to, e!



"Ayoko, malansa ang kamay mo."



"Maghuhugas ako." Sumandok siya ng tubig gamit ang tabo. "Tapos holding hands tayo, ganon!" Hirit niya habang nag sasabon ng kamay.



Holding hands.



As a friend? Ano kaya yun! Wala rin!



"Ayoko pa rin." Ngisi ko. "Baka bitawan mo 'ko." Pag papabebe ko.



Nagpunas siya ng kamay gamit ang basahan bago ako hinarap habang pinapaalon ang kaniyang kilay.



"Edi kumapit ka ulit, tanga mo naman." Aniya.


Namilog ang mata ko sa gulat. Naglalambingan lang kami kanina bakit . . . bakit biglang ganon?!



Namula ang mukha ko sa inis at hiya. Nagtatry lang naman ako magpalambing sa kaniya tapos bigla niya 'yong sinabi.



"Joke, s'yempre hahawakan ko ulit." Ngumisi siya sa'kin. "Hindi kasi ako tanga." Makahulugan niyang sabi.


Inirapan ko ito. "Alam mo, minsan ang kj mo."



Malakas siyang tumawa bago tinapik ang timba ng isda.



"Minsan lang, buti nga hindi everday." Kibit balikat niya at nilahad ang kamay sa'kin. "Kapit na, baka hindi ka  rin marunong maglakad, eh." Anito.



Hindi ako sumagot ngunit pabagsak na binitawan ang tabo. Namilog ang mata niya at inagaw sa'kin 'yon.



"Gago ka talaga!" Bulyaw niya sa'kin. "Kabago bagong bili ko 'tong tabo na 'to sa SM tapos ibabagsak mo.." hinaplos niya ang tabo at hinalikan iyon.



Hay, pangarap ko talagang maging tabo.



Sininghalan ko siya. Binibitbit n'ya ang timba bago hinila ang braso ko habang naglalakad. Nagpakaladkad na lang ako rito kaysa magsalita at makipag sigawan sa kaniya.



Barangay Series 1 : Astro De LucasWhere stories live. Discover now