Kabanata 31

25.8K 1.4K 1.4K
                                    

Warning : R18 | Matured Content.

Nagawa pa niyang inumin ang juice na pinakuha niya sa'kin! Nakaupo pa sa dulo ng kama habang ako ay balot ng kumot sa lamig ng aircon niya at dilim. Nilingon ko ang bintana at nakita ang mga ilaw ng ilang matataas na building.

"May trabaho pa ako eh," bulong ko habang nakanguso dahil ayaw niya akong pansinin kanina.

Hindi talaga ako makakilos sa takot. Nagkurap kurap ang ilaw kanina at kusang sumara ang mga pinto't bintana. May narinig pa naman akong kwento patungkol sa hotel na ito. Sabi nila… may dalagang pinatay dito at magmumulto, lalo tuloy akong natakot.

Muli kong tingnan ang malapad na likuran ni Astro, nakayuko ito ay nakatitig sa hawak niyang juice. Madilim ngunit kita ko kung paano magtaas baba ang balikat niya sa paghinga. Gwapo pa rin talaga siya kahit nakatalikod.

"Aalis na ak-" nilingon niya ako. Dahil sa dilim ay hindi ko kita ang mukha niya ngunit naramdaman ko ang malamig niyang kamay na pumigil sa isang paa ko upang bumaba.

Sabi ko hindi ako magiging marupok sa kaniya kaya papanindigan ko ito. Pilit akong bumaba hanggang sa tuluyan na akong nakatayo, nilingon ko ang pintuan saka naalalang sa sala doon sa mesa ko nga pala iniwan ang juice. Kumunot ang noo ko at nilingon ang juice na hawak ni Astro. Hindi naman siya lumabas ng kwarto?!

Madilim na dumaan ang tingin niya sa uniporme ko, kita ko ang pamumula ng tenga niya ngunit madilim naman ang awra, tila naiinis.

"Aalis na ako,"

Mahina siyang tumawa.

"Jan kana, magmove on kana sa'kin." Matigas kong sabi at humakbang palayo sa kaniya. Pinihit ko ang door knob, nagtaka nang hindi ko ito mabuksan. Nakalock ba ito o sira? Nandito naman sa loob ang lock!

Ilang segundo lamang ay naramdaman ko na ang palad niya sa tiyan ko, hinawakan ang baywang ko na para bang hangin lamang at itinapat ako sa kaniya. Ang tahimik niya kanina pa kaya mabilis na tumibok ang puso ko sa kaba.

"Break na tayo 'di ba?!" Bulyaw ko dito nang patakan niya ng halik ang balikat ko. Tinulak ko siya kaya tumigil ito at ngumuso. Tumatawa pa!

"Ang selosa mo naman-"

"Aba e sino namang tanga ang hindi magseselos kapag nakita mo boyfriend mo kasama ex niya sa mismong birthday mo tapos halos gusot gusot na ang damit?" Umusok ang ilong ko sa inis. "At malay ko ba kung nagsisinungaling ka o hindi? Syempre pagtatakpan mo kababuyan niyong ginawa," sarkastiko akong tumawa.

Binasa niya muli ang kaniyang ibabang labi, dahil sa liwanag mula sa ibang building ay kita ko ang ilang parte ng mukha niya. Tumatawa pa siya! Ngumingiti habang tumatango tango! Nag eenjoy si gago!

"Hmm," naningkit ang mata niya sa'kin. "Wala kang tiwala sa'kin?"

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya pero nasaktan ako. Hindi ko talaga minsan kontrolado ang damdamin at mga sinasabi ko kapag galit na ako't nasaktan.

"H-hindi naman… " nagtama na ang tingin namin. "Eh, bakit pa ba ako magtitiwala sa'yo kung break na tayo?!" Muli akong nagtaas ng boses upang hindi mahalata ang pagiging kabado.

Humalakhak siya, tumingala pa kakatawa hanggang sa mapansin ko na ang Adam's Apple niya. Namungay ang mata ko dahil sa kagustuhang hawakan ito ngunit agad naman niyang niyuko ang ulo niya para tingnan muli ako.

"Sige nga," tumango tango siya. "Kapag sinagot mo halik ko, tayo pa. Kapag naman hindi at itinulak mo ako, break na tayo."

Taas noo akong ngumisi. Aba siyempre g ako! Napakaeasy naman nito, anong akala niya sa'kin? Adik sa mga halik niya? Hindi 'no!

Barangay Series 1 : Astro De LucasWhere stories live. Discover now