Kabanata 11

23.1K 1.4K 708
                                    

Inayos ko ang sumayad na lipstick sa labi ko sa tapat ng salamin at ngumiti. Kikita ulit ako, sana yung lalaki ulit kagabi para hindi ulit ako magalaw iyong maiisahan ko na naman!

“Akala ko talaga hindi na kami makakatakas kay Astro kanina. Kinukulit ba naman kaming siya mag hahatid sundo sa amin sa trabaho!” Kwento ni Karen kay Ericka.


Tumawa ako at hinarap sila. Oo nga, puro sigawan ang nangyari samin kanina bago pa kami makaalis doon. Nag baon na rin ako ng damit pampalit at shampoo’t sabon, maliit na tuwalya para bago umuwi ay maliligo muna ako dito.



May maliit namang banyo rito na kinagaan ng loob ko. Basta hindi maamoy ni Astro ang alak sa aking katawan, ayos na ’yon.



“Baka kapag nalaman niyan..” Ani ni Ericka. “Sugurin tayo rito at pasabugin itong bar ah!” Oa!



“Gagi!” Hinampas siya ni Karen. “Siya nga ang mag susundo sa amin mamaya eh, ako baka hindi na naman ako makauwi sa tamang oras mag dadahilan nalang si Maria!” Pinandilatan niya ako.



Humalakhak ako. Si Karen siguro ang palaging laspag sa aming tatlo lalo na itong si Ericka. Dumako ang tingin ko kay Ericka na halos ibuhos na ang pabango sa kaniyang katawan.



“Malaki ba kita niyo kagabi? Naka isang milyon ako.” Ngiti niya.



Nanlaki ang mga mata namin. Isang milyon? Ilan ang tumira sa kaniya?



“H-huh? Ilang lalaki ang gumalaw sa’yo—”



“Boba! Syempre iisa lang! Mayaman kasi!” Putol niya.



Umawang ang labi ko. Gusto ko rin noon! Kaso ayaw ko namang magalaw. Baka sensitibo ako tapos isang galaw lang ay mabuntis agad. Isa pa, baka kung ano anong sakit ang makuha ko.



Mabilis na humarap si Karen kay Ericka at tila interesado sa laki ng perang natanggap nito. Palibhasa, kakaunti ang nakuha niya kagabi.


“Talaga? Isama mo naman ako mamaya kung saang parte may matataas magbigay.” Hinawakan niya ang braso ni Ericka at halatang desperadang sumama dito.



Napailing na lang ako. Iba talaga ang nagagawa ng kagipitan sa tao, gagawin lahat kahit dignidad pa ang usapan.



“Oo kaso dapat handa ka mabuntis kapag wala siyang dalang pamproteksiyon.” Humagikgik si Ericka.


Humalakhak ako muli. Kahit kailan talaga si Ericka kapag nag bigay ng payo, may banta na nga may pananakot pa. Namutla si Karen at tila may naalala.



“H-hindi ko alam kung nag condom iyong kasama ko kagabi..” Aniya na kinatigil naming dalawa.




Mabilis na nag halungkat si Ericka sa kaniyang bag.



“Lumabas ka muna, bumili ka ng ganitong pills.” Pinakita niya ang kaniyang hawak. “Para hindi ka agad mabuntis, bili ka na rin ng condom. May pera ka naman.” Halakhak niya.



Inayos niya ang kaniyang buhok. Samantalang ako ay simple lamang silang pinapanood, nagpapasalamat naman ako dahil kahit papaano hindi ako nagalaw sa unang gabi.



Kinagat ko ang ibabang labi ko at pumikit ng mariin. Sana ngayon din.



Lumabas si Karen at nagpaalam na pupunta sa pharmacy na malapit lang naman dito sa bar. At dahil hindi pa naman daw ubos ang kababaihang duty sa bar pinayagan ako ni Ericka na maglinis ng ilang mesa roon, may bayad naman ito.



Barangay Series 1 : Astro De LucasWhere stories live. Discover now