Kabanata 2

44.1K 2.2K 1.2K
                                    

"Kiko, naman! Alam mo namang wala akong pera eh!"


Mabilis kong naglakad palayo sa kaniya at sa kaniyang mga kaibigan. Mariin ang pagkakahawak ko sa singkuwenta pesos na pambili ko ng ulam ngayong tanghalian. Sinisingil niya ako sa utang ko noon na pinambayad rin sa pang tanghalian ni Bonete.


"Dali na naman, Amaya. Gutom na rin naman kami, eh." Pilit siyang sumusunod sakin kasama ng kaniyang mga kaibigan.



Malapit na. Malapit na, Amaya. Malapit ka na sa karinderya.


Suminghab ako nang hapitin ni Pico ang braso ko at pinaharap sa kanilang lider lideran na si Kiko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinanlisikan siya ng mata.



"Alam mo, kaya wala kang maibili pangtanghalian mo? Puro ka kasi barkada! Puro ka gala!" Bulyaw ko sa kaniya.



Ngunit pinakatitigan niya ang kamao ko na nakatikom at naroon ang singkuwentang pambili ko. Pilit n'yang binubuksan ang kamao ko damit ang madumi niyang kamay at matatalim na kuko.



"Aray ko!" Sinipa ko ito ngunit hindi siya nag patinag.



Isang harurot ng motor ang nagpatigil sa kanila. Nahati kami sa dalawang parte dahil sa gitna mismo namin ito dumaan. Ang pamilyar na porma at motor ang nagpamilog ng mga mata ko.



Inalis nito ang kaniyang helmet bago hinayaang hanginin ng hangin ang kan'yang buhok. May isang maliit na bata sa kaniyang unahan ngunit hindi ko makita ang mukha dahil naka taklob ito gamit ang isang itim na helmet.



Hawak ni Calius ang maliit na bewang ng batang babae habang isa isa kaming tiningnan.



"Kuya Calius!" Lumapad ang ngiti ko.



Tiningnan niya si Kiko mula ulo hanggang paa. "Anong ginagawa mo kay Amaya?" Bakas sa boses nito ang pagiging kalmado na malayong malayo sa kanyang amang si Kuya Silas, mas mahihimigan mo ang bait.



Tumikhim si Kiko.


"May utang siya samin!"


"How much?"


Namuo ang nakakalokong ngiti sa mga ito bago sumagot.


"Apat na libo!"


Agad akong nag protesta. "Bobo! Singkuwenta lang iyon!"


Hindi nila ako pinansin at nagbubulungan pa nang maglabas ng pera si Kuya Calius galing sa kaniyang wallet. Binitawan niya saglit ang bata at binilang ang pera bago pinakita sa kanila.


"This is five thousand, fresh from the bank." Agad iyong kinuha ni Pico.


Kuminang ang mata ko. Ang yaman talaga nila!


"Hoy, manong!" Nilingon ko ang bata. "Baliktad naman short mo, eh! Bakat titi mo!" Ang matinis at prangka niyang pagsasalita ang nagpatawa sa'kin.


Sino kaya ang batang 'yon? Tinapunan lang ako ng tingin ni Kuya Calius at tinanguhan. Mag sasalita pa sana ako dahil hindi naman limang libo ang utang ko kina Kiko kundi singkuwenta lang.



Muli, magsasalita dapat ako ngunit pinaharurot niya iyon paliko sa tuklong. Kumunot ang noo ko, akala ko uuwi siya sa kanila..



Madalas ko lang kasi siya makita rito si Kuya Calius umuwi. Tapos ngayon may kasama siyang bata.



Suminghab ako at namilog ang mata habang nakatingin sa dinaanan nina Kuya Calius. May anak kaya siya?! Nakabuntis siya nang 'di alam nina Ate Nathalie?!




Barangay Series 1 : Astro De LucasWhere stories live. Discover now