Kabanata 19

26K 1.4K 502
                                    

“Oh my God what is this?” Mabilis na turan ng batang Dashkov sa hapag namin. “Jackfruit is a fruit! I-it’s not ulam!” Madrama nitong nilagay ang palad sa kaniyang nakaawang na bibig.



Malakas na nagtawanan ang mga tao sa hapag namin. Nilagyan ni Nanay ng kanin ang plato ni Sancho at sa amin rin. Si Astro ang nag salin ng inumin sa aming baso.




“Masarap ’yan, Sancho! Luto ko ’yan, tikman mo, anak.” Wiling - wili si Mama sa batang ito at talagang sinubuan pa.




Matagal kaming natahimik habang nginunguya nito ang ulam. Sumubo pa ito ng kanin bago nagbigay ng ngiti at nag thumbs up.



“Ikaw? Baka gusto mong subuan pa kita?” Tanong sa akin ni Astro.




Muli silang nagtawanan. Nagkibit balikat ako, hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang kumakain. Iba talaga kapag in love e!




“Lagi ba kayong naka-manok, Sancho?” Ganadong tanong ni Bonete.



“Hindi..” Tumawa si Sancho. “My mother loves eating vegetables, hindi kami palaging naka-karne.” Ngumiti ito.




Tumango tango ako roon. Hindi na imposible dahil kapansin - pansin naman kay Ate Nathalie ang pagiging simple. Mula sa pananamit at pagkilos nito.



Natigil na lamang kami sa pagkain nang humagangos na pumasok si Kuya Calius sa aming bahay.




Hingal nga hingal ito. Naka-kapang kulay kayumanggi at itim na pantalon. Kapansin - pansin ang kulay pilak nitong espada na nakasabit sa baywang gamit ang sinturon nitong lalagyan.



Espada?



“B-brother!” Nataranta si Sancho at Astro.



Tumayo ang mga ito at inalalayan si Kuya Calius. Nanlilisik ang mata nito kay Sancho habang naghahabol ng hangin.




“Oh! Ijo! Naparito ka? Kumain kana ba?” Tumayo si Nanay para kumuha pa ng isang plato.




Nagsalin ng tubig si Astro sa isang baso at inabot dito. Basang - basa na ng pawis ang noo nito, tahimik lamang bago sumagot.




“I,” Tumigil siya. “I was looking for Sancho . . . I’m sorry, naka-abala pa ako.” Muli siyang huminga ng malalim. “Walang katao-tao sa bahay hindi ko alam kung saan nag punta ang batang ’to, pasensya na po.” Nagmano ito kay Tatay bago umayos muli ng upo.



Napatango g tango ako roon. Hindi maalis ang tingin sa kaniyang espada, totoo kaya ’yon?




“Sinama ko si Sancho kanina bumili ng Coke, bakit ganiyan ang ayos mo?” Bahagyang humina ang boses ni Astro.




Nilingon ako ni Kuya Calius. Lumunok ako nang masilayan ang matamlay ngunit matalim nitong tingin dahil sa pagiging singkit. Tinuon ko na lamang ang pansin ko sa aking plato. Dumating din si Nanay dala - dala ang isang plato.




“Galing ako sa kagubatan,” Mabilis niya iyong dinugtungan nang maglapag si Nanay ng plato sa harap niya. “Huwag na po, susunduin ko lang si Sancho-”



“Kumakain na ang kapatid mo rito! Dito kana lang din kumain!” Mahinang hinampas ni Nanay ang kamay nito.




Namula ang tenga nito sa ginawa ni Nanay. Tinikom ang bibig at inayos ang kaniyang kapa. Lumunok at pinasadahan ng tingin ang pagkain sa mesa. Kumakain kaya ito ng ganito?



Barangay Series 1 : Astro De LucasWhere stories live. Discover now