3

487 17 0
                                    


May pa quiz ngayon yung terror naming prof, at susunod naman na subject ay yung kay Kirk. Hindi ako sanay na tinatawag siya na Sir  whatsover unless magtatanong ako sa kanya. Nakareceive din ako ng text galing kay Mommy, may family dinner daw mamaya, ang hirap maging student at maging asawa at the same time... Hindi mo alam kung anong uunahin mo.

''Bring one half sheet of paper.'' pumasok na agad si Mrs. Albaranda. ''Kapag nahuli ko kayong nagchecheat sa quiz na to. I'll mark your papers zero.'' sabi niya pa, nilagay niya ang mga gamit niya sa desk, binuksan niya laptop niya at doon nagsimula ng sabihin ang mga tanong.

''At dahil mabait ako, sige. Magbibigay ako ng multiple choice para di kayo bumagsak sa subject na to.'' sabi niya, natatawa nalang ako sa tuwing binaba niya yung salamin niya, hindi kasi bagay sa kanya, pero masama ang gaguhin siya kasi baka isumpa mo siya buong sem.

''Lord, kayo na bahala sa akin.'' narinig kong bulong ni Drei, siniko ko naman siya. Parang tanga kasi to! Alam naman niyang may quiz di man lang maiging nagreview. Eh knowing kung paano magpaquiz ang teacher na to, mas malala pa sa inakala mo, hindi fifty percent ang pasado sa kanya kundi ang sixty percent. So kapag di ka umayos, you'll fail her subject.

''Dre, feeling ko babagsak talaga ako.'' nilapit ni Drei yung katawan niya sa akin, ''Baka gusto mong magpakopya.'' bulong pa nito.

''Gago ka. Buti kung di tayo mahuli! Hayaan mo na, importante may score ka.'' iniimpit namin ang tawa namin kasi ayaw naman naming mag cause ng ingay sa classroom. Halos lahat kabado sq pagiging score nila.

Natapos ang quiz namin, nabalik na sa akin yung paper ko, okay. Forty over fifty... Not bad, pero feeling ko mababa pa din ang makukuha ko dahil sa mahirap niyang subject. 

''Score mo?'' kinuha ni Drei yung papel ko ng walang paalam.

''Punyemas! Malapit na pala yung sagot ko! Namali pa!'' reklamo nito sa sarili niya, ''Nagrerecall ako kanina, yun pa ang nakalimutan ko. Tanga! Anyways, paano ka nakuha ng ganyang score eh parehas tayo ng nireview.'' binatukan ko siya.

''Ungas! Ang ingay mo kaya kanina.. hindi ko alam kung paano ka nakapagreview,'' I hissed. Eh mas inatupag niya pa atang makipagkwentuhan sa tropa niya kaysa magreview tapos magtataka siya. Kinuha ko yung papel ko, inipit ko sa libro ko, mamaya... Isusuot ko na din yung singsing ko, ngayon di na muna.

Lagi namang nalalagay sa ziplock yun para di mawala, delikado na baka mamaya bayaran ko pa kay Kirk..  eh hirap na hirap na nga ako dahil din sa taas ng tution ng school na to. ''Tara lunch? Libre ko.'' umakbay si Drei sa akin, napagkakamalan kaming magjowa kahit tropa lang ang turingan namin sa isa't isa.

''Tanga! Baka mamaya sugurin ako ng mga babae mo. Bitaw!'' bulyaw ko, napalingon din ako sa likod at nakita ko na may mga babaeng masama ang tingin. ''Oh kitam, bitaw na!'' napabitaw naman siya sa akin,

''Si Chloe nalang muna isasama ko, byee!!'' sabi ko sabay takbo sa bench kung saan nakaupo si Mary.

''Late ka nanaman, san ka ba kasi nagpupunta?'' sabi nito sa akin.

''Ano lang, nag ikot ikot lang sa campus.'' sabi ko, inilabas ko yung mga pagkain na dinala ko, yung mga nasayang na pagkain. Paano ba naman kasi, ang dami kung magluto sa bahay pero di naman nauubos.. nasasayang.

''Sino next sub ulit?'' tanong ko, sabay kain nung sandwich na dala ko.

''Si Sir Guivarra.'' tipid niyang sagot. ''Tanong lang kasi ilalagay ko sa ipapasa ko sa kanya, May asawa na  ba yun? Para ilalagay ko.'' sabi pa niya.

Secretly Married To My Professor √ [SB19 PABLO]Where stories live. Discover now