21

304 13 1
                                    

LIANA'S POV 

''Saan ka galing? I'm trying to contact you pero hindi ka sumasagot...'' Yan ang bumungad sa akin pagpasok ko ng bahay. ''I'm worried.'' lumapit siya, at hinawakan ang kamay ko. Tinangal ko yung kamay ko pagkahawak niya sa akin. 

''Let's eat.'' Sabi niya sa akin, Nawawalan ako ng ganang kumain, kada nakikita ko yung muka niya mas nahihirapan lang ako. 

''Kirk, pagod na ako. Hindi pa ako gutom, mauna ka na.'' Sabi ko sa kanya. Dinaanan ko lang siya na parang hindi ko siya nakikita. Sobrang sakit to sa akin, pero gusto ko na siyang iwasan. I can't this anymore. I don't wanna suffer for more. pagod na ako. Pagod na pagod na ako, kirk...

...

''Bakit nag iimpake ka?'' Nagulat ako nang bigla siyang pumasok sa loob ng kwarto, sino ba naman ako para pigilan yun hindi ba? iisa lang ang kwarto dito. ''Saan ka pupunta?'' pagtataka niya. 

Hindi sapat ang isang maleta para mailagay lahat ng gamit ko kaya kukuhanin ko nalang muna yung mga kailangan kong gawin. ''Damn it! Talk to me! Anong problema mo?!'' He frustrately asked me, Ano ba?! Wala ka ba talagang alam o nagpapangap ka lang na walang alam? 

''Baby... please, talk to me.'' his sweet voice. As I started putting my clothes sa loob ng maleta. My tears began to fall. ''W-why are you leaving me? D-did I do something wrong?'' His voice broke. 

''Tangina naman eh! hayaan mo nalang ako!'' Napasigaw ako ng hindi ko namamalayan. ''Hindi ka ba nakakahalata? ayoko na! pagod na ako! I'll find a lawyer, please. ako nalang ang aalis. wag mo nalang akong pigilan.'' 

''Can you just give me a reason kung bakit kailangan mong umalis? Akala ko ba mahal mo ako?''

''Oo! mahal kita, sa sobrang mahal kita kahit na durog na ako hindi pa kita maiwan iwan...'' Nailagay ko na ang mga gamit ko doon, Kung bukas magkikita kami sa school hindi ko nalan siya papansin, itrtry kong maging professional sa harap niya. ''Bahala ka na, gawin mo ang gusto mong gawin.''

''Puntahan mo na si Chelsey...'' lumabas sa bibig ko ang masamang damong sumira sa aming dalawa. He's staring at me, hindi niya din alam siguro kung bakit ko alam yun. ''Nakakapagod kang intindihin at mahalin, hindi mo ba naiintindihan yun? Eh baka kay Chelsey.. maintindihan ka niya.'' 

''H-how did you know about her?'' He was shuttering. Hindi niya alam kung bakit ko nasabi yun, wala. I said it. I don't care anymore. ''I'm sorry...'' yan ang tangi niyang nasabi. 

''You don't need to explain to me, kung hindi mo ako mahal noon.. hanggang ngayon... edi sana matagal mo nalang akong iniwan, matatangap ko naman eh. bakit pinatagal mo pa.'' I told him. ''I-If you are really sorry... Then leave me alone. Kirk, I need to be alone. Hayaan mo akong umalis sa bahay na to.'' 

''Ibabalik kita, aayusin ko lang ang gulong to.'' Sabi niya. Kinuha ko na ang maleta ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto. 

 

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।
Secretly Married To My Professor √ [SB19 PABLO]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें