31

256 7 2
                                    

2 MONTHS LATER.

Pasensya ka na, kaya ko nang mag isa...

LIANA'S POV 

''Tara gala tayo?'' Napa-atras ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Drei. SIguro hindi lang ako sanay na ganito yung pakikitungo niya, I guess. I have to bare with it? kasi I find comfort... may karapatan naman na akong maging masaya ulit hindi ba?

''Saan naman tayo pupunta?'' I asked him. Inaayos ko yung hawak hawak kong libro, may mga papel kasi na importante. baka mamaya mahulog pa hindi ko na mahagilap. ''Ay teka, shuta.'' napamura ako. sobrang layo na pala ng nilakad namin, naiwan ko yung tumbler ko sa classroom.

''Una ka na muna pala, sunod ako. hintayin mo nalang ako don sa may gate.'' sabi ko. Dali dali akong bumalik sa pinang-galingan ko. Nasa harap na ako ng classroom, nakita ko yung tumbler kong violet na nakapatong sa table ng teache's table. Ganon kasi kapag yung may naiiwang gamit, inilalagay sa teacher's table. 

''May nakalimutan ka?'' I heard someone spoke sa likod ko. Napalingon ako, napalunok sa nakita ko. I saw Kirk, standing right infront of the door. I just need to be proffesional... huminga ako ng malalim bago nagsalita. 

''A-Ah oo. yung tumbler ko po, Sir.'' may galang kong sagot sa kanya. ''Alis na ako.'' sabi ko at lalakad na sana ako palabas ng room kaso bigla niyang hiwakan yung braso ko dahilan para mapabalik ako sa harapan niya. My heart was so damn beating fast. Gusto kong suntukin yung puso ko, kasi tumitibok nanaman siya sa maling tao. past na siya, pero doon pa din siya bumabalik. 

''Liana.'' He whispered my name. 

''Bitawan mo ako, baka may makakita at maissue nanaman tayo.'' malamig sa sambit ko, parang anytime gusto ko nalang mahimatay dito para lang makatakas sa gulong to. 

''Hindi ba talaga natin maayos to?'' He asked. I saw his eyes, sa dalawang buwan... pero nagawa niya pa ding masaktan ngayon. Madami siyang pwedeng ipalit sa akin, pero bakit pinaparamdam niya sa akin na importante pa din ako hanggang ngayon? Hindi ka ba talaga nag move on Kirk? I just give a chance sa taong malapit sa akin na nagbibigay importansya sa akin tapos ngayon gaganituhin mo ako? Ginagago ba talaga ako ng tadhana?

''Just give me a chance... Again, para lang mapatunayan ko sayo na I'm worth it. Again, Liana.'' may pagmamakaawa sa boses niya, pero no. Hindi ako papayag na makuha niya ako ulit. Tama na ang pagkadurog ko, I just learned it from my past mistake, at ayoko na maulit ang isa pang pagkakamali na yun. Kasi baka hindi na kayanin ang puso ko. 

''Bakit pa?'' tinignan ko siya. Sa dalawang buwan, ngayon ko nalang siya ulit natitigan ng ganito. Nagbago na din ang itsura siya, namayat siya. para bang hindi na siya yung katulad ng dati.. is it because of me? ''Tinapos na natin dba? I told you. Ayoko na, Go find someone better.'' pagtataboy ko sa kanya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, hinding hindi niya mabitawan. 

''Don't make me do a move para mabitawan mo ang kamay ko.'' banta ko. Hindi ko alam kung kaya ko siyang saktan, hindi naman kasi ako ganong tao. pero I'll take the risk, para lang marealize niya na hindi na dapat sya nag aantay sa taong wala nang pag asa pa. ''Kirk, ang sabi ko bumitaw ka na. Ako, b-bitawan mo na ako. Ayoko na.'' I started to teared up, inangat ko ang isang kamay ko para mapunasan ang mata ko. 

''S-Sumuko na ako... H-hindi mo ba naiintindihan yun? kasi kung mahal mo ako, at ito ang pinili kong desisyon... hahayaan mo ako, Kirk. Hahayaan mo ako na piliin naman ang sarili ko, na mahalin ang sarili ko... na piliin kung saan ako magiging masaya.... na pumili ng taong makakasama ng hindi nakakapagod.... Honestly Kirk, I started to remove you from my mind and my heart... Alam kong hindi madali, pero yun ang dapat kong gawin... kasi wala na. wala na tayo di ba?'' Huminga ako ng malalim para maging maayos ang paghinga ko, hinahabol ko na ang paghinga ko. Siguro kasi napagod ako kanina sa pagtakbo at ngayon... umiiyak na ako. 

''Please, Kirk. Iwan mo nalang ako, maghanap ka ng iba... maglibang ka nang iba. Wala na akong pakielam... wag mo nalang akong guluhin...'' I said. Lies. Nahahalata  ko naman ang pagsisinungaling ko, tama nga talaga na kahit anong gawin mong paglibang mo sa sarili mo para makalimutan ang isang tao, hindi mo magagawa... lalo na kung sa mga maliliit na bagay maalala mo siya. 

Ang sakit mong mahalin, Kirk Guivarra.

''Hindi pa rin kita susukuan...'' He said in between his sobs. Ngayon ko lang siyang nakitang umiyak sa akin, siguro kung wala kami ngayon sa school baka lumuhod to sa akin. 

''Gamitin mo nalang tong pagkakataon na binigay sayo ng school, para maging maayos ang pagtuturo mo. Just.. forget about me, be professional.'' Sabi ko, kinuha ko ang kamay niya at ipinatong pa iyon sa isa niyang kamay na nakapatong sa desk. 

............


''Nakuha mo na?'' I saw Andrei walking towards me, ''Akin na yan.'' tinulungan niya ako sa bag kong dala dala, hindi naman yun mabigat.

''Mag CR lang ako, saglit.'' tumango naman siya at ako naman tong pumunta na sa banyo. Thoughts... na labas pasok sa isip ko, I'll forget you soon, Kirk Guivarra. it takes a lot of time, pero in order to do that, kailangan mo na din akong pakawalan. 

Naghugas ako ng kamay at after non pumunta na kay Drei baka naman kasi kanina pa siyang nag aantay.  ''Yow, Andrei.'' I tapped his shoulders. 

''Nandyan ka na pala.'' He is browsing something sa phone niya. 

''Ano yan?'' I asked him.  Inangat niya ang tingin niya sa akin, 

''Amusement Park.'' Sagot niya. ''Sabi mo kasi.. hindi mo naranasang maging bata hindi ba? I'll bring you there. Dito nalang tayo mag date,'' sabi niya. 

''Ehh?? Takot ka naman sa heights. paano mo maeenjoy ang roller coaster dyan?'' Natatawang tanong ko sa kanya. Ayaw niya sa mataas, pero susubok sa amusement park na puno ng roller coaster?? Ang tapang mo naman. 

''I can go, kasama ka naman eh.'' Sabi niya at kumindat pa. AMPOTA NAMAN!!?!? masyado mo na akong pinapakilig gago ka! 

''Ano? G na?'' biglang sumulpot si Luke at Chloe sa harapan namin. 

''Kasama pala kayo??'' Pang aasar na tanong ko, 

''Double date, sounds good.'' Ani ni Chloe, ''Go kame. Hindi ba Luke?'' sabi nito, para namang ayaw ni Luke, pinandilatan lang ata eh. 


---------------------------END--------------------------

A/N

ENJOY KAYO??

-Makata






Secretly Married To My Professor √ [SB19 PABLO]Where stories live. Discover now