34

230 7 1
                                    

Ito na ang pinaka-aantay namin!! it's already the last day... Magkakanya kanya na kami ng landas. ''Alam mo shutacca!!'' narinig kong sigaw ni Chloe sa boyfriend niya. Yes, napatino niya lang naman ang isang Luke Gonzales. At ako? Heto, mag isa. Pero pinipilit ni Andrei na bigyan siya ng pagkakataon na patunayan ang sarili niya.

We are wearinh our graduation outfits. ''Hindi ko akalaing gragraduate ka.'' natatawang sambit ko kay Andrei, lumapit siya sa akin para ayusin ang toga ko, ''Sa tingin mo, handa na ba akong sumugal ulit? Well, new life na to.''

''What do you mean?'' nagtatakang tanong niya.

''Ikaw? Hindi mo naman sinabi sa akin na huminto ka na sa panliligaw dba?'' Hindi pa rin niya magets yung sinasabi ko. I... Gusto ko lang naman subukan ang sumugal ulit. Matagal naman na yung sa amin ni Kirk, kaya mas mabuting kalimutan ko nalang iyon. I have to start a new life.. with a new person.

''Ano ba yan!!! Wala pa nga sa ceremony!! Harutan na agad ang nakikita ko!!'' biglang nagsilabasan ang mga kaibigan ni Drei. Present lahat, Sila Patrick at Gab nalang ang wala.

''Si Patrick at Gab???''' pagtatakang tanong ko, lagi nalang late yung dalawang yun.

''As usual, Late.'' sagot ni Alan sa akin. ''Ayan na pala sila,'' napalingon kami. May nagsusuntukang pabiro sa likuran namin. Silang dalawa na yun panigurado.

''Walang awat talaga yung dalawa.'' napailing nalang kaming lahat. ''Tara na?'' pag aya ko sa kanila.

''Liana.'' Someone called my name from behind. A familiar voice na kahit matagal ko ng hindi naririnig, ganon pa din ang epekto sa akin. Nilingon ko siya.

''S-Sir Guivarra.'' nauutal kong sinabi. He's wearing a black long sleeves, naka brush up din yung buhok niya. ''L-long time, No talk.'' yan ang tangi kong nasabi, hindi naman ako ganon kabitter para di siya kausapin. Paano kung masaya na siya ngayon? Edi susuportahan ko nalang siya.

''Gragraduate ka na,'' he said and smiled. Napatingin ako sa sarili ko, ang tagal ko ding inantay ang panahon na to. Onti nalang, matutupad ko na ang pangarap ko. Ang maging abogado.

''Oo nga Sir.'' Hindi ko matangal ang salitang Sir, kasi gusto ko na magkaroon na kami ng formal conversation. ''Ikaw ba? Masaya ka naman ba.?''  parang nag aalangan ako sa tanong na yun.

''I'll be honest with you.'' Huminga siya ng malalim bago muling magsalita. ''Hindi. Simula nung umalis ka, hindi ako naging masaya. Ako na mismo ang umalis sa school na to, para mabigyan ka ng distansya.'' he sighed. ''Baka kasi you needed time... Ako din naman ang may kasalanan nito, di din ako nakinig sayo. Nakipagkita pa ako sayo, kahit na alam kong delikado... I'm sorry for that, Liana.'' he apologized.

''Okay lang yun, Sir.'' tumango nalang ako. ''Magiging masaya ka din, kapag naging maganda ang pamilya---''

''Hindi sa akin ang bata.'' Halos magulat ako sa narinig ko, ''Kung hinayaan mo lang ako magpaliwanag nong gabing yun... Masasabi ko sayong ikaw ang mahal ko, at hindi sa akin ang dinadala niya...''

''S-sigurado ka bang hindi na talaga natin maayos ang nasira na?'' He said, I saw his eyes communicating with me.. waiting for me to respond sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. It was full of sadness and sincerity. Kung kailan naman balak kong magbigay ng tsansa, bigla akong lilituhin ng tadhana.

''I already choose to leave you, Sir Guivarra.'' I said. ''It was my final decision. At kahit balik baliktarin natin ang mundo, hindi ko na babawiin yun.'' may kung anong kirot sa puso ko ng masabi ko ang mga linyang iyon.

''You'll find someone better than me, Kirk. Wag mong hayaang sa akin lang iikot ang mundo mo. Kasi araw araw, may mga tao kang makakasalamuha na pwede kang bigyan ng pagmamahal na hinahanap mo.''

Secretly Married To My Professor √ [SB19 PABLO]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora