5

461 16 0
                                    

LIANA'S POV 

Maaga akong pumasok, Hindi ko na muna ginising si Kirk kasi dahil may hang over pa siya. pero sinabihan ko yung maid namin na abutan ng kape. Natural! may kape naman talaga siya sa umaga, ano namang bago don?

''Maaga kang pumasok?'' malamang sumulpot nanaman sa harapan ko si Drei. itong lalaking to ang hilig hilig biglang tatalon sa harapan ko. 

''Hindi teh, kaluluwa ko lang talaga to.'' Napairap ako. Ang bigat bigat ng bag ko ngayon, bakit ba kasi ako nagdala ng sangkatutak na libro kung pwede ko namang iwan sa loob ng classroom ko hindi ba? para lang magmukang matalino? takte.

Pumasok na kami sa loob ng classroom namin. As usual, maingay ang klase. Walang maninita, ano pa bang aasahan sa school na to. ''Wala pa si sir? himala yun ha. Laging nauuna pa yun sa guard.''

''Oo nga no? Hindi pa tirik ang araw... nasa gate na siya.'' natatawa ako sa mga naririnig ko. Nilabas ko nalang yung mga libro ko, nilagay ko sa desk ko. 

''Sorry I'm late.'' Nasa gilid na siya ng classroom namin. nakasandal siya doon, para bang nangarera kasi sobrang pawis siya. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang tawa ko. 

''Okay get your books. Read page 150-200.'' utos niya. 

Binuksan ko ang libro, actually nakakatamad naman na magbasa, magpapangap nalang ako. Nakita kong si Drei ay walang ginawa kundi ang mag ingay sa gilid ko. ''May pagkain ka ba dyan?'' Tanong ko sa kanya, mas pipiliin ko pang kumain ng patago kaysa magbasa. buti nalang din at may upuan pa sa harapan namin. 



''Meron,'' Binuksan niya ang bag niya. ''Ayan, eggnog.'' Sagot pa niya. amp! varsity player ang dala ay wengyang eggnog? sinong mabubusog dito? Bahala na! 

''Ang tipid ng canteen pero ang mahal ng tuition fee.'' reklamo ng kaibigan ko. Haynako Chloe sa tagal mong dito naka enroll, ngayon ka lang nagreklamo. Aba, hindi ko din malaman sa babaeng to. ''Saan ba tayo uupo?'' She asked me.

Nauna na si Drei, may practice daw kasi ng varsity. ''Go to my office.'' nagulat ako ng biglang may bumulong sa akin.

''Good Morning,'' si Kirk. Tsk! Anong maganda sa morning kung siya ang babati sayo.

Tignan mo yung lalaking yun, nanahimik lang ako dito pero ginawa niya ay umakto na parang may kailangang patunayan. Eh baka naman magtitino na siya? Baka mamahalin niya na ako? Impossible.

''Hoy! Saan ka pupunta? Di ka pa tapos kumain.'' Hinawakan ako sa pulsuhan ni Chloe. Napahingang malalim nalang ako,

''M-May kailangan akong ipasa. Baka umaykat na,'' pagpapalusot ko, pero doon lang din naman ang punta ko sa office ni Kirk. ''Sige, una na kayo. Di naman ako malalate ng pasok doon.''

''Ah okay sige.'' tanging sagot niya nalang. ''Wag kang malalate, baka gusto mong mapagalitan ni Ms Vicky.'' i smiled. As if magpapahuli ako.

Ewan ko ba sa lalaking to, bakit kailangan ko pang pumunta doon sa wengyang office niya. Mamaya mapahamak pa ako, buti kung sa bahay at uutusan ako tangap ko pa. Pero lintek! Nasa school ako! Nasa school kami! Shuta naman! Ano bang ginawa ko nung past life ko para maranasan to? Bakit ko ba pinilit na magpakasal sa taong di naman ako gusto. BAKIT BA AKO PINAGKASUNDO?!?!

''Sir Kirk.'' tawag ko at kumatok sa office niya, he opened the door and sat on his office chair. Kinuha niya yung mug niya na may lamang kape, Aish! This guy.

Secretly Married To My Professor √ [SB19 PABLO]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن